Kabanata XVII

55 5 0
                                    

Who's Mysterious?

Tatlong araw ang ginugol para sa intamurals. Sa tatlong araw na iyon, wala akong ginawa kundi ang manood ng mga laro, umupo at matulog sa classrooms nang patakas. Maya't maya din ang laro ng aming team lalo na sa basketball. Talo kami sa Sepak Takraw, Chess at Volleyball Boys. Ngunit mas pokus kami sa basketball. Ngayong araw ang huling laro para sa basketball, kumbaga championship na sa gitna ng dalawang team.

"Kampante na ako na tayo ang mananalo. Itsura pa lang ng mga iyan ay wala na silang magagawa sa liksi ng ating team." Husga ni Bethany habang mapanlisik ang mga matang nakapokus sa kabilang kuponan.

Nakatayo kaming muli sa stage kagaya ng mga sumunod na araw. Kung dati ay crowded na ang gymnasium, ngayon naman ay halos lahat ng team members ng dalawang grupo ay nandito. Maging ang ibang team na hindi nakasali sa chamionship ay manonood din. Punong-puno ang paligid ng court dahil sa mga estudyante. Maging ang mga guro ay nanonood na din. Puno na din ng tao ang taas ng stage. Nagsisiksikan na nga kami para lamang makahanap ang iba ng magandang pwesto at makita ng maayos ang mga maglalaro.

"Ay! Laitera 'te? Grabe ka naman." Pagtatanggol ni Isabella sa kabilang grupo.

"Magandang umaga Technites! At sa lahat ng mga estudyante at mga guro na nandito ngayon sa gym. Ngayon, ay matutunghayan natin ang pagtutuos ng dalawang grupo para sa titulo ng championship!" Sabi ng committee. Sigawan agad ang iginawad ng mga tao pagkatapos magsalita ng committee.

"Kumalma po tayong lahat at magsisimula na ang palaro." Hiwayan at talunan ang mga tao. Tila na-eexcite sa magaganap na laro.

"Sa pagkakataong ito, kalimutan niyo muna ang lahat ng babae sa inyong buhay. Ang bola muna ang inyong kasintahan. At kayong lahat ang kanyang boyfriend. Madami kayo, teamwork ang kailangan dito! Protektahan niyo siya at all cost! Understood?" Narinig kong pangaral ng aming team coach sa mga players.

Kakaibang payo ngunit alam kong epektibo.

"Yes coach!" Sigaw naman ng mga ito.

Tinawag na ang mga kalahok ng magkabilang grupo. Pumunta na ang mga ito sa gitna at doon nagtipon. Binigyan sila ng five minutes warm up para makapag-practice at magbanat man lang ng mga buto. Kanya-kanyang estilo ng pag-eensayo ang ipinakita ng mga kalahok. Ang aming koponan ay sunod-sunod na nagpapa-shoot sa ring habang ang kabila naman ay nag-stretching.

"Ang galing pala talagang maglaro ni Marco, Chloe. Sagutin mo na kapag naging champion tayo ha." Bethany said.

"Magkaibigan nga lang kami," tanggi ko.

"Talaga bang kaibigan lang? Kung maalagaan ka, lampas na sa pagiging magkaibigan." Sabat naman sa amin ni Lauren. Lumipat pa ito sa aking tabi at doon tumayo.

"Ayoko na doon, ako palagi ang puntirya ni Isabella." Humalakhak pa ito.

"Ganoon talaga siya. Kahit naman sa inyo ay maalaga din siya." Sabi ko habang tinitingnan siyang nagpapa-shoot ng three points. Hindi pa man kami nakakapunta sa canteen ay may bitbit na ang tatlo ng mga pagkain at tubig para sa aming lima noong minsang makasalubong namin ang mga ito. Binili daw iyon lahat ni Marco para sa amin.

Agad naghiyawan ang mga tao nang mag-shoot ang bolang kanyang binato sa ring. Ginawaran niya ng ngiti ang mga taong malapit lang sa kanyang pwesto na nagtalunan pa. Nagtatakbo siya pabalik sa likod ng huling ka-team nito para maghintay ulit ng kanyang pagkakataon na maka-shoot ulit sa ring.

"Kapag hindi ka pa kumilos, mauunahan ka." Bulong sa akin ni Lauren.

"Madaming higad sa paligid. Sige ka, magsisisi ka." Bulong din sa akin ni Bethany.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon