Kabanata VIII

83 6 0
                                    

The Swift Kiss

Monica loses this time. Such a smart lady.

Agad akong dumistansya sa kanya nang makababa ako sa pagkakabuhat niya. Nakakatakot na makita niya ang aking mga luhang nagbabadya ng pumatak. Na kahit ang aking buhok ay hindi ito kayang takpan. Kinalma ko ang aking sarili para makapagpatuloy sa laro. Kahit gusto ko na lamang umupo at manood ay hindi ko magagawa dahil alam kong hindi ako papayagan. Paniguradong hihilahin lang ako pabalik dito.

Tumagal pa ang laro, kung sino-sino na ang bumuhat sa akin. At kapag napapadako ang aking tingin sa kanya ay para akong nahihigitan ng hininga. Those dagger eyes that used to linger on me. Tatlo na lamang kaming natitira. Ako, si Marco at isa pang babaeng hindi pamilyar sa akin. Nagsimula na kaming umikot kay Marco. Nakayuko lamang ako at naglalakad. Kahit hindi ako tumingin, nararamdaman ko ang mga tingin niya sa akin. Sinusundan ako. Napupuno na ng hiyawan at tuksuhan ang lugar.

"Ladies sayaw naman kayo!" Sabi ng MC.

"Ihinto na iyan!"

"Get it done girl!

"Huwag kang papatalo!"

"Sige lang! Tuloy mo lang!"

Mukhang narinig ng technical staff ang hinaing ng mga tao kaya huminto na ang tugtog at sa oras na iyon ay hindi ko na alam ang aking gagawin. Tumigil ako sa aking kinatatayuan at yumuko. Nakita ko sa gilid ng aking mata na lalapit na sana ang babae kay Marco ngunit tinaboy niya ito. Kumapit ang babae sa kanyang leeg ngunit kinalas niya iyon.

Sa isang iglap ako'y lumutang, sumabay ang aking katawan sa hangin at sa taong bumuhat sa akin. By instinct, agad kong pinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Kahit gulat ako sa nangyayari ay hinayaan ko siya.

Ten seconds starts ticking again. At kapag binibilang, lalong bumabagal.

Hindi ko na siya matingnan. Hindi ko na mapantayan ang mga titig niya. Bumaling ang aking mata sa aking mga kaibigan. Nagtipon ang mga ito sa tabi ng stage habang inaalalayan si Lauren. Hindi na maitago ang kanilang mapangasar na ngiti. Tila nagugustuhan pa ang nasasaksihan. Humigpit ang kanyang hawak sa likod ang aking mga tuhod.

"I probably gained so much weight," bulong ko. Hindi niya iyon pinansin. Hindi ko siya matingnan ng diretso.

"Pwede mo na akong ibaba kung nabibigatan ka, panalo na naman tayo." Mahinahon kong sinabi habang hindi ko pa din siya tinitingnan. Narinig ko ang kanyang marahas na paghinga na nagpabaling ng aking mga mata sa kanya. Umigting ang kanyang mga panga habang nakapirmi pa din sa akin ang kanyang mga mata.

"Fuck!" He whispered harshly. What did I do?

"You're showing too much skin," he said heavily. I feel like he's gritting his teeth from the way he said it. He's conservative, I gave him that.

Sa loob ng anim na taon, hindi ko narinig ang kanyang boses. At inaamin kong may nagbago na ngayon. Mas naging buo, makapal at puno ng awtoridad ang kanyang boses. Pinagtayuan ako ng mga balahibo sa aking katawan at nangilabot. Hearing him speak to me again is unbelievable. Planting pain to his heart six years ago seems nothing when he speaks. Ngayon ko lang naalala, masyado nga palang daring ang aking suot. Ang mahabang slit sa aking kanang binti, ang parihabang butas sa baba ng aking likod, at ang malayang pagbunyag ng aking mga balikat ang nagsasabing daring nga ito.

"5...4...3...2...1! Okay put her down." Parang wala siyang narinig sa sinabi ng MC. Imbis ay umigting lamang ang kanyang panga. Nagkatitigan kaming dalawa at nabuhay muli ang saya sa aking puso. Parang iyon na ang pinakamasarap na pakiramdam na maaari kong maramdaman ngayon.

"Mukhang nasisiyahan pa si Engineer ah! Ayaw ibaba ang bride niya." Napuno ng kantyaw ang loob ng gymnasium.

"Bride agad?" I said stuttering. Sa sinabing iyon ng MC ay ako na ang nagkusang magpumilit na bumaba. Pumiglas ako para mahirapan siya sa aming posisyon at wala na siyang nagawa kundi ang ibaba ako.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon