6

1.3K 34 0
                                    

"I'm okay." Pilit siyang ngumiti sa mga ito. I'm okay? Of course, she's not okay, sino'ng lolokohin niya, sarili niya? Cut the crap, Chenee! Ngayon nga ay ramdam niyang ito na ang simula nang pagkawala ni Vic sa kanya. Jhammi is an ideal girl!

"On behalf of my insensitive brother, I'm sorry, Chen." Ani Jerry. "If only I could do anything to ease your pain."

"I'm okay, Jeh!" aniya.

"But you don't look okay." Ani Vaness.

Saglit siyang napapikit at napailing. "I'm really okay." I hope, I can be okay.

"We really need to do that make over para ipakita kay Vic kung sino ang pinakawalan niya." determinadong wika ni Marie Claire, na tinanguan ng lahat maliban sa kanya.

"But who was that guy with you yesterday?" tanong ni Jerry.

"Si Seven Ramirez, classmate ko ng tatlong subjects, irregular student din."

"Crush ka niya?" tanong ni Pineapple.

Mabilis siyang umiling-iling. "We're just classmates and seatmates."

"May girlfriend?" muling tanong ni Pineapple.

"I don't think so. Wala yata."

"Perfect! I have a very good idea." Masayang sabi ni Pineapple. "Napanood ko lang ito sa isang K-drama, e." natatawang sabi nito.

"Ano 'yon?" sabay-sabay naman nilang tanong.

Pinalapit sila ni Pineapple at may mahina itong ibinulong sa kanila. "We will make your insensitive Vic, jealous. Kausapin natin si Seven para magpretend na manliligaw mo, how about that?" anito.

"Ano?" sabay-sabay na sabi nilang lahat.

"Pinya naman e, wala nga siyang gusto sa akin tapos pagseselosin pa natin?" Naiiling na sabi niya.

"Kaya nga pagseselosin natin para lumabas 'yong totoong damdamin ni Vic para sa 'yo." Natatawang sabi nito.

"We need to talk to that guy, asap." Ani Marie Claire, na tukoy si Seven. "Ako na lang pala ang makikipag-usap, siguro naman isa siya sa mga fan ko, 'di ba? Pakikiusapan ko siya." Nakangiting sabi nito.

"I think that's a good idea." Sabi naman ni Vaness.

"Sang-ayon din ako, he's always this pesky guy and he need some lesson to learn." Ani Jerry.

"SORRY, Seven, napasali ka pa tuloy dito sa magulong one-sided love story ko." Nahihiyang sabi ni Chenee sa binata.

Kanina kasi ay talagang sinadya ni Marie Claire—with Pineapple's big support—ang binata para pakiusapan itong mag-pretend na suitor niya. Hiyang-hiya nga siya habang pinipigilan ang dalawang kaibigan niya, pero dahil yata sa pagka-starstruck ng binata sa kasama nilang magandang artista ay agad itong napa-oo.

Guwapo, mabait, matalino at kasundo naman niya si Seven, kaya nga nahihiya siya sa nangyayaring ito ngayon. Pero ang sabi nito ay gusto din daw nitong tumulong sa love life niya since wala naman itong ka-relasyon, pangarap din daw kasi nitong mag-artista no'ng bata ito—at ngayon na nga daw nito magagamit ang acting skills nito.

"Okay lang Chen, ano ka ba? Pasasalamat ko na din 'to sa pagsalo mo sa akin last time sa surprise graded recitation, kinabahan kasi talaga ako no'n, kaya na-mental block ako." natatawang sabi nito.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon