Kabanata I

116 12 0
                                    

The Longing Home

Umuwi ako sa bahay with a heavy heart. Tahimik ang buong bahay nang dumating ako, siguro ay nasa opisina na si Tita noong umalis ako. Ang mga housemaids ay nasa kani-kanilang quarters at nagpapahinga. Noong umalis ako ay nandito pa siya at kumakain.

This house was a mansion inspired by nineteenth century houses. Ang magkabilang grand staircase ang unang bubungad kapag ikaw ay pumasok sa malaking front door. Kalimitan, ang mga bahay dito sa Norway ay magkakalapit, iba't iba ang kulay at maliliit sa paningin. Ngunit iba ang bahay na ito dahil masasabi ko itong inherited mula pa sa late grandfather ni Tito Frederick. Sa aking kaliwang bahagi ay ang kusina at dining room. Sa likod nito ay ang laundry room at may sampayan sa likod ng bahay. Sa aking kanan naman ay ang tanggapan ng mga bisita na may tatlong malalaking sofa na nakapalibot sa isang center glass table. Sa baba ng hagdanan ay ang mga kwarto ng mga katulong ni Tita. Pag-akyat sa ikalawang palapag ay may anim na kwarto. Dalawang kwarto ang nagagamit dahil sa akin at kay Tita. Sa aking likod ay may malaking kwarto na nasasakop ang kalahating palapag. Library iyon at opisina ni Tito noong buhay pa ito.

I love reading. Kapag may oras ako ay pabalik-balik ako sa library para maghanap ng librong babasahin. Nakakatuwa dahil puno iyon ng mga librong historical, romance and contemporary. Mas gusto ko iyong pampalipas oras kapag namamahinga ako sa pag-aaral at kakatapos lamang ng mga hospital shifts. Kapag toxic ang work, libro lang ang katapat o kaya tulog. Daddy said na namana ko ang kahiligan ni Mommy sa mga libro. Ginagawa niya itong koleksyon dahil gusto niya ang amoy ng mga libro. Malinis at wala man lang punit at gusot ang mga libro noon ni Mommy. Kahit tupi sa gilid ng bawat pahina ay hindi kapansin-pansin. Maalaga siya sa mga ito.

Sa labas ng bahay ay may hardin pa na nalalatagan ng bermuda grass. Mahilig si Tita sa paghahalaman lalo na kapag wala siyang ginagawa o day-off sa trabaho. Tuwing umaga ay naaabutan ko siya na nagdidilig o di kaya'y nagtatanim ng mga bulaklak bago ito pumasok. Sa gitnang bahagi ay may ancient hexagon shaped gazebo. Doon ako namamalagi kapag gusto kong magbasa o magmuni. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin tuwing summer dahil sa nakapalibot na mga puno at halaman.

Sa bansang ito, kapag summer ay hindi ganoon kasakit sa balat ang init kumpara sa Pinas. Ayon sa aking professor noong Med School, thirty seven percent of Norway are forests and there are at least four hundred and fifty thousands freshwater lakes. Most of it were created by glacial erosion. About two-thirds of Norway is mountains and some are fifty thousands islands.

Dumiretso ako sa aking kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Ang daming nangyari sa akin sa araw na ito. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa para makaiwas na sa aking nararamdaman. Gab's mad at me, hindi naman madaling umalis sa bansang ito. Napamahal na din ako dito at itinuring ko na itong second hometown. Pero hindi ko dapat talikuran kung saan talaga ako nagmula.

I will always love Oslo, the northern lights was my favorite. Country of the voyagers. Gustong-gusto kong natatanaw ang mga bundok sa lugar na ito. Natatabunan ng mapuputing nyebe o kaya naman ay mabeberdeng dahon sa mga puno. It will always have a place in my heart that I will always come back as a promise.

Ang aking pag uwi sa Pilipinas ay nagdudulot sa akin ng samu't saring emosyon. Masaya, nasasabik at natatakot. Masaya dahil muli kong mabibisita sina Mommy at Daddy sa sementeryo. Excited dahil sa mga kaibigan ko. At natatakot na baka muli kaming magkita. My friends were very vocal about Marco's life. His success, achievements and recent girlfriend. Dorothy ang pangalan nito at kitang-kita ko sa kanila ang inis kapag mapapag-usapan iyon. They were not fond of this woman and I don't know why. I never seen her in person that's why I don't have the rights to judge.

Umalis ako sa Pilipinas kahit na ayaw niya. Wala akong nagawa so we just parted our ways just like that, just like strangers. Hindi ko alam kung ano ang kanyang desisyon dahil noong tinanong ko siya ay hindi naman siya sumagot. Iyon na ang huli naming pagkikita bago ako napunta sa Norway.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon