Chapter 26

25.4K 644 8
                                    

"Good morning Ma'am, Sir. I'm Lexious Lucifer Aki, your daughter's fiance." Pagbati ni Lexious sa mga magulang ni Zshana pagkabukas ng pintuan sa harapan niya.

Lexious took the day off para lamang makausap ang mga magulang ni Zshana. Zshana's still sleeping at kaya lamang niya nagawang iwan ang kaniyang fiance ay dahil katabi lamang naman ng bahay niya sa dark village ang bahay na tinitigilan ng mga ito.

"You're Lexious. Oh its nice to meet you!" Masiglang bati sa kaniya ng ina ni Zshana kaya naman nginitian niya ang mga ito.

"I'm here to invite you para sabayan kami ni Zshana na mag-agahan. Tulog pa po siya ngayon pero she'll probably wake up soon." Aniya at nakita niya naman na inakbayan ng ama ni Zshana ang asawa nito.

"That would be great. Para naman makilala ko yung lalaking ipinagmamalaki sakin ng prinsesa ko. You better not disappoint me son." Anito kaya naman kaagad siyang tumango.

"Noted sir." He answered and Zshana's father chuckled.

"Its dad now." Sambit nito at tumikhim.

"Well then, lead the way son." Dugtong pa nito kaya naman tumalikod siya at umuna sa paglalakad.

Wala pang limang minuto silang naglakad at nakarating na sila kaagad sa bahay na tinitigilan nila ni Zshana. And when they entered the house ay kaagad na nakita ni Lexious si Zshana na naka-indian seat sa couch habang nanonood ng tv at kumakain ng mansanas.

Parang nalimutan bigla ni Lexious na kasama niya ang mga magulang ng dalaga dahil kusang naglakad ang mga paa niya patungo rito at niyakap ito mula sa likod.

"Good morning sweetheart. How's your sleep?" Tanong niya rito at hinalikan ang pisnge nito.

"I slept like a baby. Though I woke up and I can't find you so I'm a little annoyed right now. Where have you been?" Anito kaya naman napangiti siya at humiwalay sa pagkakayakap sa dalaga.

Bigla niyang naalala kung bakit nga ba niya iniwan ito mag-isa sa bahay.

"I asked your parents to come over." Aniya at mahinang natawa bago bumaling sa mga magulang ng kasintahan na nakatayo at tila ba pinapanood silang dalawa.

"Maupo ho muna kayo. I already ordered the food so please bear with me." Lexious said and Zshana turned her head.

"Oh my God. Mommy! Daddy!" Zshana squealed kaya naman nakangiting nilapitan ng mag-asawa ang anak ng mga ito at niyakap.

Lexious then excused himself para naman mabigyan niya ng oras ang tatlo na makapagusap usap.

"How's my princess?" Zshana smiled when she heard her father's endearment for her.

"I'm good daddy. Kayo po ni mommy?" Nakangiting tanong niya sa mga ito na kaagad namang tinugunan ng tatay niya.

"We're doing great princess. We were just surprised nang dumating ang ilang tauhan niyang mapapangasawa mo. You did tell us na magpapakasal na kayo pero ang sabi mo sa phone na lang namin kausapin ang mapapangasawa mo dahil busy nga ito. We were shocked noong biglang may piloto na dumating para kaunin kami." Natatawang kwento sa kaniya ng tatay niya at kaagad naman na sumegunda ang nanay niya.

"Diyos ko anak. Kung nakita mo lang kung gaano kabilis kaming nag-ayos ng gamit. Sinabi mo nga sa amin na mayaman ang mapapangasawa mo pero hindi mo naman sinabi na ubod ng yaman ang lalaking iyon. And to think na may sarili siyang eroplano?" Her mother exclaimed kaya naman nangingiti siyang napailing.

"Sorry. Kahapon ko lang din po nalaman na ipapakaon pala kayo ni Lexious tapos noong sinubukan ko kayong tawagan ay out of reach na kayo. Hindi ko na tuloy kayo nasabihan." Aniya at napailing na lamang ang mga magulang niya.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon