Kabanata XLVII

46 3 0
                                    

Named it Chaos

Hindi ako aalis hangga't hindi ko ulit siya nakikitang gumising. Kanina ay gumising na siya ngunit agad ding ipinikit ang mga mata. Pagod at hinang hina si Chloe sa puting kamang nasa aking harapan. Nararamdaman ko pa din ang haplos ng kanyang malambot na palad sa aking pisngi upang pawiin ang aking luha. Hindi ko napigilang maging mahina sa kanyang harapan habang nakikita syang ganito. Gusto kong sisisihin ang aking sarili sa nangyari. Kung sana ay mas hinigpitan ko ang seguridad niya ay hindi ito mangyayari.

"Ano ba talagang nangyari?" Boses ni Gus ang narinig ko sa aking likuran. wala akong balak na harapin siya dahil baka kapag lumingon ako sa kanya ay may kung ano na namang mangyari kay Chloe. Gusto ko palagi akong nakatingin sa kanya.

"Hindi ko din alam," Sagot ko. Inutusan ko si Magnus na imbistigahan ang aksidente kanina. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa din siyang tawag para balitaan ako. May kaibigan siyang agent ng NBI kaya madali na itong lapitan. Ang mga bodyguards na responsible sa pagbabantay kay Chloe ay doon ko din kinuha.

"Will she able to wake up again? It's been six hours." Mrs. Andersen said impatiently. Hawak niya ang kamay ni Chloe at hinahalik halikan ito.

"Let's just wait, Tita. She will be okay." Isabella comforted her. She mouthed na ilalabas niya muna ang tiyahin ni Chloe para ito ay kumalma.

All of our friends are here. Patiently waiting for her to wake up. Umuwi rin ang tiyahin ni Chloe na tumayo bilang ina nito simula nang mamatay ang kanyang mga magulang. She matters to everyone. She is loved by everybody. Hindi niya dapat nararanasan ang ganito. Nasasaktan pa din ako habang nakikita siyang nagkakaganito. Nakahiga sa puti at malamig na kama, walang malay at hinang hina. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan. Ang mga galos at pasa sa kanyang mukha at mga braso ang nagsasabi sa akin na napabayaan ko siya. 

Ayoko ng kahit na anong istorbo sa ngayon ngunit nang marinig kong tumunog ang aking cellphone ay tiningnan ko ito. Tumatawag si Iya, ang aking secretary at nakakasigurado akong tungkol iyon sa opisina. Sinagot ko ito para malaman ang dahilan ng kanyang pagtawag. Lumayo muna ako ngunit hindi ako lumabas ng kwarto.

"Sir, nag-out na po ako ngayon. Dadalhin ko na lang po sa bahay ang ibang gawain." Tugon nito. Tiningnan ko ang aking relo at alas otso na pala. Oras na ng uwian ng mga empleyado ko.

"Salamat, Iya." Tugon ko.

"Walang anuman, Sir. Para pagbalik niyo po sa opisina ay hindi gaanong kabigat ang mga gagawin niyo." Dalawang taon ko nang sekretarya si Iya. At lahat ng ginagawa niya ay halos perpekto. Maging ang mga paperworks ay well-checked. Mga appointments ay kailangan sakto sa oras. Kaya laking pasasalamat ko sa kanya. Gumagaan ang aking trabaho sa opisina nang dahil sa kanya.

"You can take your day off tomorrow. Ang Vice President na muna ang bahala sa lahat." Sagot ko. Minsan ko lang siya bigyan ng day off sa loob ng dalawang taon. Madalang lamang dahil sa dami ng aming ginagawa. 

"I'm okay, Sir. Dadalhin ko din naman po ito bukas sa opisina nyo." Pagtukoy niya sa mga naiwan kong papeles. She's really dedicated to work. Kahit ang day off ay tinatanggihan niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil bread winner siya ng kanyang pamilya. 

Pagkatapos ng tawag ni Iya ay siya namang tawag ni Mama. Hindi ko pa man naibubulsa ang aking cellphone ay muli na itong tumunog. Hindi na ako magtataka kung malaman man nila ang nangyari sa akin. Panigurado akong ipinaalam na ito ni Magnus sa kanila. 

"Son, where are you? Hindi ka pa ba uuwi?" I heard my mom's trembling tone. 

"Hindi pa ako pwedeng umuwi, Ma. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nasisigurong maayos ang lagay ni Chloe." Ayoko sa lahat na pinagaalala ang Mama ko. Kahit na minsan ay may hindi kami pagkakaunawaan.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon