Kabanata XXXVIII

30 3 0
                                    

The Suspicious Man



"Lauren, Honey, kaunting tiis na lang ha. Kaunti na lang." Inaalo ni Gus ang asawa nitong hindi na maipinta ang mukha sa sakit na nararamdaman. Nagtipon kami dito sa emergency room ng hospital para magbantay kay Lauren.

"Isabella, hindi pa ba siya pwedeng maglabor? Nahihirapan na ang asawa ko!" Hindi na din mapakali si Gus sa kung ano ang pwede niyang gawin para maalis ang sakit na nararamdaman ni Lauren.

"I'm sorry, Gus. May dapat kaming sunding sukat para mapadali ang labor ni Lauren." Pagpapaliwanag ni Isabella. Nakapagpalit na siya ng scrub suit ng hospital dahil naghihintay din siya sa panganganak ng kanyang pasyente.

"Sorry, Lauren. I have nothing to do." Hinalikan ni Gus ang pisngi ng kanyang asawa. Hinahaplos nilang dalawa ang tiyan ni Lauren habang nakataklob ang nakabukaka nitong mga binti.

I have so much respect for the women who overcome this kind of struggle. Hindi madaling magdala ng sanggol sa loob ng sinapupunan sa halos mahigit siyam na buwan. Hindi madaling magpalaki ng anak na may takot sa Diyos at may respeto sa kapwa. I admire those women who stays happy even though they're not.

"Dra. Bustamante, handa na po ang OR." Deklara ng trainee ni Isabella.

"Okay. Dalhin nyo na siya dun." Utos niya. Umalis na siya sa ER kasama ang ilang nurse na makakatulong niya sa pagpapaanak kay Lauren.

Sinamahan namin si Gus na ihatid ang asawa hanggang sa labas ng OR ngunit nagpupumilit si Gus na samahan ang asawa. He want to stay by her wife's side until the baby come out. Pinayagan naman siya ng department kaya sumama na siya sa loob. Trenta minutos na ang nakalipas nang ipasok si Lauren sa OR. Nagkalat kami ngayon sa labas ng Operating Room at naghihintay sa paglabas ni Isabella. We were all worried for Lauren and her baby.

"Will she be alright?" Tanong sa akin ni Bethany habang hinihimas ang lumalaki na din niyang tiyan.

"She will," Sagot ko. Iniisip niya siguro na maaaring mangyari din ito sa kanya. Matagal pa siya manganganak pero pakiramdam ko kinakabahan na siya.

Napatingin kaming lahat sa glass door ng OR nang bumukas iyon. Isabella, on her scrub suit approach us as he remove the surgical mask on her face. Kasama niyang lumabas si Gus na nasa likod niya habang mamasa masa ang pisngi.

"How is she?" Tanong ko kay Isabella nang makalapit siya sa akin. Nagaalala ako dahil nakita kong umiiyak pa din si Gus.

"She's fine. The baby was healthy. Over reacting lang talaga si Gus." Sagot nito. Agad na gumaan ang aking loob nang malamang maayos si Lauren at ang bata. She pat Gus' shoulder at pinapatahan ito.

"Huwag kang OA Gus! Okay ang magina mo!" Hinampas ni Bethany ang tiyan ni Gus kaya napatingin iyon sa kanya.

"I'm just happy. I happened to saw my baby. Narinig ko ang unang pag iyak niya! She's so small!" Ani Gus. Tinanggal niya ang kanyang hairnet habang nanghihinang umupo sa stainless bench.

Hindi natin maiintindihan ang kaligayahang nararamdaman ng isang magulang kung hindi natin mararanasan ang naranasan nila. Gus was happy and at the same time, overwhelmed. Nakita niya ang pagsilang ng kanyang anak, nanatili siya sa tabi ni Lauren habang halos hindi nito matanggap ang paghihirap na nararanasan ng kanyang asawa. He's a brave man.

"I want to see them again," Hinarap niya si Isabella para sabihing gusto niyang makita ang kanyang magina.

"In a couple of minutes, ililipat na namin si Lauren sa private room. But for now, mananatili muna siya sa recovery room at ang bata ay sa nursery." Sabi ni Isabella.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon