9

1.4K 24 0
                                    

"SABI KO na e, tama ang instinct ko dahil wala talaga akong tiwala sa lalaking 'yon. Sabi nang kilalanin mo muna siya nang mabuti e, pero nakipag-date ka kaagad! Paano kung hindi ako dumating kanina? Nasabuyan ka na ng iced tea at siguro nasabunutan ka na, buti nga iced tea lang 'yon, paano kung acido? Eh, 'di nasira na 'yang magandang mukha mo! Sumasakit talaga ang ulo ko sa 'yo, Chenee!" mahabang sermon ni Vic kay Chenee.

Hindi naiwasang mapangiti ni Chenee sa mahabang sermon ng kaibigan sa kanya, sa buong buhay niya ay ngayon lang niya ito nakitang gano'n kagalit at gano'n manermon, gusto na uli niyang isipin na baka nga nagseselos na ito, pero ayaw muna niyang mag-expect dahil baka mauwi lang sa disappointment ang lahat.

Saka pinipigilan na talaga niya ang sarili na huwag matawa sa sinasabi ng lalaki na paano daw kung acido ang ibinuhos sa mukha niya, hindi naman siguro gano'n kasama 'yong ex-girlfriend ni Seven para gawin 'yon—ayon nauna nang umalis sina Seven kasama ang babae dahil muntik nang suntukin ni Vic ang lalaki dahil sa "panloloko" nito sa kanya, mabuti at agad na may dumating na guwardiya para umawat.

"Teka, sinabi mo bang maganda ako?" nakangiting sabi niya.

Nag-iwas ito ng tingin at namula ang pisngi nito. Bihira kasi siyang puriin nito ng gano'n. "Kailan ko sinabi?" nagmamaang-maanggang sabi nito.

"Kanina!" aniya, saka niya sinundan ang tingin nito. "Sabihin mo nga uli, maganda ako 'di ba?" pangungulit niya.

"Hindi ko matandaang sinabi ko 'yan sa 'yo." Anito, saka nito binuksan ang pintuan ng passenger's seat saka siya iginiyang maupo sa loob, nasa parking lot silang dalawa noon, saka ito agad nagtungo sa driver's seat. "Kain muna tayo, alam kong hindi ka nakakain nang mabuti kanina." Anito.

Napasimangot na lang siya. "Bakit ka nga pala nandito? Sinundan mo ba kami ni Seven?" tukso niya.

"Napadaan lang ako."

"Hindi ako naniniwala! Sa dinami-dami ng restaurant, nakita mo kami? Hindi ako kakagat sa palusot mong 'yan—"

"Oo na, sumunod ako. Kasi nga malakas 'yong kutob kong may mangyayaring masama dahil never ka pang nakipag-date sa buong buhay mo, hindi ka ba magpapasalamat dahil hindi ka nabasa ng iced tea?"

"Okay, thanks." Nakangiting sabi niya. She felt so important. Hindi tuloy niya naiwasang kiligin. Naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya, si Seven ang nag-text—nagkapalitan kasi sila ng numero last time—at humihingi ito ng sorry sa nangyari at nagsisisi na rin daw si Yuri sa ginawa nito sa kanya.

"Sino'ng ka-text mo? Don't tell me ang lalaking 'yon pa rin?" anito.

"Siya nga, bakit ba?" aniya. Nagulat siya nang bigla nitong agawin ang phone niya sa kanya. "Akin na 'yang phone ko!"

"From now on, kalimutan mo na siya. He's not worth it!"

"Akin na 'yan!" aniya, saka niya pilit na inaabot ang phone, kaya saglit na itinigil ni Vic ang pagmamaneho sa gilid ng kalsada. Ngunit inilalayo nito ang phone sa kanya. "Ang kulit mo!"

"Makinig ka kasi sa sinasabi ko, hindi siya ang lalaking para sa 'yo, kaya itinigil mo na ang pakikipag-communicate sa kanya. Hindi ka pa ba nadala sa muntik nang ginawa ng ex-girlfriend niya sa 'yo?"

"Mabait si Seven!"

"Ba't ba ang kulit mo, Chenee? Nagkaka-ganyan ka ba dahil sa unang pagkakataon ay niligawan ka ng seryoso?"

"It's not that!"

"Ano?"

"Eh, pakialam mo ba! Hindi naman kita pinakikialam kay Jhammi, ah!"

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon