16

1.5K 33 0
                                    

PAGDATING ni Vic sa V's cuisine ay nakita niya agad si Chenee na nagliligpit ng mga pinagkainan sa isang mesa, kaya mabilis siyang nakalapit sa dalaga para tulungan ito.

"V-Vic!" gulat na sabi nito.

Ngumiti siya dito. "Hindi mo man lang ako hinintay." Nakabunsagot na sabi niya, saka siya naglakad sa dishwashing room para iabot ang bitbit na ma hugasin. Bago siya muling bumaling kay Chenee na nakasunod sa kanya. "You look so tired, kumain ka na ba?" tanong niya. Idinampi niya ang braso sa noo nito para punasin ang pawis nito.

"Mamaya na lang." anito. Saka ito akmang aalis nang mabilis niyang pinigilan ang kamay nito.

"Let's eat first, kaunti pa lang naman ang tao at kaya na nila Ton-ton 'yan." tukoy ang isa sa mga kasamahan nilang waiter doon. Saka niya agad na iginiya ang dalaga sa quarters para kumain. Kumuha siya nang makakain nila sa kitchen bago bumalik sa kinaroroonan ni Chenee.

"Hindi ka ba kumain kasama ni Jhammi o ng iba pa kanina sa school?" tanong ni Chenee.

"Gusto kitang kasabay, e." Nakangiting sagot niya.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong nito.

Pinisil niya ang magandang ilong nito saka siya ngumiti dito. "Bakit bawal ba?" saka niya ipinagsalin ang pinggan nito ng pagkain. "Kain na!"

"S-Salamat."

"Chen," Mabilis itong nag-angat ng tingin sa kanya. "I really had fun yesterday and that day was one of the happiest days of my life. I'm always happy whenever I am with you; so, please never ever go out of my sight."

"O-Okay." Anito, tipid na ngumiti sa kanya.

NANG MGA sumunod na araw ay nagpadasal sa Cruise mansion dahil sa twenty sixth death anniversary ni Adam Chrysler, ang panganay na kapatid ng the Cruise brothers at sumama ding dumalaw si Chenee sa Columbarium kung saan nakalagak ang cremation nina Lola Yna at Adam.

Pagkatapos ay nagkaroon nang kaunting salo-salo sa mansion at imbitado ang lahat ang mga girlfriends ng magkakapatid. Hindi niya alam kung bakit tila nagiging extra sweeter uli si Vic sa kanya, kailan lang niya ito nakita na masaya kasama si Jhammi o baka hindi naman dapat lagyan ng kulay ay nilalagyan niya?

Nang sumunod na araw ay nagulat siyang makita si Vic sa labas ng pintuan ng bahay nila, sinusundo siya nito para sabay silang pumasok sa school. Hindi niya alam kung bakit nito ginagawa 'yon pero aminin man niya o hindi, kinikilig siya.

On the other hand, nasa polishing na ang bahay nila sa subdivision, in less than a month siguro ay maaari na silang lumipat doon ng mga magulang niya at makapagpatayo na rin sila ng gustong negosyo.

"B-Bakit mo uli ako sinusundo? N-Napanaginipan mo na naman ba ako?" nakangiting tanong niya, nasabi kasi nito no'ng nagdaang araw na napanaginipan daw siya nito.

"G-Gusto lang kitang sunduin para sabay tayong pumapasok at umuuwi ng school." Anitong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Tumango-tango siya. Bumukas ang bibig nito akala niya ay may sasabihin ngunit sumara din uli 'yon. "May gusto ka pa bang sabihin?" tanong niya.

Saglit itong parang napaisip bago umiling-iling. "A-Ano pala ang gagawin mo after school? P-Puwede ba tayong mag-dinner?" tanong nito, na talaga naman ipinagtataka niya. Hindi naman ito unang beses na i-invite siya for dinner outside, pero ito ang unang beses na parang nahihiya itong mag-invite sa kanya.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon