NAPAILING-ILING si Vic sa naganap na eksena sa pagitan nila ni Chenee kanina, ang bilis ng tibok ng puso niya lalo na no'ng mapansin niyang ang lapit pala ng mga mukha nila sa isa't isa. Napansin niyang noon pa man ay may kakaiba nang ganda si Chenee lalo na kapag ngumingiti ito dahil sa mga dimples nito. Noon ngang Anniversary party ng parents niya at mismong kaarawan nito ay para itong contestant sa Bb. Pilipinas, marami ngang pumupuri dito at nagsasabing bagay ito at si Jerry—na ikinalungkot niya sa hindi malamang kadahilanan.
Sa pagkakaalam niya ay may gusto si Jerry kay Chenee, dahil iba ang inaakto ni Jerry noon kapag kasama si Chenee, pero nagulat na lang siya dahil in love na ang kapatid niya kay Pineapple. Nang malaman niya 'yon ay para siyang nabunutan ng malalim na tinik.
At kung anuman ang nararamdaman niyang 'yon para sa dalaga, simpleng paghanga lang 'yon sa simple ngunit striking na kagandahan nito at hindi na 'yon lalagpas pa—dahil parang kapatid na niya ito beside may manliligaw na daw ito—na kailangan na din niyang makilala para makilatis. Hindi naman siya papayag na kung sinu-sino lang ang ibo-boyfriend nito pagkatapos niya itong bantayan at alagaan na parang nakababatang kapatid.
"Oh, ba't ngayon ka lang?" ani Vaness nang makapasok siya sa condo, nasa salas sina Jerry at Ken na nanonood ng movie.
"Tinuruan ko pa kasi ng assignment si Chen." Aniya. "Wala yata kayong mga dates ngayon, ah." puna niya.
"Actually, dapat mayroon kaming date na tatlo with our girlfriends kaya lang ay naalala ka namin, wala kang kasama, wala ka pa naman kasing girlfriend kaya pinagpaliban na lang namin." Natatawang sabi ni Ken.
"Aaah... I'm so touched." Natatawa ring sabi niya saka niya mabilis inakbayan si Vaness palapit sa dalawang kapatid saka sila naupo, lumapit siya kay Ken at hinalikan ito sa pisngi.
"What the hell!" anito, na mabilis pinunasan ang pisngi nito na parang may bacteria'ng agad dumapo.
Natawa naman siya. "That's a thank you kiss." Aniya. Saka siya bumaling kay Jerry, pero nakaamba na ang kamao nito, kaya kay Vaness na lang siya lumingon pero may dala hawak itong clown picture, kaya hindi na lang siya kumilos. "Kumain na ba kayo?" pag-iiba na lang niya.
"Hindi pa, kasi nga hinintay ka namin." Sagot ni Ken, akmang babalingan niya ito para yakapin ay nanlilisik na ang mga mata nito, kaya natawa na lang siya saka niyaya ang mga kapatid para kumain.
"Mag-girlfriend ka na kasi para hindi ka na ma-OP sa amin." Ani Ken.
"Eh, sa hindi pa nga nahahanap ng puso ko 'yong tamang babae para sa akin." Aniya.
"Nandyan na nga sa paligid, hindi mo pa makita." Makahulugang sabi naman ni Jerry.
Pilosopo tuloy siyang luminga-linga sa paligid. "'Tol, may nakikita ka bang babae sa paligid?" aniya.
"Hey, don't talk about creepy things!" reklamo naman ni Vaness.
"Ewan ko sa 'yo." Naiiling na lang na sabi ni Jerry.
"But don't worry guys, malapit ko na siyang makilala." Nakangiting sabi niya.
"Talaga?" ani Ken.
"Sino na naman 'yan?" ani Jerry.
"A sweet and beautiful girl." Nakangiting sabi niya.
"Oops, hindi si Chenee." Ani Vaness.
"Chenee? Ano namang kinalaman ng love life ko kay Chenee?" nagtatakang tanong niya.
"Wala." Sabay-sabay na sagot ng mga ito, saka na tuluyang tumayo ang mga ito sa sofa. "Kumain na nga lang tayo kaysa makipag-usap sa bato." Sabi ni Ken.
"Bato? Sino'ng bato?" mabilis niyang tanong na agad umagapay sa paglalakad ng mga ito.
"Ikaw!" sabay-sabay na sagot ng mga kapatid.
KINABUKASAN, tatawagin na sana ni Vic si Chenee na naglalakad sa di-kalayuan sa kanilang magkakapatid nang bigla silang dinagsa ng mga fangirls nila, kaya gumanti sila agad ni Ken ng bati sa mga ito. Nang muling balingan niya si Chenee sa di-kalayuan ay may lalaki na itong kaagapay sa paglalakad at tinulungan pa itong magdala ng mga libro.
"That must be the guy." Narinig niyang sabi ni Ken, kaya muli siyang napatitig sa lalaking kasabay ni Chenee maglakad. Nang mag-side view si Chenee ay nakita niyang nakangiti ito sa lalaking kausap.
"Sino ang lalaking 'yon?" tanong niya sa kanyang sarili. Nag-side view din ang lalaki at parang familiar ito sa kanya. Lagi niyang kasama si Chenee at naturingan silang matalik na magkaibigan pero hindi man lang nito kinukuwento ang tungkol sa lalaki. Ito nga rin kaya ang sinasabi nito last time na lalaking pumuporma dito?
Akmang bibilisan niya sa paglalakad para makalapit kina Chenee at sa kasama nito nang pinigilan siya ni Jerry. "Where do you think you're going?" anito.
"Hindi ba kayo nacu-curious sa lalaking kasama ni Chenee?" tanong niya sa mga kapatid. "Ngayon lang uli siya nagkaroon ng manliligaw pagkatapos no'ng lalaking sumubok na manligaw sa kanya no'ng high school ngunit agad na nag-backout. Kaya dapat nating makilala nang husto ang lalaki bago tayo magpaubaya, mahirap na, baka manloloko pala 'yong lalaki at masaktan lang si Chenee sa huli."
"Sa 'yo pa nga lang lagi na siyang nasasaktan, e." ani Ken.
"What?" tanong niya kay Ken na parang may ibinubulong-bulong pero sa huli ay napailing-iling na lang.
"Hayaan mo muna silang magka-sarilinan at hintayin mo ring ipakilala tayo ni Chenee sa kasama niya, dinaig mo pa si manong Carlito sa pagiging strikto mo, e, ipapaalala ko lang, 'magkaibigan' lang kayo ni Chenee." Ani Ken na may pagdidiin sa 'magkaibigan' na part.
"Oh, 'yon na nga, magkaibigan kami kaya kailangan ko siyang protektahan." Aniya.
"Mahal mo ba si Chenee?"
"Oo naman, para ko na siyang kapatid."
"Hindi kayo blood-related." Singit ni Vaness sa usapan nila ni Ken.
"Ang hina mo naman, Vic." Naiiling na sabi ni Jerry.
"Ano ba kasi ang pino-point out n'yong tatlo?"
"Wala. Hayaan na lang nating lumigaya sa ibang lalaki si Chenee, kaysa patuloy na mahalin ang manhid na kakilala namin."
"Sino?"
"Wala." Sabay-sabay na sabi ng tatlo, saka na binilisan ang paglalakad para iwanan siya.
Naninibago talaga siya kay Chenee, e, hindi naman kasi ito nagpapaligaw, tapos magugulat na lang siya ngayon dahil may kasama na itong lalaki?
What the heck! Ang bata pa ni Chenee, hindi pa siya maaaring magka-boyfriend! Saka na lang ito mag-boyfriend kapag nakapagtapos na ito ng pag-aaral. "...dinaig mo pa si manong Carlito sa pagiging istrikto mo sa kanya e, ipapaalala ko lang, 'magkaibigan' lang kayo ni Chenee." Mas istrikto pa nga ba siya kaysa sa sariling tatay ni Chenee sa pagguguwardiya sa pagkakaroon nito ng boyfriend?
Nakakainis pero parang hindi niya gusto 'yong ideya na may manliligaw na si Chenee at sooner or later ay magkaka-boyfriend na! Ano bang nangyayari sa kanya?
BINABASA MO ANG
Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)
RomanceYes, Chenee's best friend is a guy named Vic Phyrros and yes--she is in love with him. No, they aren't in a romantic relationship and it's just a one-sided love. **FINAL book of the Cruise Bros series**