Chapter 23

25.7K 615 6
                                    

A/N: Naipost ko na ang Dangerous 3 but uunahin ko munang tapusin ang Morozov Brothers. I'll update that story soon. Maybe while I'm writing MB or after. Depende kung sisipagin akong pagsabayin yung dalawa. Thank you and happy reading

~

Magkahawak kamay na pumasok sa loob ng malaking bahay sina Lexious at Zshana. Magtatanghalian na dahil sa may kalayuan pala ang dagat na pinuntahan nila ni Lexious kahapon at pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ay sinalubong sila ni Thor na may hawak hawak na samurai.

"Hello daddy! Hi po mommy! Look po. Lolo gave me this then we were playing with this yesterday. Tinuturuan niya po ako." Pagkwekwento nito sa kanila at imbes na kabahan si Zshana ay natawa pa siya sa hitsura ng anak niya.

His face is a mess. Maamos ang mukha nito at sa tingin niya ay dahil sa chocolate iyon. His right hand's holding the samurai as his left hand's holding a fork with a slice of pancake.

"Give the samurai to me Thor. Mamaya ka na ulit maglaro nito kasama ang lolo mo. Finish your food. Bakit ngayon ka lang nag-aagahan?" Sunod sunod na sambit ni Lexious at kinuha ang samurai sa bata na kaagad naman binitawan ni Thor.

"No daddy, I already ate breakfast po kanina. Then lolo asked me about my favorite food tapos noong nalaman niya na pancake nagpabili siya kaagad and I'm eating po ulit." Nakangiting sambit nito kaya naman napailing na lang si Lexious.

"That old man. Its almost lunch time. Enough with the pancake. Kapag nagutom ka ulit you'll eat rice na okay? Pancake is for breakfast not for lunch. Do you understand me buddy?" Lexious nagged at tumango naman si Thor.

"Roger po daddy." Sambit nito at nagtatakbo patungo sa couch na inuupuan nito habang kalong kalong nito ang plano na may lamang pancake at busy sa panonood ng tv.

Nang makaakyat sila sa second floor ng bahay ay nakasalubong nila ang daddy ni Lexious kasama ang isang babae.

"Hey daddy, hey mommy." Biglang sambit ni Lexious kaya naman tumigil sa paglalakad ang dalawa.

"You must be Zshana? Sinasabi ko na nga ba na maganda ka! Thor is such a cute kid!" The woman squealed kaya naman napangiti siya.

"Good morning po." Nakangiti niyang bati sa ginang.

"Oh, ako nga pala ang mommy ni Lexious. I'm Lilian but just mom or mommy okay? I've always wanted a baby girl kaso lalaki naman ang mga naging anak ko. Sana baby girl ang sunod ha, over powered na tayo ng boys sa pamilyang ito. Even Lexious's cousins are boys." Sunod sunod na sambit ng ginang kaya naman napatawa siya.

The woman's presence made her feel comfortable. She has this motherly aura at sa unang tingin pa lang ay alam niyang mabait ang ginang.

"So nagtagumpay si Lexious sa proposal niya sayo? Pinahirapan mo ba siya ija? Dapat pinahirapan mo ng konti yang anak ko, lalaki ang ulo niyan." Biglang sambit naman ng tatay ni Lexious kaya nakangiti siyang umiling.

"Nako, hindi po. Napa-oo ako kaagad." Natatawang aniya.

"See daddy? Wag kang epal." Lexious said with a smug look on his face kaya naman tinawanan ito ng ama nito.

"Let's see. Sana nga babae ang sunod. Tingnan ko lang kung hindi sumakit ang ulo mo lalo na kapag maraming lalaking umaligid sa kaniya. Buti na lang parehas kayong lalaki kaya madali naging buhay ko." Pananakot ng tatay ni Lexious and Lexious snorted.

"Daddy, si Linus man ang pinakamagaling sa samurai, sa tingin ko naman kaya ko rin pagtutuhugin yung mga manliligaw kung magkakaroon kami ng babaeng anak. Don't worry, I have a very capable attorney so hindi ka magkakaroon ng anak na ex-convict." Lexious fought back at imbes na matakot ay natawa na lang siya.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon