Kabanata XXXVI

32 4 0
                                    

She Came



Ilang gabi akong hindi pinatulog ng boses ni Chloe. It's still bothering me kahit alam kong hindi naman dapat.

"Where are you going?" Tanong ni Dorothy. Pagdating ko kanina sa condo ay naghihintay siya sa may lobby.

"Uuwi sa Batangas," Sagot ko. Pagkapasok sa aking kwarto ay agad kong kinuha ang aking maleta. Nilagay sa loob nito ang mga damit at ilang gamit na aking kailangan.

I will be needing Dorothy's help this time. Gusto kong makita ni Chloe si Dorothy as my date sa homecoming na magaganap sa dati kong paaralan. I want to see how she will react if I'm with someone. I want to know her opinion about my new life. Ayokong naririnig ko lang. Gusto ko malaman iyon na siya mismo ang aking kaharap.

"Is she gonna be there?" Tanong sa akin ni Dorothy. Sinama ko sa pauwi sa Batangas. We're a bit late nang makarating kami sa school but that's totally fine. She will be my date for tonight.

"Dito siya pumasok noon, hindi imposible na nandito siya," Sagot ko. Bumaba ako ng sasakyan at umikot para pagbuksan siya ng pinto. She looks stunning tonight, pero hindi ko lang talaga maramdaman sa kanya ang nararamdaman ko kay Chloe. She's fine and kind. Iyong tipong papangarapin din ng mga lalaki. Pero hindi ko lang talaga siya tipo.

The school stays the same. Kahit madami na ang naidagdag na rooms at ibang disenyo. Ang rebulto ni Jose Rizal malapit sa parking lot ay matibay pa ding nakatayo. Ang mga pine trees sa gilid ng pathway ay may mga benches na. Ang science park ay mas pinalawak at mas dumami pa ang mga bulaklak. Balot na balot ang gymnasium nang iyon ay aking makita. May mga barricade ang mga gilid upang magsilbing harang.

"Your school is pretty majestic," Narinig kong sinabi ni Dorothy. Nakapirmi ang kanyang kamay sa aking braso habang ginagala ang paningin sa paligid.

Naririnig ko nang nagsasalita ang mga masters of ceremony hudyat na nagsimula na ang kasiyahan. Nang nasa tapat na kami ng entrance ay tumapat sa amin ang spotlight. Iginala ko ang aking mga mata sa buong venue. Black at white ang pinaka tema ng event na ito at iyon lang din ang mga kulay na nakikita ko sa mga paligid. Maganda ang pagkakadisenyo ng lugar at sinamahan iyon ng iba pang materyal para makadagdag sa elegante nitong tema.

"Of course, let's not forget. Ladies and gentlemen, Mr. Marco Gomez!" Pagpapakilala sa akin ng MC nang naglalakad na kami sa gitna.

"And he's with Ms. Dorothy Salazar," Dorothy smiled at humigpit ang kanyang hawak sa aking braso. Hindi siya pamilyar sa mga taong nandito that's why she feels awkward.

Dorothy and I are one of the sponsors of this event. Our batch president message me about this event months ago and he sincerely asks for my financial support. Ipinaalam ko iyon kay Dorothy and she's willing to give whatever she can.

Nadako ang aking tingin sa unahang bilugang lamesa malapit sa entablado. Kumaway sa akin ang mga nakaupo duon maliban sa isa. There was Chloe, looking shocked while holding a spoon. I let out a smirk and wave back to them. Inalalayan kong makaupo si Dorothy saka ko siya tinabihan.

"She's looking at us," Dorothy declared. Dumako ang aking tingin ko kay Chloe at agad naman siyang umiwas.

"Chloe? Are you okay?" I heard Lauren exclaimed. Malapit lamang sila sa akin kaya rinig ko ang sigaw ni Lauren. Natapunan ng soup si Chloe sa kanyang mga hita at pinupunasan niya ito. Tinutulungan siya ni Lauren sa pagpupunas habang nagpadala pa si Chloe sa waiter ng tissue. Tumayo siya dala ang tissue at walang lingong lumabas ng gym.

Nakatingin ako sa may exit kahit ilang segundo nang nakalabas duon si Chloe. I still have that effect on her. Mukhang mapapadali ang mga plano ko. I glanced at Lauren at nagtataka ako kung bakit nandito siya. Didn't she know that she's pregnant with my fucking cousin's child?

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon