Epilogue

44.7K 1.1K 42
                                    

"Happy birthday bud." Pagbati ni Lexious kay Thor na kagigising lamang.

Thor sleeps in his own room since they got married kaya naman kaagad siyang nagtungo sa kwarto nito pagkagising niya at sakto naman na kagigising pa lamang ng panganay nila dahil nagkukusot pa ito ng mga mata.

"Good morning po daddy." Pagbati nito sa kaniya kaya naman naglakad siya palapit kay Thor at naupo sa kama nito.

"Where do you want to eat? Or do you want to open the gifts first?" Tanong niya rito at kaagad naman na nagningning ang mga mata nito.

"I can open those na po daddy?" His son squealed and he nodded with this fatherly smile on his face.

"Of course. It's your birthday. Those are from your tito's and tita's because they're busy. They can't come here in Japan." Aniya at kaagad naman na tumayo sa kama ang anak niya at hinawakan ang kamay niya.

"Ano pang hinihintay mo daddy? Let's go na. I want to open those na." Thor excitedly said at nagmamadaling hinila siya kaya naman natatawa siyang nagpahila dito.

They were in the middle of opening the gifts when he heard Zshana's scream. He then saw her sa itaas ng staircase.

"Lex, hon! Manganganak na ako! Oh God!" Zshana shouted kaya naman nagmamadali siyang tumayo.

"Thor mamaya na yan. Go to your room then kuhanin mo ang gamit ng baby sisters mo." Utos niya sa anim na taong si Thor at kaagad naman na sumunod sa kaniya ang panganay nila.

Siya naman ay nagmamadaling umakyat sa hagdanan at pinangko ang asawa niya saka nagmamadaling nagtungo sa garahe.

Iniupo niya sa backseat si Zshana at si Thor naman ay kasunod lamang nila na naupo sa tabi ng asawa niya.

He hurriedly went to the driver's seat and started the car.

"Daddy, lalabas na po ba ang baby sisters ko?" Thor innocently while holding Zshana's hand.

"Yes baby. They're coming out na." Sagot niya sa anak niya at narinig pa niyang kinausap nito si Zshana. Saying that he's excited to see his baby sisters.

Kambal ang anak nila ni Zshana at parehas na babae ang mga iyon.

Kinakain ng kaba ang buong pagkatao ni Lexious habang nagmamaneho siya. Pagkarating nila sa hospital ay kaagad siyang lumabas sa sasakyan at binuhat ang asawa niya. Si Thor naman ay nakasunod sa kanila habang suot suot ang backpack na naglalaman ng mga gamit ng mga kapatid nito.

Pagkapasok nila sa loob ay kaagad na inihiga si Zshana sa stretcher at dumating din ang ob-gyne nito na kaagad na inasikaso ang asawa niya.

Si Lexious naman ay hinawakan ang kamay ni Thor at naupo sa labas ng delivery room.

"Daddy, will my sisters look like you po ba or will they look like mommy?" Tanong ni Thor sa kaniya kaya naman napakibit siya ng balikat.

"I don't really know bud." He answered him truthfully and Thor looked at him na para bang nagtataka ito.

"Daddy, why are you sweating so much? Malamig naman po dito sa loob." Tanong nito sa kaniya kaya nginitian niya ito.

"Daddy feels excited and nervous. I want to see your sisters na but I'm scared that your mommy is having a hard time inside." Paliwanag niya sa anak nila at napatango tango naman ito.

"You're a scardy cat naman pala daddy e." Anito kaya naman mahina siyang natawa. Wala talagang preno ang bibig ng panganay nila.

"Oh daddy. Hindi ba birthday ko ngayon? Tapos ngayon din lalabas sina baby sisters ko? Ibig sabihin po ba noon parehas kaming tatlo ng birthday?" Tanong nito sa kaniya kaya naman napaisip siya.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon