20

1.6K 39 0
                                    


Hindi tuloy niya napigilang matawa. "That's the things why I fell in love with my best friend." Aniya, na saglit nitong ikinatulala. "Yes, Vic, I've fallen in love with you, long time ago. Ngayon lang ako naglakas ng loob para sabihin sa 'yo ang lahat, kahit na may posibilidad na ma-friendzone o sisterzone ako sa huli. All I wanted was to reveal my feelings for you... I really got jealous with Jhammi the last time, kaya umalis ako nang walang paalam sa 'yo, I've wanted to give up on you pero ayaw ng puso ko."

"I don't love Jham—"

"I know," sansala niya, saka siya yumakap sa binata nang mahigpit. "I've missed you and I love you."

Mabilis na kumalas si Vic mula sa pagkakayakap niya at parang gulat itong napatitig sa kanya. "Is it really true that you... love me?"

"Oo nga, seryoso ako!" natatawang sabi niya. "Nasabi ko na nga ang rason kung bakit ako na-in love sa 'yo, e."

"Pero ang sabi nina Ken, ngayon mo din daw sasagutin ang first love mo."

"You're my first love." Sagot niya na mas lalong ikinalaki ng mga mata nito. "'Yong drawing na pinag-aagawan natin na inilagay ko sa drawer ng mga... nevermind, ikaw 'yon, kaya hindi ko ipinakita sa 'yo dahil hindi pa ako handang malaman mo. At dahil naisip kong hindi ako bagay para sa Prince charming na katulad mo—na mas bagay ka sa katulad ni Jhammi."

"My brothers are really insane," narinig niyang naiiling na sabi ng mga ito. "Sorry, Chen, sorry for always hurting your feelings and for being so insentive." Anito, saka siya mahigpit na niyakap. "Mahal na siguro kita noon pa pero hindi ko lang agad na-realize." Hinalikan nito ang ulo niya ngunit mabilis siyang kumalas dito sa gulat sa sinabi nito.

"M-Mahal mo ako?"

"Oo." Pag-amin nito, saka niya nakitang namula ang magkabilang pisngi at tainga nito at muli siyang niyakap nang mahigpit, hindi niya napigilang mapangiti at ma-overwhelm dahil sa sarap ng pakiramdam na nararamdaman niya—it's like a dream come true. Mahal siya ng lalaking mahal niya!

Noon, umaasa lang siyang mahalin nito—ngayon, mahal na siya nito! Ang bilis ng tibok ng puso niya nang gumanti siya ng yakap dito at parang nagsisipaglaruan ang mga paru-paro sa kanyang sikmura. She's in cloud9!

"I just knew I fell in love with you when I missed your smiles and I wanted to see you every hours of everyday. I love the way you wear your baseball caps, I love the way you care and being sweet to me though mas madalas tayong mag-asaran, I love the scent of your smooth hair, the soft touches of your skin. I love the way you listen to my corny jokes, dramas, nonsense talks, do crazy stuffs with you and the way you support me in everything and you never get tired of my peskiness. You are the one who pushed me to be a better man. I love your voice that speak to my heart and soul, your laughters that serves as music into my ears and I don't think I can find another like you in this lifetime. And I think I already love you eversince and I was not just aware of my true feelings."

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya ay pinunas nito ang luha sa magkabilang pinsgi niyang hindi na niya namalayang tumulo na pala. He planted a soft kissed of her forehead and smiled at her.

"You are my very best friend and the love of my life, my heart and my soul, the one that I want to be with each and everyday. You are the one I want to cheer me on through my life. Your arms are the ones I want to comfort and support me. I just love being with you always. I love you, Chenee Sales."

"I love you too, Vic Phyrros Cruise!" nakangiting ganti niya, muling tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Sorry for keep you waiting, na-delay lang 'yong neurons ko papunta sa hypothalamus kaya matagal kong na-differentiate ang pagmamahal ko sa 'yo bilang best friend at more than friends. But would you believe me If I say... that the necklace I gave you was given by lola Yna," nakangiting sabi nito, hinawakan naman niya ang necklace na ibinigay nito bilang regalo sa kaarawan niya. "Alam mo bang sabi ni lola Yna, ibigay ko daw 'yan sa babaeng mamahalin ko at gusto kong makasama habang buhay, pero sa 'yo ko ibinigay—marahil ay dahil mahal na nga siguro talaga kita noon pa man at ikaw lang ang naiisip kong gusto kong makasama habang-buhay." Aniya.

Nagulat siya sa kanyang narinig at sa meaning ng magandang necklace na suot niyang hindi niya alam na galing pala sa great grandmother ng binata.

"I-I don't know what to say, I am so overwhelmed and happy. It's like a dream come true, Enteng." Naiiyak na sabi niya.

Ngumiti naman ang binata sa kanya at magaang pinitik ang kanyang noo. "This is better than our dreams, dahil totoo ito." Nakangiting sabi nito, saka siya mabilis na hinalikan sa kanyang mga labi na ikinalaki ng kanyang mga mata. "Remember that FB contest in our fanpage?" pagpapaalala nito na tinaguan niya. "Pinakiusapan ko 'yong isa sa mga admin doon to make that contest, nag-volunteer akong magbigay ng prize sa mananalo and I suggested na ako ang lahat ng topic para siguradong ikaw ang manalo." Nakangiting pagtatapat nito.

Napanganga siya sa nalaman. "Sabi ko na, e." amazed na sabi niya, saka siya natawa. "Ikaw talaga!" akmang pipitikin niya ang noo nito nang mabilis nitong hinila ang kamay niya saka siya niyakap nang mahigpit. "I was really so jealous with Seven and your first love which happened to be me. I feel so special and great being with you, sweety."

"C-Can I also have a confession to make," aniya, saka siya kumalas sa binata. "Huwag lalaki ang ulo mo ha, pero ang totoo niyan, pinakiusapan lang namin nina Pinya si Seven na magpanggap na nililigawan ako para paselosin ka." Pag-amin niya.

Napanganga rin ito. "Really?"

Tumango siya. "And you know what, nag-research pa si Pinya ng kung anu-anong articles sa google para mapa-in love ka sa akin, pero hindi ko lang nagawa kasi ako naman ang mas lalong na-i-in love sa mga kakaibang ikinikilos mo."

Natawa ito at napailing-iling. "I never knew that you really love me." Kinurot nito nang magaang ang magkabilang pinsgi niya. "Pero alam mo din bang ginawa ko ang mga ginawa ko dahil ayaw kitang mapunta sa iba. Gusto ko akin ka lang. Ayoko na nga magpunta kanina dito dahil akala ko magkakaroon ka na ng ibang lalaki sa buhay mo, buti na lang pala pinilit ako nina mommy at daddy, dahil ako pala ang first love mo." Masayang sabi nito. "But before that, pwede na bang manligaw sa 'yo?" nakangiting sabi nito.

"Hindi na kailangan kasi nagkaaminan na tayo e, saka matagal na tayong magkakilala, kaya tayo na agad." Natatawang sabi niya.

"Really?"

"Yes! We're now officially together, Mr. Cruise!"

"Yes!" masayang sigaw nito, saka siya binuhat at inikot-ikot sa ere, bago siya nito ibinaba at hinalikan sa kanyang noo.

Muli siyang niyakap ni Vic nang mahigpit na mahigpit na parang ayaw na siyang muling pakawalan sa mga bisig nito.

"'Uy, tama na 'yang kadramahan n'yo d'yan, kainan na daw!" narinig nila ni Vic na sigaw ng mga kapatid ng binata.

"Huwag kayong istorbo!" sigaw naman ni Vic, narinig naman nila ang mga magulang nila na tinawanan na lang ang sinabi ni Vic. Well, mas masarap nga naman ang magyakapan na lang sila ni Vic forever, kaysa kumain.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon