1

2.6K 52 2
                                    


"TEKA LANG! Ano'ng gagawin mo sa mga dala-dala mong 'yan?" nagtatakang tanong nina Jerry at Ken sa dala-dala ni Vic na mga gamit nila, tulad ng; t-shirts, jersey shorts, baseball caps at hankys.

"Mga gamit natin na hindi na ginagamit, ipapa-garage sale namin nina Neko at Marie Claire para kumita, sayang din kasi dagdag financial support din para sa mga bata sa home for love." Sagot niya. Gusto kasi niyang makisosyo sa garage sale nina Neko at Marie Claire, at sympre may participation sila ni Chenee bilang mga sales representative.

Tumango-tango naman ang mga kapatid niya. Pero napakunot-noo sina Jerry at Ken kasama na ni Vaness nang may makita ang mga ito na nakatago sa mga gamit na dala-dala niya. Oops!

"Okay lang namang kumuha ng mga gamit namin nang hindi nagpapaalam Vic Phyrros, basta para sa bahay-ampunan, pero ano ito?" mabilis na binuklat ni Ken ang mga gamit nila at nakita nito ang mga pictures nila doon.

"At para saan ang mga 'yan?" tanong ni Jerry.

Nakangiting nag-peace sign siya sa mga kapatid saka lihim na napailing, akala niya ay makakalusot siya dahil abala ang mga ito sa sari-sariling girlfriends kaya palihim siyang kumuha ng mga baby pictures ng tatlo sa photo album nila, kaso...

"That's our baby pictures." Ani Vaness.

Isa-isang tinignan ni Ken ang mga pictures bago bumaling sa kanya. "So, ipapa-garage sale mo din ba itong mga pictures namin?" tanong nito. And yes, pictures lang ng tatlo ang mga naroon.

Napangiti siya at tumango dito. "Para 'yan sa mga fangirls n'yo na gustong makita ang mga mukha n'yo no'ng mga bata pa kayo." Ang mga larawang 'yon ay kuha no'ng nasa edad five years old pababa.

"What?" sabay na tanong ng mga ito.

"Oh, baka ibenta ko na lang ang mga ito sa mga girlfriends n'yo, 'di ba nice idea?" nakangiting sabi niya.

"Eh, kung kulayan kaya namin ng yellow ang blue Ferrari lotus car mo?" inis na sabi ni Jerry, alam kasi ng mga ito na bukod sa mahal niya ang sasakyan niya ay ayaw na ayaw din niya ang kulay dilaw.

"Okay, I won't sale it." Agad niyang suko. Mabilis namang itinago ni Ken ang mga larawan sa TV drawer.

"Vic, bakit hindi ka pa ma-in love? Sakit ka na kasi sa ulo, e." naiiling at natatawang biro ni Ken sa kanya.

"Bakit mo ba ako gustong ma-in love?" ibinaba na muna niya sa sofa ang dala-dala niyang mga damit para iayos 'yon sa isang medium size na kahon.

"Para magtino ka na." natatawang sagot nito. "Siguro no'ng ipinagbubuntis tayo ni mommy, ikaw ang laging sanhi nang paghihilab ng tiyan niya." Naiiling na sabi nito.

"It's my nature." Natatawang sabi niya.

"Masanay ka na Ken, mga bata pa lang tayo pasaway na talaga 'yan e." naiiling na sabi ni Jerry.

"I know, I know, pero ang ibenta ang mga baby pictures natin sa mga fangirls at girlfriends natin? That's not funny, anymore."

"Sorry na. Gusto ko lang naman talaga masiyahan ang mga fangirls at girlfriends n'yo, e. Promise, hindi na ako mangangalkal ng mga pictures n'yo." Nakataas ang kanang-kamay na sabi niya.

"Siguraduhin mo lang." sabi nina Ken at Jerry na mabilis naman niyang tinanguan.

"Mag-isip ka na lang kaya ng ibang business na pagkakakitaan, 'yong hindi kami madadamay tapos isama mo na rin si Chenee since kayo naman ang laging magkasama at pareho ng mga pangarap." Suhestyon ni Ken.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon