"...GANYAN din ang nadarama ko, tuwing ika'y lalapit sa akin, ako'y parang natutulala, 'di ko malaman ang sasabihin ko... Pag-ibig na kaya? Pareho ang nadarama ito ba ang simula..."
Isang masigabong palakpakan ang natamo ni Chenee mula sa mga kaibigan niya. Pagkatapos nilang mag-spin the bottle ay nagkantahan sila, nauna na sina Jerry, Ken at Vaness tapos siya ang sumunod, singing the song 'Pag-ibig na kaya?' by Christian Bautista and Rachelle Ann Go.
"Ang ganda pala ng boses at ang galing mo mag-gitara, Chen." Masayang sabi ng mga girl friends niya.
Ngumiti siya sa mga ito. "Tinuruan nila ako," nakangiting tukoy niya sa apat na magkakapatid. Naging bonding kasi nilang lima 'yon noon—lalo na with Vic na walang sawang nagtuturo sa kanya mula basic to the hardest chords. At isa sa naging bonding nila ang paggigitara at pagkanta.
Kung hindi siya abala sa assignments at tumutulong sa mga gawaing bahay ay sumasama-sama din siya sa apat sa bar noon, pero natigil siya dahil sa pag-aaral niya.
"Kung lalaki lang ako, mai-in love talaga ako sa 'yo, e." nakangiting panunukso ni Pinya na alam niyang pinaparinggan lang si Vic.
Natawa naman si Vic sa narinig. "Mabuti na lang pala ang babae ka." Makahulugang sabi nito, pero hindi na lang niya binigyan ng meaning.
"Vic, ano'ng dinner natin?" nakangiting tanong ni Ken, si Vic daw kasi ang naka-sked para sa paghahanda ng dinner nila, alas otso na pala ng gabi, alas kuwatro pa sila naroon.
"Secret muna." Nakangiting sabi nito, saka ito tumayo sa tabi niya. "Dito muna kayo at magluluto lang si Chef Vic." Nakangiting sabi nito.
"Samahan na kita." Mabilis naman niyang offer, na ikinasiya ng mga kaibigan nilang naroon. "Mag-isa nga lang kasi siya." Mabilis niyang depensa sa lahat.
"Wala naman kaming sinasabi, ah." nagtaas naman ng mga kamay ang mga ito at nagsalang na lang uli si Ken ng movie, samantalang sila ni Vic ay nagtungo na sa kusina.
"Ano'ng lulutuin natin?" tanong niya.
"Are you really okay with me? Baka gusto mong mag-rest na lang or manood ng movie kasama sila." anito, saka ito naglalabas ng beef sa ref, broccoli, cooking oil, garlic, cornstarch at kung anu-ano pa, mukhang beef broccoli ang lulutuin nila.
"Syempre naman." Aniya. Kahit nga forever na niya itong kasama, e.
Naalala tuloy niya ang link na nabasa niya sa i-s-in-end ni Pineapple sa FB messenger niya. How to make him fall for you?
1. Dress attractively
2. You should work on your appearance
3. Learn interpersonal skills
4. Be a good listener
5. Be yourself
6. A sense of humor
7. Do not push yourself
8. Don't be easily available (magpa-miss)
9. Lingering soft touches
10. Don't let him know you're head over heels in love with him (let him feel it)
At sinisimulan na nga niya ang mga tips na 'yan; kaya nga nagsuot siya ng magandang blouse para sa araw na ito na bihira niyang gamitin—naninibago nga ang parents niya nang makita siya kanina, pero hindi na rin siya tinanong. Hindi rin niya isinuot ang baseball cap niya at inilugay ang kanyang buhok, para makita na ni Vic ang feminine side siya, na sana nga ay umipekto. Lihim siyang napangiti kanina nang magkita sila ni Vic dahil natulala ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/142628102-288-k559379.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)
RomanceYes, Chenee's best friend is a guy named Vic Phyrros and yes--she is in love with him. No, they aren't in a romantic relationship and it's just a one-sided love. **FINAL book of the Cruise Bros series**