10

1.4K 30 0
                                    

Gustong matawa ng mga kaibigan nila sa galit na facial exression ni Vic kaso nagpigil ang mga ito. "Gusto mong bugbugin si Seven?" tanong ni Jerry.

"Yes! Kaso pinigilan lang ako nitong si Chenchansoo, e!" naiiling na sabi ni Vic.

"You must be really jealous." Ani Vaness.

"Ha? A-Ako?" sabay turo ni Vic sa sarili saka ito tumawa. "I'm just a concern citizen."

"'Tol naman e, kailan ka ba aamin sa tunay na nararamdaman mo?" ani Ken.

"Tunay na nararamdaman na ano?" ani Vic.

Umiling-iling at napabuga na lang ng hangin ang lahat. Huwag na kasing ipilit ang ayaw!

"Chenee, na-receive mo ba 'yong i-s-in-end ko sa 'yo sa FB messenger mo kagabi?" nakangiting tanong ni Pinya sa kanya.

"Ah, 'yong link ng how to make him—" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil naalala niyang nasa tabi nga pala niya ang lalaking topic nila. "O-Oo." Sagot niya. Napapunas siya sa imaginary pawis niya, muntik na siya doon.

"Have you read it?" tanong naman ni Marie Claire.

"Oo." Sagot niya. "K-Kailangan ko pa ba talagang sundin 'yon?" halos pabulong na sabi niya sa dalawang babaeng nasa tapat niya.

Tumango ang mga ito at ngumiti sa kanya. "This is our last resort or good bye feelings." Ani Pinya.

Hindi tuloy niya naiwasang malungkot, kung hindi pa rin talaga gagana ito, itatago na lang niya sa pinakaibuturan ng puso niya ang damdamin para kay Vic. Siguro nga ay hanggang kaibigan at kapatid lang ang kaya nitong maibigay para sa kanya.

"What is it?" kalabit sa kanya ni Vic, saka ito nagpapabaling-baling ng tingin sa kanilang tatlo nina Pinya at Marie Claire.

"It's a girl thing." Mabilis namang sagot ni Marie Claire, nagkibit-balikat na lang si Vic.

"Guys, tuloy kami sa Sunday afternoon sa condo n'yo, ha." Nakangiting imporma ni Pinya sa magkakapatid.

"Ano'ng gagawin natin sa condo nila?" tanong din niya, hindi kasi siya na-inform tungkol doon. Nakapunta at nakatulog na siya ng dalawang beses sa condo ng apat; maganda doon, mabango, malamig at cozy—ginamit niya noon ang kuwarto ni Vic at ito naman ay nakitulog sa kuwarto ni Vaness.
"Bonding, movietrip at 'yong mga pelikula ni Marie Claire ang panunuorin natin." Natatawang sabi ni Pinya.

"What? Napanood n'yo na kaya lahat ng movies ko, dalhin ko na lang 'yong dvd collections ko." Nakangiting sabi ni Marie Claire, na tinaguan na lang ng lahat.

"All right then, susunduin ko na lang si Neko sa bahay nila on Sunday para maipagpaalam na rin sa parents niya." Ani Ken.

"Eh, 'di sunduin na lang din namin kayo." Ani Jerry kay Pinya, tumingin din si Vaness kay Marie Claire at ngumiti ang dalaga.

Feeling OP tuloy sila ni Vic. "Ano'ng oras ba? Para maiwasan ko ang traffic." aniya.

"S-Sunduin na lang kita," nakakamot sa ulo na sabi ni Vic, "tutal dadaan lang din naman ako sa bahay para kumustahin sina mommy at daddy." Anito.

Nakita niyang nanunuksong ngumiti na naman ang mga kaibigan niya. "S-Sige." Aniya, saka pigil-ngiting nag-iwas ng tingin sa kaibigan.

Saglit pa silang nagkakuwentuhan bago sila nag-decide na mag-order na ng kanilang lunch bago sila magpunta sa V's cuisine para sa part time work. Habang nasa pila sila sa counter ng canteen ay may nag-hi kay Vic, na sabay-sabay nilang nilingon, akala niya ay isa lang sa mga admirers nito—pero si Jhammi pala.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon