Kabanata XXIII

52 4 0
                                    

Five Minutes

"Marco! Kakasabi ko lang na sparring this Saturday. Hindi ko sinabing palitan ang partner!" Singhal ni Gus sa pinsan nitong si Marco.

"Ang layo naman ng saprring sa partner. Malaking difference!" Sigaw nito. Hindi man lang iyon pinagtutuunan ng pansin ni Marco. Sa akin lamang ito nakatingin at sinisipat ang buo kong katawan.

"You should wear something covered next time," He said. What?! I am covered! My boobs aren't showing. Ano bang sarili niyang kahulugan sa salitang covered?

"Hindi pa ba covered itong suot ko?" Sabi ko sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang nakitang bahagya pa itong nangingiti sa aking sinabi.

Inirapan ko siya at tumayo, dinampot ko ang boxing gloves. Wala akong mapapala kung makikipagtalo na naman ako sa kanya. Baka mamaya sumulpot dito si Dorothy at putulin na naman ang kaligayahan ko. Ayoko nang masanay. Hindi ko pa man iyon nahahawakan ay nakuha na niya. Hinablot niya ang aking palapulsuhan at isinuot dito ang gloves.

"I can do it myself!" May diin kong sinabi.

"I know," He said.

"You knew, then why are you doing this?" Singhal ko sa kanya.

"Because I want to, baby." Pumungay ang kanyang mga mata nang harapin niya ako. Tapos na siya sa paglalagay ng mga gloves sa aking kamay. Don't you ever fall, Chloe! Just don't!

"Co-Coach, let's do it again." Hinarap ko ang aking trainer at iniwan si Marco sa aking kinatatayuan kanina.

"With kicks naman?" Tanong nito sa akin.

"Anything, Coach." I said. Kung may kasama nang sipa ay kailangan ko nang magtanggal ng sapatos. "Do I need to remove my shoes?" I asked.

"Yes, of course." Sabi nito.

Umupo ako sa may gilid. Kung ganoon, ay kailangan ko din munang tanggaling ang aking gloves? Too much work! Bago ko pa matanggal ang gloves ay inaalis na ni Marco ang pagkakatali ng aking sintas. Dahan dahan niyang hinubad ang aking sapatos at inilagay niya pa ito sa tabi. Maging ang aking low cut socks ay hinubad nito at ipinasok sa loob ng aking sapatos.

"I know you can do this. But I insist. It will be too much work for you kung tatanggalin mo pa pati yang gloves mo." Pangunguna niya sa akin. Bumubuka ang aking bibig ngunit walang lumalabas na salita. Nakita kong naglalakad na palayo ng boxing ring ang pinsan nitong si Gus. Bakit hindi pa siya sumunod?

Pumwesto ito sa aking likod at sinikop ang aking katawan para mapatayo. Tumama ang aking likod sa kanyang dibdib. Pareho pa kaming pawisan kaya init ang aking naramdaman nang maglapit ang aming katawan. Pasimple pa niyang hinaplos ang aking mga braso na naghatid agad sa akin ng kiliti. Ang aking mga balahibo ay nagsitaasan nang daanan niya iyon ng haplos. Umiwas kaagad ako at lumayo. Pumunta na ako sa kinatatayuan ng aking trainer at hindi na siya nilingon.

"Just do as I say. Okay?" Tinanguan ko ang aking trainer at inayos na ang aking pagkakatayo. Pinaltan na niya ng wide pads ang kanyang hawak at iyon na ang aking susuntukin at sisipain.

Muling tumunog ang ang bell at nagsimula nang magkomando ang aking trainer. Madali ko namang nasundan ang kaniyang komando. Pamilyar ako sa iba't ibang klase ng sipa kaya nasusundan ko siya. Front, side, push and roundhouse kick ang mga klase ng sipa na kanyang pinagawa sa akin. Sinamahan ko iyon ng knee and elbow strikes dahil pinagawa niya rin iyon sa akin. Nang tiningnan ko ang orasan ay dalawang minuto na lang ang natitira. Tinodo ko na ang aking lakas sa pagsipa habang sinusundan lahat ng minamando ng aking trainer. Nasilip ko na may nanunuod na naman habang ginagawa namin iyon ni Coach. Nasulyapan ko din si Gus at Marco sa gilid na manghang mangha sa aking ginagawang moves sa pagsuntok at pagsipa.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon