Kabanata XXXIX

30 3 0
                                    

The Dreadful Request





"Would you mind to tell me what happened?" Rodrigo asks. As of now, mabuti na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang takot nang may kasama na ako. Hindi umalis si Rodrigo sa aking tabi kahit rounds niya ngayon.

Kahit ilang beses na nya akong tinatanong, hindi ako sumasagot. Hindi ko siya kinakausap. I don't know what to say. Kung magsasalita ako, babalik ang takot ko. Nilalapatan niya ng first aid ang aking braso dahil sa nangyaring aksidente kanina. He checked my arms kung may iba pa bang sugat bago iyon gamutin.

"Give me your phone," He commanded. Tumingin ako sa kanya nang nalilito. What will he do to my phone?

"I'll give your boyfriend a call," Nanginginig pa din ang aking mga kamay ngunit hindi na iyon kagaya ng kanina. Dinukot ko sa bulsa ng aking white coat ang aking cellphone at ibinigay iyon sa kanya.

"Kung hindi mo masasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka tumatakbo at takot na takot kanina, baka sa kanya sabihin mo. He will give you protection." Inabot niya ang aking cellphone at tangkang lalabas ng kanyang silid ngunit pinigilan ko siya. I reached the hem of his white coat reason for him to turn.

"Don't leave me here," Garalgal ang aking boses na parang hinasa sa metal. Mangiyak ngiyak ko siyang tinitingnan at nagmamakaawang huwag akong iwan magisa. Huminga siya ng malalim bago umupo sa sofa para ako'y tabihan.

Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya matapos ang nangyaring insidente. Matagal na siyang pinaghahanap ng pulisya dahil natagpuan ang kanyang mga ilegal na negosyo at transaksyon sa mga sindikato. Nagsampa si Tita Mercy ng kaso sa kanya dahil sa pagsasamantala sa akin at iba pang kaso sa kanyang mga ilegal na ginagawa. Nagtatago siya sa batas dahil ayaw niyang magpakulong. Umabot na din sa korte ang kaso nang mas lumala pa ito.

Isa lang ang alam ko. He's after me. Gusto niya akong gantihan dahil sa pagwasak ko sa kanya.

"What's this? Bakit ka may sugat?" Iyan ang bungad sa akin ni Marco nang makarating siya dito sa opisina ni Rodrigo. Sinipat pa niya ang buo kong katawan para sa iba pang sugat. Tumulo ang aking mga luha nang hindi ko na ito mapigilan. Nagaalala siya sa akin dahil nakita niyang may sugat ako.

"Kanina ko pa din siya tinatanong pero hindi man lang ako sinasagot," Sumingit si Rodrigo sa amin. Nagulat ako ng kwelyuhan ni Marco ang doktor at galit na galit.

"Did you touched her?!" Sinigawan ni Marco si Rodrigo at akmang susuntukin niya ako ngunit pumagitna ako sa dalawa.

"Marco, hindi niya ako sinaktan. Siya ang tumulong sa akin na gamutin ang sugat ko." Sa wakas, maayos na ang pananalita ko.

Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Naghahanap ang kanyang mga mata ng sagot sa nangyari sa akin ngunit ako ako makapagsalita. Para akong nasa impyerno habang pinapantayan ko ang titig niya. Hinablot niya ang aking palapulsuhan at nagmamadaling makalabas ng opisina ni Rodrigo. Nangatog ang aking tuhod nang mapadaan akong muli sa tinakbuhan ko. Baka nandito pa siya at nagaabang sa paglabas ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Marco. Wala na akong pakialam dahil ligtas ako kapag siya ang kasama ko, kahit saan basta siya ang kasama ko.

"Napoleon Ardente," Pabagsak na inilapag ng lalaki ang makapal na mga papel sa lamesa sa aming harap.

"Sino siya?" Tanong ni Marco sa lalaking kasing tangkad nito. May hawak syang basong may alak at tanggal na ang kanyang necktie. Nakarolyo ang sleeves hanggang siko at bukas na ang tatlong botones ng kanyang damit.

"He's wanted. Patong patong ang kaso ng lalaking ito. Rape, drug trafficking, identity theft, fraud at prostitution. Ilan lang yan sa mga krimen na nahanap ng batas sa kanya." Makahulugang nakatingin sa akin ang lalaking kausap ni Marco. I feel that they are somewhat connceted dahil nakikita ko iyon sa ibang features ng kanyang mukha.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon