Kabanata XX

58 5 0
                                    

The Uneasy Business

Hindi na nakakagulat na siya nga iyon. Hindi lang agad nag-sink in sa akin na maaaring siya nga iyong Filipino investor sa real estate ng Andersen at isa pa siya sa major stock holder ng kumpanya. Ang mga Hansen ang may pinakamalaking share sa Twin Tower at pumapangalawa si Marco. He shifted on his seat. Tila nagiging komportable pa sa paninitig sa akin. Tumunog ang aking cellphone dahil sa tawag. Pumunta ako sa sofa at hinalughog ko iyon sa aking bag at agad sinagot.

"Hello, Tita?" I answered the call as I turned my back on him.

"Did you meet him? Pinirmahan ba yung contract?" She asked. Hindi niyo naman po sinabi sa akin na si Marco pala ang bagong Filipino investor natin.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na si Marco pala ang ka-meeting ko ngayon? Tita, we're not in good terms." I hisses. Alam ni Tita ang relasyon namin noon ni Marco pero hindi ako mahilig mag-open up sa kanya dahil nahihiya ako.

"I'm sorry, dear. Pero nagpumilit siya at malinis naman intensyon niya. Kung hindi kayo maayos, siguro this is the perfect time para sa closure." Sambit niya.

Is she even serious? Ano ba talaga ang pinunta ko dito? Ang kontranta o ang closure sa aming dalawa?

"Pero Tita-" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang patigilin niya ako.

"It's okay, Chloe. Kaya mo iyan. Nagkita na ba kayo?" Bumuga ako ng hangin at sumuko na lamang. Wala na akong magagawa kasi nandito na ako. Hindi na ako makakatakas.

I entered this shit, so I need to get out in it as soon as possible.

"We already met Tita, ngayon ko pa lang ididiscuss sa kanya ang contract." My hands are shaking for unknown reason.

"What? Ano bang oras na diyan? Pinahirapan ka ba anak?" Nahihimigan ko ang concern sa kanyang tono. "I'm sorry, dear." She said.

"Tita hindi po, I'm fine. Galing po siya sa meeting nung dumating ako dito. Tinapos po muna niya iyon." I assured her.

"Ganoon ba? I trust you in this, anak. We really need his company to boost our business. Alam kong kaya mong kunin ang loob niya. May pinagsamahan naman kayo. Good luck dear! I love you." She said as she ended the call. I put my phone back inside my bag. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na sinusundan niya ng tingin ang lahat ng aking galaw.

And it feels uneasy!

"So it's you," I said. Filling some bitterness to my voice. Tama nga si Bethany, hindi malabo na magkikita kami dito sa Maynila. At ang nakakatawa pa, ako pa pala iyong lumapit. I never thought that we will cross paths again in this situation.

Oh great! Here we go again.

"Uhuh," he murmured. Hinawakan niya ang kanyang labi habang naglalakbay ang kanyang paningin sa akin.

I need to compose myself. You are here for business!

I sighed. "Okay, I think we already knew each other-" he cut me off.

"Yes, we really know each other." He said. Gritting his teeth while talking to me.

No, Marco. You are wrong. I barely know you.

Sa tuwing titingnan ko siya, hindi ko alam kung natutuwa ba siya na nasa harapan niya ako ngayon o gusto niyang umalis na agad ako. Ang galing niyang lituhin ang utak ko kung ano ang maaaring hula ko sa nararamdaman niya. Noon pa man, ganito na siya. Hindi ko siya minsan ma-pinta, ang hirap-hirap niyang espilingin.

"I will now proceed to the business. No need for the introduction." Bitterness is evident. Sana lang ay huwag niyang mahalata. Pumunta ako sa sofa at kinuha ang aking laptop at folder na naglalaman ng mga dokumento.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon