"PINYA, parang hindi ko na yata maisasagawa 'yong mga pa-in love moves ko kay Vic," aniya, tumawag si Pinya sa kanya para tanungin sa progress ng da moves niya, pero siya yata ang nahuhulog sa odd na ikinikilos ni Vic, e. Kauuwi lang niya mula sa school at inihatid siya ni Vic.
Pero sa ngayon sasarilinin na muna niya ang lahat nang nangyayari sa kanila ni Vic, gusto muna niyang malaman kung bakit gano'n ang inaakto ng binata sa kanya. I-In love na din ba siya sa akin? Imposible!
"Chen naman, kung hindi mo 'yon gagawin, paano na ang love story n'yo ng best friend mo? Paano na ang mga pangarap nating sabay-sabay mag-date? Kayong dalawa na lang ang kulang sa grupo, e."
"Pwede naman kayong mag-date na tatlong pares, e." aniya. Pero mas okay nga naman kasi kapag silang apat.
"Basta balitaan mo na lang kami kung may progress na nagaganap sa pagitan n'yo ha, kaya mo 'yan, Chen! Fighting!"
"Fighting! Thanks Pinya, sige, bye." Tuluyan na niyang ibinaba ang tawag para magpunta sa malaking bahay para tumulong sa gawaing bahay sa mansion.
Nang makarating siya sa mansion ay inihanda na niya agad ang mga pinggan at kubyertos, dalawa lang naman sina Mr. and Mrs. Cruise na kakain, kaya for sure magyayaya na naman ang mga ito na sumalo sa kanila since napadami yata nang pagkaing inihanda.
"Hello, Chenee dear." Nakangiting bati ni Mrs. Cruise sa kanya, saka nito tinapik ng magaan ang balikat niya. Tipid naman siyang nginitian ni Mr. Cruise.
"Magandang gabi po." Nakangiting bati niya sa dalawa.
"So, kumusta ang studies mo? How's the F4 in school?" nakangiting tanong ni Mrs. Cruise.
Ngumiti naman siya sa ginang. "Okay naman po ang pag-aaral ko at okay din naman po ang quadruplets, marami pa rin pong admirers."
"That's good. Keep it up, hija. How's you and Vic?" muling tanong ng ginang, muntik tuloy niyang mabitawan ang kutsarang hindi pa pala niya nailalapag sa tabi ng pinggan.
"Okay naman po kami."
"No, I mean your love life? Kayo na lang dalawa sa inyong magkakaibigan ang walang love life, ha." Natatawang sabi nito.
"Honey, don't rush them, they're still young." Sabi naman ni Mr. Cruise na nakatingin sa kanya. "Bakit? May nililigawan na ba si Vic sa school? O nanliligaw sa 'yo sa school?" tanong nito.
"W-Wala pong nanliligaw sa akin at hindi ko po alam kung nililigawan na po ni Vic 'yong kaklase ko sa school, nakikita ko din po kasi silang nagkakausap minsan." Aniya, at may kumurot sa puso niya sa isipin na mas nagiging close na sina Vic at Jhammi.
"Aren't you jealous?" ani Mrs. Cruise na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"P-Po? Bakit naman po?" kinakabahang tanong niya.
"Of course, you've been together since forever and then makikita mo na lang na may kasama na siyang ibang babae." Paliwanag nito.
And that really hits her! Actually, hindi lang dahil sa childhood friends sila—kundi dahil mahal din niya si Vic! "M-Medyo po."
Tumango-tango ang ginang. Nang maihanda na ang lahat ng putahe sa hapag-kainan ay tinawag lahat ng mga katulong, drivers, security guards at hardinero na sumabay sa pagkain dahil after nang kainan ay may mahalaga daw announcement ang mag-asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/142628102-288-k559379.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)
RomanceYes, Chenee's best friend is a guy named Vic Phyrros and yes--she is in love with him. No, they aren't in a romantic relationship and it's just a one-sided love. **FINAL book of the Cruise Bros series**