14

1.3K 31 0
                                    

Nang makarating sila sa pinakatuktok ay saglit na huminto doon, napalinga sila sa magandang view sa paligid. Ramdam niyang malapit na rin bumulusok ang— at naputol na nga ang pag-iisip at paghinga niya nang mabilis ang pagbaba ng sinasakyan nilang ride.

"I love you, Chenee!" narinig niyang sigaw ni Vic na nasa tabi niya, na tawa nang tawa. Siya ay hindi na nakasigaw dahil bukod sa hindi siya nakapaghanda ay nagulat din siya sa isinigaw ni Vic, nang makarating sila sa baba at okay nang magtanggal ng seatbelt ay tinulungan siya ni Vic na magtanggal niyon. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at napangiti ito. "Are you alright?" tanong nito. Hindi siya nakasagot dahil sa magkahalong pagkabigla sa pagbulusok ng ride at sa 'I love you, Chenee' nito. He loves her as his best friend? As a sister? Or more than friends? "Tara na nga!" nakangiting inakay na uli nito sa kung saan.

Sa Laser mission sila sunod na nagpunta, para silang nasa spaceport at kailangan nilang mag-navigate through web of lasers hanggang sa pinakadulo ng maze. Magkasabay silang gumawa ng game na 'yon, unfortunately ay nagalaw nila ang laser kaya na-out sila. At kung saan-saan pa sila naglaro at nag-ikot-ikot, nanalo pa nga ng malaking teddy bear si Vic na ibinigay sa kanya, hapon na no'n nang maisipan nilang magmeryenda at pagkatapos ay pasyal to sawa na naman, usual, magkahawak-kamay pa rin sila.

Ngunit napahinto sa paglakakad si Vic nang biglang may clown na sumalubong sa kanila habang naglalakad sila. Mabilis na nagtago si Vic sa likuran niya at napatakip ito ng mga mata.

"Let me get out of here!" narinig niyang bulong nito. Kaya hindi niya napigilang matawa. Hinila niya ito sa tabi niya at pilit na ipinapamulat ang mga mata, kaso hindi talaga nito gusto. Niyakap niya ito nang mahigpit saka siya tumawa, daig pa kasi nito ang batang paslit na takot doon.

Nagsimula itong magkaroon ng takot sa clown no'ng nasa grade school sila, muntik na kasi itong tangayin ng clown na kidnapper noon—nalaman kasing isa itong Cruise—mabuti na lang at mabilis itong nadaluhan ng mga school security guards. Iyak ito noon nang iyak sa takot at simula no'n ay hindi na nito gustong makakita ng clowns. At dahil din sa pangyayaring 'yon ay binigyan ng kanya-kanyang bodyguards ang the Cruise brothers at no'ng lumaki na ang mga ito ay pinag-aral ang apat ng daddy Chrys nila sa isang martial arts school para sakaling mangyari uli 'yon ay may self defense na.

"Pwede bang kalimutan mo na ang pangyayaring 'yon noon, please? Isipin mo na lang na kapag may clown, may party, masaya. Naalala mo pa ba ang kuwento ng mommy mo no'ng dalaga pa siya? 'Di ba nagpanggap din siyang clown noon para i-surprise at pasayahin ang birthday party ng daddy mo? I-set aside mo na ang bad experience mo na 'yon at isipin na nightmare lang 'yon, okay?"

"Nakakatakot pa rin kasi silang tingnan, e." anito.

"Hindi kaya, ang cute kaya nila, makapal ang pulbo sa mukha nila at may bilog pa silang blush on, look..." aniya, saka niya pinipilit itong tignan ang clown na nasa malapit sa kanilang nakikipaglaro na sa iba. "Can this kiss makes anxiety blown away?" bulong niya, saka siya tumingkayad para halikan ang noo nito. Naramdaman niyang saglit itong natigilan at dahan-dahang nagbukas ng mata, doon din niya tinapos ang paghalik at napangiti dito. "Nawala na ba ang takot mo?" nakangiting sabi niya.

Umiling-iling ito at ngunit nakita niyang pigil ang pagngiti nito. "Baka dito sa cheeks mawala." Anito. Mabilis naman siyang humalik doon. Umiling-iling uli ito saka nito itinuro ang lips. "Eh, dito kaya?" Natawa siyang pinitik ang noo nito. "Aray!" natatawang reklamo nito.

"Sumusobra ka na, e." natatawang sabi niya, pero deep inside ay kinilig naman siya. Kung pwede lang sana niyang i-kiss ito sa lips, e, kaso bukod sa may kahihiyan pa rin naman siya, ang dami kasing tao sa paligid. "Tingnan mo na kasi 'yong clown, halika, magpa-picture ka kasama niya." hinawakan niya ang kamay nito at hinila palapit sa clown. "Hindi ka sasaktan niyan, bukod sa kaya mo namang i-defend ang sarili mo, nandito naman ako para suportahan ka." aniya. Aba! Natuto din yata siya nang kaunting martial arts dahil kay Vic. Muli niya itong hinila papunta sa clown para magpa-picture.

At first ay takot na takot si Vic hanggang sa maging kumportable na rin ito at ito na rin mismo ang umakbay sa clown para kuhanan sila ng larawan, saka sila ng group selfie. Nakangiti silang umalis sa lugar. Pakiramdam tuloy niya ay nagka-mission accomplished siya dahil naging okay si Vic kasama ang kinatatakutan nito.

Niyaya muna siyang mag-dinner ng binata bago sila tuluyang nagpunta sa huling sasakyan nila—ang Wheel of Fate. Madilim na noon kaya mas lalong naging sweet ang ambiance, maganda rin ang kapaligiran dahil sa iba't ibang ilaw na nakikita. Nang makarating sila sa pinakatuktok ay mas lalo silang na-amaze sa ganda ng kapaligiran, sa presko ng hangin at sa masayang pakiramdam, kumuha sila ng picture ni Vic together.

Hinding-hindi talaga niya makakalimutan ang pangyayaring ito sa buhay niya, dahil isa ito sa pinakasamasaya na kasama si Vic, actually, wala namang araw na hindi siya masaya kapag kasama ito, naging extra special lang ngayon.

"Ang ganda dito, ang presko at sweet ng ambiance!" masayang sabi niya.

Tumango at ngumiti naman si Vic na nasa tapat niyang upuan. "This is our first time here." Nakangiting sabi nito.

Napakunot-noo naman niya. "This is the third!" pagtatama niya, no'ng una kasi ay saling-pusa lang siya dahil nagpunta ang pamilya Cruise dito, no'ng second ay silang lima na lamang at ito ang pangatlo at hindi pa rin siya nagsasawa sa Enchanted Kingdom!

"I mean, this is our first time alone, together here in EK." Nakangiting pagtatama nito sa kanya. Napatitig siya sa mga mata nitong nakatitig din sa kanya, bakit parang may gustong sabihin ang mga mata nito sa kanya? Dumukwang ito sa kaya at umangat ang isang kamay nito sa kanyang pinsgi. "Napagod ka ba sa buong maghapon na adventures natin?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Medyo, pero mas nag-enjoy ako at nasiyahan. Thanks for being with me today, Vic."

Kinurot nito nang magaan ang pinsgi niya. "You're dimples are so cute," nakangiting sabi nito. "Your happiness is my happiness." Anito. Pagkatapos ng tatlong ikot nila sa Wheel of Fate ay bumaba na rin sila doon. Habang naglalakad sila ay nakasalubong nila 'yong parade ng mga EK characters, nag-selfie silang dalawang kasama ang mga ito. Para silang mga batang tuwang-tuwa habang nagpapa-piture kay Eldar the wizard.

Pagkatapos nilang bumili ng mga souvenirs at mga pasalubong para sa pamilya at mga kaibigan nila ay tuluyan na silang nagtungo sa parking lot, saglit pa silang nanatili doon para hintayin ang fireworks saka rin sila tuluyang umalis. Nag-drive thru na din sila sa isang fastfood chain para sa kanilang meryenda.

After an hour of biyahe ay nakarating din sila sa Cruise's mansion nang pasado alas dyes na, hinatid lang siya ni Vic doon bago umuwi sa condo.

Ngunit bago pa siya tuluyang pumasok sa loob ng mansion ay pinigilan nito ang kanyang braso saka siya hinila para yakapin nang mahigpit. Hindi siya nakakilos, kumabog ng mabilis ang puso niya at mas lalong nadagdagan 'yon nang halikan siya sa noo nang matagal.

"Sweet dreams, Chenee." Bulong nito, bago ito tuluyang umalis. Ilang minuto na itong nakakaalis ay nakatayo pa rin siya sa harapan ng malaking gate—at nang mag-register sa kanya ang buong nangyari ay halos magtatatalon siya sa labis na kilig.

Nakangiti na lamang siyang tahimik na pumasok sa loob ng mansion. Sinalubong siya ng parents niya at nakangiting nagmano bago ibinigay ang mga pasalubong saka agad na dumiretso sa kanyang kuwarto.

Masaya siyang humiga sa kanyang kama, kinuha ang drawing book niya na may mukha si Vic—na iginuhit niya no'ng high school siya—nasa ilalim 'yon ng unan niya at tinitigan 'yon gabi-gabi, inilabas din niya ang kuwentas na ibinigay ng kaibigan saka mabilis na hinalikan bago itinakip ang unan sa kanyang mukha at impit na napatili.

Book 4: Things why I've fallen for my Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon