Teaser

4.3K 64 2
                                    


Chenee had been in love with Vic Phyrros Cruise since high school, pero wala siyang sapat na kapal ng mukha para sabihin 'yon sa best friend at kababata, kaya nagkakasya na lamang siya sa masaya nilang pagsasama bilang matalik na magkaibigan. Ito na yata ang pinakamakulit na lalaki sa balat ng mundo kaya nga ayaw niyang pagtawanan nito kapag nagtapat siya nang totoong damdamin dahil baka ma-friendzone at ma-sisterzone lang siya lalo na at one of the boys ang tingin nito sa kanya.

Maraming admirers si Vic sa school ngunit kailanman ay hindi naging threat ang mga ito sa puso niya hanggang sa malaman niya na ang makulit na kaibigan ay interesado sa isa sa mga kaklase niya; the very beautiful and rich Jhammi-na sobrang bagay sa binata.

Habang abala ito sa nakilalang babae, nagkaroon ng ideya ang mga kaibigan niya na pagselosin si Vic sa pamamagitan ng kaklase niyang lalaki. Akala tuloy niya sa mga inaakto ng kaibigan na pagiging overprotective sa kanya ay nagseselos na ito, 'yon pala ay dahil ayaw lang siyang masaktan nito dahil parang kapatid na daw siya nito, napa-plano pa ng iba pero useless din dahil siya naman ang mas lalong nafa-fall sa lalaki.

One day, biglang naging extra sweet, extra caring and gentleman si Vic sa kanya, nabuhayan tuloy siya ng pag-asa na baka may nabuo na itong damdamin para sa kanya, ngunit sinabi ni Jhammi na... "...you're just only a friend and he only sees you as a younger sister..." Muling nawasak ang pag-asa sa puso niya.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon