3

1.6K 32 0
                                    

"HINDI ako nagseselos!" halos pasigaw na sabi ni Chenee saka niya mabilis na inilabas ang headset mula sa bag at isinalaksak sa magkabilang tainga niya bago bumaling sa labas ng bintana. Pero sandali... masyado naman yata siyang OA mag-react o nagseselos lang talaga siya?

Napabuga siya ng hangin at halos sumikip ang dibdib niya sa magkahalong inis at lungkot. May gusto na naman kasing makilala si Vic na babae, ibig sabihin ay interesado na naman ito! Parang katulad din no'ng nasa high school ito, may schoolmate itong gustong makilala kaya kinausap siya para maging tulay sa babae. Kaya every uwian ay naroon siya sa labas ng campus nina Vic para subaybayan at kaibiganin ang babae para kay Vic.

Hanggang sa naging magkaibigan ang dalawa at niligawan ng binata. Habang masayang-masaya noon si Vic sa lovelife nito—siya naman ay nagluluksa sa wasak niyang puso. Yes, high school pa lang ay may gusto na siya sa best friend niya—second year high school siya noon.

Kung bakit mas naging malapit ang puso niya kay Vic, though malapit din naman siya sa tatlo pang kapatid nito, si Vic kasi ang pinaka-kasundo niya lahat ng bagay at lagi niya itong kasa-kasama. Hanggang sa tuluyan nang nawala ang immunity niya sa charm nito at natamaan sa mga ngiti at kakulitan nito.

Oo at nagtapat ng feelings si Jerry sa kanya last birthday niya, pero hindi siya nakaramdam ng kahit ano sa kaibigan—ibang-iba ang nararamdaman niya kapag si Vic ang involved. Why oh why, heart? May pagka-masokista yata talaga ang puso niya—mas gusto nitong magmahal ng mga manhid at iba ang gusto!

At si Vic na yata ang pinaka-manhid sa lahat ng manhid. Alam na ng F3 o Flower three na hango sa Taiwanese drama na Meteor Garden; sina Jerry, Ken at Vaness—ang feelings niya para sa binata, pati na ang girlfriends ng mga ito, samantalang si Vic ay wala pa ring clue.

Well, wala rin naman siyang balak ipaalam sa lalaki e, dahil bukod sa baka pagtawanan lang siya nito ay ma-sisterzone pa siya. Mesheket 'yon, besh!

Magfo-focus na lang siya sa pag-aaral, matayog pa kasi ang pangarap niyang maitawid sa kahirapan ang mga magulang niya; ang nanay niya ay isa sa mga maid sa Cruise mansion nang halos seventeen years na at ang tatay naman niya ay driver ni señora Yna, pero nang mamatay ang matanda ay sa parents na ng mga kaibigan niya ito nag-serbisyo. Nasa mahigit twenty years na rin ito sa pamilya.

Pangarap niya ay mabigyan ng bahay at negosyo ang mga magulang niya para makapagpahinga na rin ang mga ito sa pagta-trabaho, hindi pa naman matanda ang nanay niya na nasa mid forties tulad ng parents ni Vic at mid fifties ang tatay niya.

Medyo late na nag-asawa ang mga magulang niya pero laking pasasamat ng mga ito nang lumabas siya sa mundo, akala nga ng mga ito ay hindi na magkakaroon ng anak, sayang lang dahil hindi na siya nasundan.

"'Uy, okay ka lang?" narinig niyang tanong ni Vic na nasa driver's seat, kinalabit pa siya nito pero hindi pa rin siya umimik. Saglit na i-p-in-ark ni Vic ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nasulyapan niyang lumabas ito ng sasakyan, bumaling siya sa lalaki at nakita na lamang niya itong nasa loob na ng isang chicken house at sandali pa ay lumabas na ito na may bitbit ng isang bucket ng fried chicken at drinks.

Pinigil niyang huwag ngumiti dahil talagang naiinis pa rin siya kamanhidan nito sa nararamdaman niya. Napahawak siya sa necklace na ibinigay ni Vic sa kanya bilang regalo no'ng kaarawan niya, isa 'yong sterling silver necklace na may round diamond heart pendant. No'ng una ay nagulat siya sa pagkakakita n'yon dahil parang sobrang mahal at hindi niya kayang tanggapin, pero ipinilit nito 'yon sa kanya, kaya tinanggap na lang din niya sa huli.

Tuwang-tuwa siya hindi dahil sa mahal at maganda 'yon—kundi dahil akala talaga niya nakalimutan na siyang bigyan nito ng regalo. Ilang araw kaya niya 'yon dinamdam pero worth it naman ang paghihintay.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon