Epilogue

2.1K 71 11
                                    

Graduation Day...

"CONGRATULATIONS mga Kuya ko, sa wakas graduates na kayong apat! Wala nang pagkakaguluhan sa school n'yo!" nakangiting sabi ni Maye Belle, ang pinsan nilang anak ng tito Elix nilang pinsan ng daddy nila.

"Thanks, cousin dear, pero sayang hindi mo man lang na-experience ang presence namin sa school." Ani Ken, saka ito umakbay sa nakababatang pinsan.

"It's okay." Natatawang sabi nito.

Katatapos lang ng graduation nilang quadruplets kasama na si Pinya, pang-umaga ang schedule ng graduation nina Ken, Jerry, Pinya at panghapon naman kina Vic at Vaness. Lahat ng pamilya nila ay present kanina sa graduation; ang family nilang lahat, sina Neko at Marie Claire. Sobrang saya ang nang nararamdaman nilang lahat dahil after four years na pag-aaral ngayon nga ay nakapagtapos na rin sila.

Silang tatlo nina Ken, Jerry, Vic at Pinya ay nakatanggap ng cum laude medals in their respective courses habang si Vaness naman ay nakatanggap ng Magna cum laude medals and had delivered his long and heart felt speech na siyang naka-touch sa puso ng lahat, lalo na ng mommy, daddy at lola Martz nila. They feel so proud for each and everyone lalo na ang parents, family and girlfriends nila para sa kanila. Wala na silang iba pang mahihiling dahil pakiramdam nila—lalo na si Vic na napaka-kontento na niya sa buhay, nasa kanya na ang lahat—lalo na si Chenee na pinakamamahal.

Nasa Cruise mansion sila nang hapon na 'yon para sa celebration nilang magkakapatid, kasama na ni Pinya at lahat ng miyembro ng pamilya nila at pamilya ng mga girlfriends nilang naroon para makisaya sa lahat. Ngayon nga ay nasa sala ang mga girlfriends nilang magkakapatid kausap ang kani-kanilang mga pamilya at nasa master's bedroom naman silang quadruplets para buksan ang mga regalo na ibinigay ng mga girlfriends nila, of course, Jerry had also given Pinya a graduation gift.

Isang makapal na medical book ang na-received ni Vaness mula kay Marie Claire, isa namang maganda at mamahaling camera ang ibinigay ni Neko kay Vaness—kaya nga naman narito si Maye Belle at kinukulit na kunin ang lumang camera ng kapatid niya, she was planning to take up photojournalism, nakantanggap naman ng set of colors and brushes si Jerry mula kay Pineapple at siya naman ay nakatanggap ng kiss na may kasamang fountain pen na magagamit daw niya kapag naging successful businessman na siya.

And of course, they also have gifts from their parents and for each other. Hindi sila makapaniwala na ngayon ay malapit na silang tumuntong sa panibagong kabanata ng kanilang buhay—ang career life nila.

"By the way mga kuya, I have something in mind..." mayamaya ay suhestyon ni Maye Belle, saka ito lumapit sa kanila. "Guluhin natin ang buhay ng mga girlfriends n'yo." Nakangiting sabi nito.

"What?" sabay-sabay nilang tanong.

Natawa ito at umiling. "What I mean is, magdamit kayo ng pare-pareho at masuot ng caps para hindi makita ang hairstyles n'yo saka natin tatanungin ang mga girlfriends n'yo kung kilala nila kayo even without a clue. We'll know if they really knew you well and they love you so dearly, what do you think?" nakangiting sabi nito.

Saglit silang nagkatinginan apat bago tumango sa suhetsyon ng pinsan. Matagal na rin niyang naisip 'yon, e, kung makilala nga ba siya ni Chenee kahit lituhin niya ito. Nakasuot sila ng kani-kanilang mga black and gray Americana suits na inalis na nila, kaya sa necktie na lang sila nagkakatalo pero dahil nakita na 'yon kanina ng kani-kanilang girlfriends, ipinagpalit-palit nila ang kasuotan.

Si Jerry na nakasuot kanina ng black necktie, ngayon ay blue na gamit na kanina ay suot niya. Siya naman ay isinuot ang gray necktie na suot kanina ni Vaness at ito ngayon ay nakasuot ng maroon necktie na suot ni Ken kanina at si Ken ang nagsuot sa black necktie ni Jerry, saka sila nagsuot ng black caps.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon