Kabanata XL

31 3 0
                                    

Last Touch


"Ma'am, ilarawan nyo po sa akin kung ano ang itsura ni Napoleon Ardente." Nasa aking harapan ang sketcher na tinutukoy ng security department para tumulong sa mga ito na makilala ang kriminal. Tumango ako sa kanya tanda ng pagsang ayon sa kanyang sinabi.

Habang naglalarawan ako, sumasagi sa isip ko ang mga napagdaanan ko sa kamay ng kriminal na iyon. Kumakabog ang dibdib ko sa bawat pagsasabi ng mga katangian ni Ardente. Natatakot pa din ako hanggang ngayon. Kahit wala siya dito ay nanginginig pa din ang mga kalamnan ko. Natrauma nga siguro ako pero hindi naman malala. Nakakausap pa din ako ngunit hindi ko lang talaga matanggal ang pagaalala sa kaligtasan ko habang hindi pa nakukulong ang Ardente na iyon. Habang pagala gala siya sa labas, habang hindi ko siya nakikita sa likod ng mga rehas, hindi ako matatahimik. Hindi ko hahayaan na mandamay pa siya ng ibang tao lalong lalo na si Marco. I have to protect all of them by cooperating to the police.

Ang insidenteng ito ay nananatiling sikreto. Hiniling ko iyon dahil ayokong magpanic at matakot ang mga nandito sa hospital. Ako, si Rodrigo, ang department head ng Neurosurgery at ang security department lamang ang nakakaalam sa kasong ito.

"May pahabang peklat ang kanyang kaliwang pisngi. Sa tantya ko ang ay pitong sentimetro ang haba niyon." Iyon ang pinakatanda kong traits ng mukha ni Ardente. Ako man ang may gawa niyon ay para lamang makatakas ako. Self defense lang ang nagawa ko at hindi ko naman sinasadya iyon.

"Ito na ba si Napoleon Ardente?" Hinarap niya sa akin ang kanyang sketch pad. Napatulala ako sa kanyang iginuhit. Kuhang kuha niya lahat ng mga sinasabi ko at maging ang peklat sa kaliwang pisngi ay naging totoo. Kung kukulayan pa ito ay parang si Ardente na ang kaharap ko.

"Siya nga," Sambit ko. Namumuo ang galit ko sa taong naglapastangan sa pagkatao ko. Hindi man niya iyon natuloy pero nahawakan niya pa din ako.

Sisiguraduhin ko na magbabayad siya sa mga kasalanan niya. Alam kong hindi lang ako ang naging biktima niya, madami pa, at hindi ko bibiguin ang mga ito. Hahanapin ko ang hustisya para sa kanila at para sa sarili ko. Hindi ko hahayaan na makapaminsala pa siya ng ibang tao, dito sa hospital at sa labas.

"Ilang araw na ako dito pero ngayon mo lang ako dinalaw," Nakasimangot si Lauren nang bumisita ako sa kanyang kwarto kinabukasan. Nasa mga braso niya ang kanyang anak at maingat niya itong hinehele.

"Busy akong doktor, Lauren." Nakangisi kong sabi. Nilapitan ko silang magina habang hindi tinatanggal ang titig ko sa sanggol. Natutulog ito sa bisig ng kanyang ina habang balot na balot ng lampin. Hinahaplos naman ni Lauren ang mukha ng kanyang anak habang nakangiti ito.

"What's her name?" Tanong ko. Patuloy siya sa paghaplos sa maliit na mukha ng kanyang anak. Nakikita ko ang labis na kasiyahan sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang sanggol.

"Amoriette Anavita," Sambit nito. Hindi niya ako tinitingnan dahil sa iba nakapokus ang kanyang atensyon. Tila sinasaulo ang bawat detalye ng mukha ng kanyang anak. Napangiti ako. What a beautiful name for a beautiful creature.

The best feeling for a woman is to be a mother. Nakikita ko kay Lauren ang hindi ko mailarawang kasiyahan. Ang sanggol na dala dala niya ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan ay hawak na niya ngayon. Pinagmamasdan, kinakantahan at pinaparamdam ng pagmamahal.

"I've never been this happy, Chloe. I find my life a purpose." Nilingon niya ang aking direksyon. May luha ang kanyang mga mata ngunit hindi iyon basta luha. Luha ng kaligayahan ang nakikita kong nilalabas ng kanyang mga mata.

"I'm happy for you too, and for Riette." Pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang aking magkabilang hinlalaki.

"Riette?" Tanong niya. Napangiti ako nang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon