Chapter 7

32.3K 795 7
                                    

Lexious, Zshana and Thor looks like a happy family while they were walking. Palabas na sila ng bahay para iayos ang mga gamit sa kotse for their trip. Si Thor naman ay nakita niyang nagtatakbo papunta sa garden habang sila ni Lexious ay busy sa pag-aayos ng gamit nilang tatlo.

Lexious already told her that he would take a week off from work. Nang malaman nito na isang linggong walang pasok si Thor dahil sa may aayusing facility sa school nito ay kaagad itong nagdesisyon na hindi na lang ito papasok sa trabaho.

Nagulat pa nga siya noong una dahil sinabi ni Lexious sa kaniya noong nakaraan na mayroon itong bagong project na inaayos pero ang sabi lang sa kaniya ng binata ay "if it deemed necessary then I'll work. I can work as long as I have my laptop with me so you don't need to worry about anything. Let's just have some fun."

Matapos na ilagay ni Zshana ang bag ng mga damit nila sa loob ng sasakyan ay nilapitan niya na si Thor na nakaupo sa damuhan sa garden ng bahay ni Snow. Snow has this spacious garden in her house at katabi lang ito ng garahe.

"Baby, let's go na. Daddy's in the car already." Aniya at kaagad namang tumayo si Thor at lumapit sa kaniya.

Hawak niya ang kamay ng bata habang naglalakad sila patungo sa garahe. Lexious is already inside, starting the car. Siya naman ay binuksan ang backseat para makapasok si Thor. Nang makaupo na ang anak niya sa loob ay kaagad niyang isinara ang pintuan ng sasakyan at saka siya pumasok sa passenger's seat.

Nang lingunin niya sa Thor ay nakahiga na ito doon sa backseat habang naglalaro ng games sa ipad nito.

"Thor's starting to look like a spoiled young master." Natatawang sambit niya at natawa rin naman si Lexious dahil sa tinuran niya.

"Don't worry. I'm gonna make him a bad ass spoiled kid so that no one will be capable of hurting him. But of course, he should not hurt someone unless they initiated an attack on him first." Seryosong sambit ni Lexious kaya naman napailing na lang siya.

Tahimik lamang silang tatlo sa byahe. Hawak hawak ni Lexious ang isang kamay niya habang ang isang kamay naman nito ay busy sa manibela. Siya naman ay nakaupo lamang doon habang pinapanuod ang mga tanawin.

Thor on the other hand, is sleeping soundlessly. Napatingin naman siya kay Lexious nang biglang mag ring ang phone nito.

Lexious then stopped the car on the side before answering the call.

"What do you need Pierre?" Tanong nito pagkasagot na pagkasagot nito sa tawag.

"Zeke? Ewan ko. Hanapan ba ako ng nawawalang prinsipe?.... He's not answering your calls? Baka nawala na naman ang phone ni Zeke. Hayaan mo muna babalik din yun kapag naisipan non. Saka si Daemon ang tanungin mo. Yun ang best friend ni Zeke gago." Anito at binaba na ang tawag. Kapagkuwan ay humarap ito sa kaniya at nagtanong.

"Z, answer me. Sa gwapo kong ito mukha ba akong lost and found?" Tanong nito sa kaniya kaya naman napatawa siya.

"Hindi. Pero konti na lang iisipin ko na talagang baliw ka. Kung anu anong pumapasok diyan sa kokote mo." Sumimangot naman lalo si Lexious pero ngumisi lang ito makalipas ang ilang segundo at hinalikan siya sa labi.

"That's for bullying me. Matulog ka na muna, mahaba pa ang byahe. I'll wake you up when we get there." Anito at muling nagmaneho ng kotse kaya naman naiiling na pumikit na lang siya. Hindi pa sila nakakalabas ng Manila dahil sa sobrang traffic and she still feels sleepy.

Nagising si Zshana nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa balikat niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay kaagad na nakita niya si Lexious na nakangiti sa kaniya.

"We're here. Sa loob mo na lang ituloy ang tulog mo kung inaantok ka pa." Nakangiting sambit nito sa kaniya.

"Si Thor?" Kaagad na tanong niya rito at may itinuro naman ito.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon