"NEXT STOP would be the Ghostbuster adventure live! Yay! Tara nang pumasok." Masayang sambit ni Chenee, saka mabilis na hinila si Vic papunta sa Ghostbuster adventure house.
Pasado alas dose na ng tanghali sila nakarating sa Enchanted Kingdom sakay ng sasakyan ni Vic at ito rin ang nagmaneho nang halos mahigit isang oras kasama na ang traffic, niyayaya nga niya ang ibang mga kaibigan nila kaso busy daw ang mga ito, pero tiyak gusto lang naman siyang mapag-solo sila ni Vic.
Nauna na silang sumakay kanina sa Grand carousel, sunod sa ibang mga rides, naglakas-loob din silang sumakay sa disk-o magic at space shuttle kahit nanginginig na kanina ang mga tuhod niya sa takot pero dahil kasama naman niya si Vic ay nabawasan ang pangamba niya—ramdam kasi niyang kung sakaling mahuhulog man siya doon ay hinding-hindi siya pababayaan ni Vic, gano'n siya ka-secure sa lalaki.
Napabili din sila ng EK t-shirts and shorts nila dahil nabasa sila sa water sports na pinuntahan nila, pakiramdam tuloy niya ay naka-couple clothes sila dahil pareho sila ng suot plus EK cap.
"Wait lang!" pigil sa kanya ni Vic, saka sila saglit na nag-selfie sa cell phone nito bago sila tumuloy sa Ghostbuster adventure. "Hindi ka pa talaga nagugutom?" tanong nito.
"Mamaya na, nag-e-nejoy pa ako, e." nakangiting sabi niya. Nang makarating sila sa Ghostbuster adventure house ay ipinakita nila ang ticket sa babaeng nag-o-operate doon pagkatapos ay tuluyan na silang pumasok sa loob. "Ang dilim, nakakatakot!" natatawang sabi niya. "Dapat pala pinilit nating sumama si Van dito." Natatawang sabi niya.
"As if papayag naman 'yon pumasok dito." Natatawa ding sabi ni Vic.
Nagsimula na silang maglakad sa loob; madilim at nakakatakot ang sounds na pumapailanlang sa loob, kinabahan tuloy siya dahil baka biglang may sumulpot na mumu sa harapan niya, baka kasi sa gulat niya ay masuntok niya ito, kaya inihahanda na niya ang sarili niya—pero mas nagulat yata siya nang maramdaman niyang humawak si Vic sa kamay niya at pinagsiklop ang mga 'yon, it gives her shiver down her spine. Hindi niya binawi ang kamay dahil masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula dito.
Hindi umimik si Vic kaya hindi na rin siya nagsalita, gusto nga niyang tingnan ang magkasiklop nilang mga kamay pero ang dilim sa lugar, pero okay na din 'yon kasi ramdam naman niya 'yong kilig, e. Nagpapasalamat siya sa Ghostbuster adventure dahil nagkahawak sila ng kamay ni Vic. Hindi naman ito ang first time, pero may kakaiba kasing epekto ngayon sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Mas nakakatakot pa 'yong decorations na ginawa natin sa mansion no'ng last Halloween, hindi nakalabas sa kuwarto sina daddy at Vaness dahil sa takot nila." Natatawang pag-aalala ni Vic, every Halloween kasi ay nag-de-decorate sila sa mansion—na inaayawan nina Mr. Cruise at Vaness pero wala naman nagagawa ang dalawa dahil kasali din si Mrs. Cruise sa mga nag-decorate.
"Oo nga, kulang siguro sila sa props dito." Nakangiti ring sabi niya. "Ngapala Vic, alam mo na ba 'yong tungkol sa blessings na ibinigay ng parents mo sa mga katulong sa bahay?" tanong niya. Napasigaw siya nang bigla na lang nag-appear ang isang multo sa harapan nila. Napayakap tuloy siya kay Vic. Naks! Para-paraan ka, ah! Naramdaman din niyang umakbay si Vic sa kanya at hawak ng kanang kamay nito ang kanang kamay niya. "Nagulat ako do'n!" aniya, akmang aalis siya sa pagkakaakbay nito ay hindi ito pumayag, kaya nanatili na lamang silang gano'n. Hindi na naman niya maiwasang mapangiti.
Isn't he being too sweet and gentleman? Kasi malamang kapag mga ganitong pangyayari ay tinatawanan na siya dito dahil magugulatin siya? Nakakapanibago, pero mas feel niya 'yong ganito. Ang sarap tuloy sa pakiramdam. Muli siyang napasigaw nang sumulpot ang multong may hawak na palakol. Itinago niya ang mukha sa matitipunong dibdib ni Vic.
![](https://img.wattpad.com/cover/142628102-288-k559379.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)
RomanceYes, Chenee's best friend is a guy named Vic Phyrros and yes--she is in love with him. No, they aren't in a romantic relationship and it's just a one-sided love. **FINAL book of the Cruise Bros series**