Simula

235 15 0
                                    

"When will you come home?"

Narinig kong sinabi ni Isabella mula sa laptop ko. Magka-video call kami ngayon habang nag-iimpake ako ng aking mga damit at iba pang gamit na dadalhin ko sa Pilipinas.

Halos anim na taon akong nanatili dito sa Norway para magpatuloy ng aking pag-aaral. I have faced struggles everyday, communicating, learning, and even going home. The place was huge but later on I got used to it.

Si Tita Mercy, kapatid ni Mommy ang residente sa bansang Norway. Nakapangasawa ito ng isang mabait at komportable sa buhay na Nordic ngunit maaga rin itong nabiyuda dahil may sakit ang kanyang asawa. Lahat ng yaman at ari-arian nito ay nalipat sa kanyang pangalan sa kadahilanang wala na itong ibang pamilya.

Dinala niya ako rito para pag-aralin ng medisina sa isang eksklusibong unibersidad dahil iyon ang gusto kong ipagpatuloy na kurso. Tapos na ang aking internship at residency, pati ang fellowship sa ospital na aking pinagsanayan. Hindi ko plano na magtagal doon dahil gusto kong sa Pilipinas na lamang magpatuloy at magtrabaho.

May balak pa talaga akong umuwi. Kay tagal ko nang hindi nakikita ang Pilipinas. Marami na kaya ang nagbago?

"Will you make it at the reunion party?" Tanong sa akin ni Isabella.

Ito ang totong dahilan kung bakit makakauwi ako sa Pilipinas. Sa pamimilit ng aking mga kaibigan na dumalo sa naturing kasiyahan ay napapayag na rin ako. Sa aking masikip na iskedyul ay nagkaroon sila ng dahilan para pauwiin ako, nahihiya pa ako na magsabi kay Tita noon dahil palagi itong busy. Nais ko na rin namang masilayan muli ang aking kinagisnan at ang aking mga kaibigan.

Sa anim na taon kong pagtigil dito ay tanging sa video call at chats lang kami nagkakaroon ng kominukasyon. At kung papalarin ay group call pa nga ang aming gagawin para lamang magka-usap kaming lahat. Pare-pareho na kaming busy sa iba't ibang larangan kaya minsanan lamang ang aming pangangamusta sa bawat isa.

"Siguro, hindi ko pa alam. Depende kung mapapa-aga ang flight ko." Sagot ko habang nakatutuok sa screen.

Nasulyapan kong biglang sumimangot ang mukha ng aking kaibigan. Kahit na may asawa na ito, hindi pa rin nawawala ang freshness ng kanyang mukha. Akala ko pa naman ay hindi siya magpapakasal, iyon naman pala ay planado na.

Iba rin pala gumalaw si Oliver. Mabilis, palihim man, ngunit nakatitiyak na sigurado.

"Ibig bang sabihin ay hindi ka pa nakapagpabook ng ticket mo pauwi? My goodness!Apat na araw na lang, reunion na! At hinid ka pa nagpapabook?" Bulalas nito sa kabilang screen. Umupo sa tabi ni Isabella si Oliver, ang kanyang asawa. Mukhang masaya ang naging pagsasama ng dalawa dahil kita naman iyon sa kanilang mga mata.

Apat na taon na silang kasal pero hindi ko pa nakikitang may anak na sila o nababalitaan man lang na buntis ito, iyon ay dahil ayaw pa ng aking kaibigan. Kumaway sa akin si Oliver at kumaway din ako pabalik. We're not really that close before, saka lamang kami nakakapag-usap kapag kasama siya ni Marco. They were friends with him back then, even now.

"I told you that I'm busy. Tinutulungan ko si Tita sa negosyo nila." Ani ko.

Kasisimula pa lamang ng kumpanyang itinaguyod ni Tita Mercy gamit ang pera ng kanyang namayapang asawa. Ayon ito sa kahilingan ng kanyang asawa. Tumutulong ako sa pagpo-promote nito at pagpapalago pa lalo ng negosyo.Nag-expand na rin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga lupain para tayuan ng mga subdivisions at hotels. Balak nila itong gawing international estate. Magtatayo rin sila sa iba't ibang bansa para mas makilala pa sila. Isa itong corporation company at si Tita Mercy ay may pinakamalaking shares sa kumpanya. Sa pagtagal ng panahon ay sa paglago pa lalo nito.

"Excuse me, Chloe Scarlet! Anong alam mo sa mga estate na iyan gayung medisina ang tinapos mo?" Singhal nito. Nakataas ang kanang kilay nito habang mapaglarong mga mata ang nakatingin sa akin.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon