5

1.4K 38 0
                                    

"JHAMMI, what do you think of Vic?" tanong ni Chenee nang tumabi siya sa upuan ng magandang kaklase. Actually mag-o-one year pa lang naman niyang kakilala ang babae since irregular student siya dahil transferee siya, pero mabait ito at approachable.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Vic Cruise?" tanong nito na tinanguan niya, wala naman kasing hindi nakakakilala sa Cruise brothers sa school nila. Ngumiti si Jhammi. "He is very handsome and seems very approachable." Sagot nito, tumango-tango naman siya. Actually, namimingwit lang siya ng point of view ng dalaga sa kaibigan niya. "At crush ko siya." Kinikilig na sabi nito, na ikinalaki ng kanyang mga mata.

"I-Isa ka din sa mga jologs admirers niya?" gulat na tanong niya saka siya napatakip ng bibig dahil naglingunan ang iba pa nilang mga kaklase sa ingay niya, mamaya kasi mabugbog siya ng mga ito sa sinabi niyang 'jologs na admirers' ni Vic. Asus! Eh, ikaw... super jologs dahil love mo siya. Sita ng isipan niya. "Sorry, hindi ko gustong sabihin na isa ka ding jologs, pero alam mo na, hindi ko lang kasi maiwasan sa sobrang daming admirers ng Enteng kabisote na 'yon." Aniya.

"At nagseselos ka?" nakangiting sabi ni Jhammi.

Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na umiling-iling. "Hindi, 'no." natatawang sabi niya, pero kinabahan siya, ah.

"I heard you're friends with the Cruise brothers," anito, na tinanguan niya. "Hindi ka kasi nagkukuwento tungkol sa kanila dito sa classroom."

"Hindi naman kasi kailangan pagkuwentuhan sila dahil lahat pinagkukuwentuhan na sila." Nakangiting sabi niya. "Si Vic talaga ang crush mo sa kanilang apat na magkakapatid? Baka kasi nagkakamali ka lang, alam mo na, magkakamukha." Umaasa na sana ay nagkamali lang ito ng lalaking sinasabi.

"Yeah, minsan nalilito din ako sa kanila, e. Pero nagbabase na lang ako sa hairstyle at course nila and I know he's Vic Phyrros Cruise, 'yong may skater boy hairstyle at Business Administration student like us." Nakangiting sabi nito, at doon na nga niya na kumpirma na si Vic talaga ang gusto nito, na ikinahulog ng mga balikat niya.

They mutually like each other! Parang biglang gusto niyang mag-amok ng digmaang pangkalawakan o mag-walling na lang sa pader. Susuko na ba siya agad? Teka, nakailang sabi na ba siyang susuko na siya? Hindi na niya mabilang, pero nandito pa rin naman siya at umaasa.

"He wanted to meet you." Aniya, na mabilis ikinabaling nito sa kanya.

"Me?" gulat na tanong nito. Tumango siya at pilit na ngumiti. "Are you sure?"

"He said Jhammi Marco, e, ikaw lang naman ang kilala kong Jhammi Marco." Aniya.

Napatakip ito ng bunganga ngunit halata niyang nasiyahan ito sa sinabi niya. Kung siguro ibang babae ay nagtititili na sa labis na kasiyahan pero dahil nga si Jhammi 'yon; may class at mahinhin—sosyal ang arte nito.

"That's really me." Nakangiting sabi nito.

"Oo." Na sana ako na lang, ang swerte mo! Maglilimang taon ko na siyang mahal, samantalang ikaw ngayon ka lang niya napansin at gusto ka na niya agad. Mas lalong nalungkot ang puso niya.

"Then, I can really meet him?"

"Free ka ba mamayang lunch?"

"Now mo na ako ipapakilala?"

"Sana, ayaw mo ba?"

Umiling-iling ito. "Of course I like it. Thanks, Chen." Nakangiting sabi nito. Tumango at pilit na lang siyang ngumiti sa dalaga.

"CHENEE, ayos ka lang ba? Talaga bang gusto mo silang magkakilala? Paano na ang lihim mong pagsinta?" malungkot na tanong ni Pineapple sa kanya.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon