"Thor come here." Sambit ni Zshana dahil medyo napapalayo na si Thor sa kanila. Kabababa lamang nila ng eroplano at mukhang excited na excited si Thor dahil kung saan saan ito nagsususuot.
Nauna na sa kanila si Lexious para kuhanin ang bagahe nila dahil sa nagpunta pa siya sa comfort room. Hindi rin nila kasabay na umalis ang ama ni Lexious dahil bigla itong nakatanggap ng tawag noong araw na dumating ito sa bahay ni Lexious kaya umalis din ito kinagabihan.
Si Thor naman ay lumapit sa kaniya at humawak sa kanang kamay niya.
"Mommy why are there so many people which are singkit here po like me and daddy?" Thor innocently asked. And because of her son's innocence, she unconsciously smiled.
"Most of the people here have that type of eyes. Kaya ba paikot-ikot ka kanina pa?" Aniya at tumango naman ito.
"Ngayon lang po ako nakakita ng ganito karaming tao na kaparehas ko ng eyes. Si daddy at saka si lolo pa lang naman ang nakikita ko na ganito ang eyes eh. So am I a Japanese mommy?" Tanong ni Thor sa kaniya kaya naman napatawa siya.
"Yes, you are. You're daddy is a Japanese so you're a Japanese too." Sambit niya naman at bago pa man niya ma-realize ang mga salitang lumabas sa bibig niya ay may braso na pumulupot sa bewang niya.
"Hey sweetheart. What took you so long? Kanina ko pa nakuha ang mga bagahe natin." Sambit ni Lexious at hinalikan siya sa pisnge.
"Nothing much. Just some Thor things." Natatawang aniya kaya naman nagtatakang tumingin sa kaniya si Lexious.
"Huh?" Lexious asked, confused.
"Daddy, I'm Japanese po pala." Thor stated kaya naman napatingin si Lexious dito.
Nagpalipat lipat ang tingin ng binata sa mag-ina tapos ay may munting ngiti na nabuo sa labi nito.
"Oh, I get it. Yeah, just Thor things I guess." Parang wala sa sariling sambit ni Lexious bago nito nilapitan si Thor at binuhat ito.
Kaagad naman na ipinulupot ni Thor ang mga braso nito sa leeg ni Lexious na para bang natural na natural na binubuhat ito ng binata.
"Yes. You sure have Japanese blood running through your veins." Sambit ni Lexious at bumaling ito sa kaniya.
"Daddy is outside the airport. He'll take Thor then we'll meet them later. Mauuna na sila sa bahay namin dito because I want to bring you somewhere first. Okay lang ba?" Tanong ni Lexious sa kaniya kaya naman tinanguan niya ang binata.
"Bakit iiwan natin si Thor sa daddy mo?" Tanong ni Zshana sa binata pero bago siya masagot ni Lexious ay nagsalita si Thor.
"Daddy iiwan niyo ako ni mommy? Bakit po? Naging bad boy po ba ako? Hindi niya na po ba ako love? Kaya niyo po ba ako dinala dito?" Sunod sunod na tanong ni Thor kaya naman parehas sila ni Lexious na napahagalpak ng tawa.
"No baby. You're a good boy. Hindi ka naman namin iiwan, sasama ka lang muna kay lolo mo kasi miss ka na daw niya. May pupuntahan lang kami ni mommy mo." Pagpapaliwanag ni Lexious kay Thor na mahigpit na nakayakap sa leeg nito.
"Buti naman po. Akala ko iiwan niyo na ako dito eh." Thor murmured kaya naman hinalikan ni Lexious ang may tenga ng bata.
Zshana smiled when he saw that. Lexious is a really sweet guy. Sa kaniya man o sa anak niya. And she's really thankful na may Lexious siyang nakilala dahil napakaraming ipinaranas sa kaniya ng binata at ipinaramdam.
Pagkalabas nila ng airport ay kaagad na nakita nila ang tatay ni Lexious na nag-iintay sa kanila. May mga kasama itong mga lalaki kaya naman napatingin si Zshana kay Lexious.
BINABASA MO ANG
Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]
RomanceLexious Lucifer Aki is a rude and a self-centered man. He doesn't care if someone is hurt with whatever it is that he's saying. He's blunt. He does not give a fuck. He's the owner of Dark Village, a well known village not only in the country but a...