19

1.5K 45 0
                                    


"VIC, WHAT are you still doing there?" tanong ni Ken, nang makalapit ang mga kapatid ni Vic sa kinaroroonan ng sasakyan niya. Katatapos lang nilang magkausap ni Jhammi tungkol sa pagtatapat nito nang tunay na nararamdaman para sa kanya.

Pero sinagot na niya ito agad nang diretso. Sinabi niyang gusto din niya ito at attracted siya dito—pero no'ng una 'yon dahil nare-realize niya habang tumatagal... si Chenee na ang bumubuo at nilalaman ng puso niya. Siguro nga talaga ay matagal na niyang mahal si Chenee nang higit pa sa isang kaibigan ngunit hindi lang niya ma-differentiate ang love sa kaibigan—sa love ng more than friends.

He is extremely in love with his best friend! And still he could fall for her everyday. At mas nadadagdagan pa ang nararamdaman niya para kay Chenee as the time goes by.

And nothing in the world is better than having someone he could be his self with. Among all the girls he has met, of course, Chenee stand out and shine the brightest. Masyado lang talaga siyang jerk para hindi 'yon agad ma-realize, pero noon pa man niya ramdam na may kakaiba nang nararamdaman ang puso niya, hindi lang niya 'yon binigyan nang meaning because they're best of friends and she's like a younger sister.

Pero iba na ngayon, dahil hindi na niya kaya pang pigilan ang nararamdaman para sa kaibigan. Nakailang pending na ba ang dapat na pagtatapat niya ng damdamin dito? And now this is his chance, hiniram niya ang yacht ng daddy niya para sa dinner date and confession niya for Chenee at sobrang nae-excite na siya.

"Si Jhammi ba 'yong lumabas sa kotse mo kanina?" tanong ni Jerry na tinanguan niya.

"Kaya siguro hindi na sumabay sa 'yo si Chenee." Sabi ni Vaness na ikinakunot-noo niya.

"Nakita n'yo si Chenee?" tanong niya.

Tumango ang tatlo. "Siguro papunta na sana siya sa sasakyan mo, pero nakita kayong dalawa ni Jhammi sa loob kaya hindi na siya tumuloy at umuwing mag-isa." ani Ken.

"Pero ang sabi niya tinatawag na siya ng kalikasan." Ani Jerry.

Natawa naman si Ken. "Palusot lang ni Chenee 'yon, kita mo namang namumula 'yong mga mata, e."

"Umiyak siguro siya nang makita ka niya with Jhammi." Ani Vaness sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at naikuyom ang mga kamay. Totoo kaya? Damn! Did Chenee really saw him with Jham—napatigil siya pag-iisip nang maalala niya ang naging eksena sa loob ng sasakyan kanina kung saan niyakap siya ni Jhammi for the last time bago ito magpaalam sa kanya.

She let him hug her for a minute bago siya kumalas sa pagkakayakap nito. And he advised her to find a guy who is worthy for her heart. Nagso-sorry din si Jham sa kanya at para na rin kay Chenee dahil may sinabi daw itong isang kasinungalingan na hindi mapapatawad.

"So, nasa bahay na si Chenee?" tanong niya.

"Siguro—" hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Ken nang nagmamadali na siyang sumakay sa sasakyan niya para sundan si Chenee sa bahay nito. Maybe she really misunderstood everything.

Kasalanan niya ang lahat dahil hindi agad siya nakapagtapat agad sa dalaga. Kasalanan niya dahil nagpaka-torpe siya palibhasa bago ang lahat nang damdaming nararamdaman niya at sa bagong diskobreng damdamin para kay Chenee. Hindi pa nga siya nakakapagsimulang manligaw sa dalaga, mauudlot na agad ang gagawin niya.

Nasapo niya ang kanyang noo nang traffic sa dinaanan niya pauwi sa mansion. At kung sinuswerte nga naman siya, ngayon pa talaga umulan sa dinami-dami ng araw, mas lalo tuloy naging traffic. Napatingin siya sa orasan sa dashboard ng sasakyan, it's fifteen minutes before six.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon