18

1.4K 39 0
                                    

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya, na napalakas pa ang boses kaya napatakip siya sa bunganga niya at agad ding tinanggal ang pagkakatakip. "Akala ko umuwi ka na?" halos pabulong na sabi niya.

"Hihintayin na kita." Anito.

"Matagal pa ako, e, baka mainip ka lang."

"Kahit abutin ka pa ng isang taon dito, hihintayin pa rin kita." Anito.

Gusto niyang mapangiti pero baka malaman pa nitong kinikilig siya. "Paano mo nalamang nandito ako?"

"Nakasalubong ko 'yong isa sa mga kaklase mo." Nakangiting sabi nito. "Basta hihintayin na kita!"

Nagkibit-balikat siya. "Sige, ikaw ang bahala." Habang abala siya sa pagsusulat ay naramdaman niyang nakatitig lang sa kanya ang lalaki kaya naco-concious tuloy siya, kaya muli siyang nag-angat ng tingin dito at akmang sasawayin ito nang makita niyang nakangiti rin ito. "B-Bakit ka nakangiti? Para kang baliw." Naiiling na sabi niya.

Tumawa ito, saka nito tinakpan ang bibig dahil napalakas din ang pagtawa nito. "I-I think I'm really going crazy, soon." Anito.

"Bakit naman?"

"Paano tumahol ang aso?" tanong nito, na ikinakunot noo niya.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" naiiling na sabi niya.

"Sagutin mo lang kasi."

"Oh, e, 'di, aw-aw." Natatawang sabi niya.

Ngumiti at tumango naman ito. "Eh, ang pusa?"

"Meow-meow." Naiiling na sagot niya, para tuloy silang mga sira doon.

"Eh, ang puso ko?" tanong nito, na muli niyang ikinakunot noo.

"Meron ba? Ahm, lub-dub? Lub-dub?"

"Hindi."

"Eh, ano?"

"Ikaw-ikaw." Natatawang sabi nito, kaya mabilis niyang pinitik ang noo nito.

"H-Hindi na ako natatapos sa ginagawa ko," naiiling na sabi niya, pero bakit deep inside ang lakas ng impact n'yon sa kanya?

Ang tunog ng puso ni Vic ay... ikaw-ikaw? Lihim siyang kinilig at napangiti, pero dapat ay hindi niya 'yon bigyan ng meaning, dahil makulit at mapagbiro naman talaga ang lalaki—malay niya, isa na naman 'yon sa ka-corny-han nito, 'di ba? Pero bakit kasi gusto ng puso niyang paniwalaan na may katotohanan sa sinabi nito? Napailing na lang siya ng lihim at inabalang muli ang sarili sa pagsusulat.

Hindi na niya pinansin ang pangungulit nito dahil nagmamadali na rin siya sa pagsusulat, after twenty minutes ay napansin niyang parang tumahimik na yata ang kasama niya, kaya bumaling siya dito—napangiti siya nang makita niyang nakatulog na ito sa harapan niya—na ginawa pang unan ang librong nagkalat sa harapan nito.

Nawala tuloy siya sa ginagawa niya. Mas gusto na lang yata niyang pakatitigan ang lalaki kaysa gumawa ng assignment niya. Saglit muna niyang itinigil ang pagsusulat at inihiga din ang ulo sa mesa at ginawang unan ang libro. They're facing each other, ang bilis ng tibok ng puso niya at halos dalawang dangkal lang ang layo ng kanilang mga mukha.

Napangiti siya dahil kung gaano kakulit ang kaibigan niyang ito, malayong-malayo ang mala-anghel nitong mukha kapag natutulog. Umangat ang isang kamay niya at dahan-dahang humaplos 'yon sa maganda at makapal nitong kilay, pababa sa mahahaba nitong pilik-mata, pababa sa matangos nitong ilong at sa maganda at makinis nitong mukha, pababa sa mapupulang mga labi nito.

How could he be so perfect-looking? Ang swerte lang talaga ng babaeng mamahalin nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang buhok na biglang bumagsak sa mukha nito at napangiti, she really love this man, aakalain ba naman niyang mai-in love siya sa makulit na ito.

Kaso napagselos na niya at binalak na pa-in love-in ito sa kanya, kaso wala namang nangyari. How to make her best friend fall in love with her? Hindi na talaga niya alam ang gagawin, bahala na si kupido kung papanain ba nito ang puso ni Vic papunta sa kanya.

Haaay... Love can not be cured by herbs and medicines, kaya good luck naman kung saan pupulutin ang puso niya. "You are my best friend, my human diary and how I wish to be your other half. You really mean the world to me." I love you. Hinawakan niya ang mukha nito at magaan 'yong hinaplos.

At gano'n na lang at gulat at panlalaki ng kanyang mga mata nang huliin ni Vic ang kamay niyang nasa mukha nito. Napalunok siya nang mariin at mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niyang nagbukas ito ng mga mata. Oh, God! Gising rin kaya ito nang haplusin niya ang ibang parte ng mukha nito? Eh, 'yong sinabi niya, narinig din ba nito? Chenee, kahit kailan talaga... Kulang na lang ay magtatakbo siya sa malapit na CR para i-flash ang sarili doon dahil sa labis na kahihiyan.

"You also mean the world to me, Chenee." Nakangiting sabi nito, saka nito mabilis na umayos ng pagkakaupo at hinalikan ang kanyang kamay na hawak nito. "You are everything my eyes could ever see though you are just an ordinary girl for the others. Every moment with you is like always a magical and amazing."

Parang hindi na niya alam kung anong parte ng katawan niya ang pakakalmahin; ang nagwawala bang mga paru-paro sa kanyang sikmura o ang puso niyang halos mag-head bang na yata sa loob ng ribcage niya. Ano ba kasi ang pinagsasasabi ni Vic? Bakit ito nagsasalita ng gano'n? Bakit may kakaibang titig sa mga mata nito?

Nang bumalik siya sa tamang pag-iisip ay mabilis niyang hinila ang kamay na hawak nito at mabilis nang tumayo sa kinauupuan. "T-Tara na nga, mag-gagabi na." Aniya.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong nito.

Hindi kasi na-distract na ako sa 'yo. "Papasok na lang ako nang maaga bukas."

"Ano'ng oras? Susunduin kita first thing in the morning para sabay tayong pumasok and after that, isasama kitang pumunta somewhere. Nakailang udlot na kasi ang gusto kong sabihin sa 'yo, hinihintay ko kasi 'yong proper timing." Nakangiting sabi nito.

"A-Alas siyete siguro."

"Great! I will sleep early para magising din nang maaga."

"Okay." Aniya, tinulungan na siya ni Vic na mag-ayos at magsauli ng libro sa kanya-kanyang bookshelves pagkatapos ay sabay na rin silang lumabas ng library.

NAG-TEXT na si Vic sa kanya para magkita sila sa parking lot after ng PM class niya dahil may isang lugar silang pupuntahan at hindi na daw nito maipagpapaliban uli ang sasabihin sa kanya. Kaso napatigil siya sa paglapit sa sasakyan ni Vic nang makita niyang sa loob n'yon ay naroon si Jhammi—na nakayakap nang mahigpit sa binata.

Halos manlambot ang kanyang mga tuhod at sumakit ang lahat ng parte ng katawan niya—lalo na ang puso niya dahil sa kanyang nasasaksihan. It really feels so weird that the only person who can make you feel happy is also the reason why you cry and get hurt.

Watching the one you love, love someone else is really the hardest thing on planet. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha sa magkabilang pinsgi niya. Should she give up? Pero 'yon na lang naman ang natitirang choice niya, e. Hindi niya kayang makipag-kompetensya lalo na kay Jhammi—she's everything that a guy could wish for and they deserve each other. Hindi kaya ang sasabihin ni Vic ay tungkol sa relasyon nito with Jhammi?

"Chenee?" mabilis niyang pinunas ang kanyang mga mata at masayang bumaling sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Ken, Vaness at Jerry na nakatingin sa kanya.

"M-Mauuna na ako sa inyo, tinatawag na kasi ako ng kalikasan." Palusot niya, at bago pa muling nakapagsalita ang mga ito ay nagtatakbo na siyang palabas ng school.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon