Kabanata XXXI

40 5 0
                                    

Hurtful Resemblance

"My boyfriend," I said stuttering. Naalala ko lang ang sinabi niya na hindi naman talaga kami nagsplit. He just gave me space for me to think. Kaya I'm pretty sure of my answer to his bothering question.

Seconds before he finally moves. Sinakop niya pang lalo ang espasyong natitira sa aking tagiliran. Making me stiff suddenly at his action. Napatuwid ako sa aking pagkakatayo nang maramdaman ko ang kanyang dibdib na nakalapat sa aking likod. My upperback's bare because of the dress I'm wearing. Para akong nakuryente sa pinakamataas na boltahe. Nuot sa aking kaluluwa ang electrisidad na hatid niya sa akin.

"One day, I have to change that boyfriend to husband." He breathes. Maging ang hininga niya sa aking batok ay sobra ang epekto sa akin.

"Huwag kang magmadali," I said. Nang makabawi, ipinagpatuloy ko ang paglilipat ng mga pagkain niyang dala sa mga plato habang siya ay nasa likod ko. Almost hugging me.

"I gave you enough time. Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa sigurado?" Nahihimigan ko ang lungkot sa kanyang tono. Who doesn't like that? Ang makasal ka sa taong mahal mo. Pero hindi pa pwede. Not until everything's fine.

"Hindi pa," Tipid kong sagot. Tinampal ko ang kamay niyang namamahinga sa aking gilid para makaalis ako duon. Kumuha ako ng mga kubyertos at platong kakainan namin. Pagkaharap ko ay mapanganib na mga mata ang agad na sumalubong sa akin.

"Bakit hindi pa?" Matigas ang pagkakasambit ng mga salita. Kapag ganito ay alam ko na.

"Kasi hindi pa ayos ang lahat," Sambit ko. Inilatag ko ang plato sa lamesa sunod ang mga kubyertos. Hinila ko ang isang upuan sa four seated table at duon umupo. Hinintay kong umupo siya sa aking harap bago ako nagsalin ng kanin sa aking plato. Sa bawat galaw ko ay hindi ko siya tinitingnan, takot na muli kong makita ang mapanganib niyang mga mata. Kapag ganoon, hindi niya nagustuhan ang ginawa o sinabi ko.

"Magpapakasal tayo habang inaayos ko ang lahat. Ano ba ang kaibahan niyon?" Tanong niya.

"Kumain na lang tayo," Pagiiba ko sa usapan. Kapag pinag uusapan namin ang tungkol dito ay wala akong masabi. Hindi ko alam kung papayag na ba ako o hindi. Malaking sugal na itong ginagawa ko habang alam ng iba na ikakasal siya sa iba. Ang ganoong ideya ay halos pumapatay sa aking kaluluwa, ngunit sumugal pa din ako. Dahil gusto kong sumaya. Pero ang kasal? Siguro hindi muna.

Nakikita ko ang pagkakaiba ko noon at ngayon. Kung noon ay napapaniwala ako ni daddy sa mga kwento niyang malafairy tale, pero ngayon hindi na. I've grown. At iba na ang pagkakaintindi ko sa mundo. The world if full of cruel and selfish people. And I chose not to. Mas pinili kong magpakatotoo at ibigay ang aking serbisyo sa mga tao. Dalawang buwan na simula ng maging doktor ako dito sa Pilipinas. Kahit sa Norway ako nag oath taking, ay dito ko tutuparin ang aking pangako.

Iba't ibang klase ng bata ang aking naging pasyente. I treat tumors and other brain and neurological disorder for children.

"Doktora, next patient na po?" Tanong sa akin ng personal nurse na assigned ng hospital. Tinunghay ko ang aking tingin kay Lexie bago tumango. Sa dalawang buwan ko dito sa hospital dalawang routine lang ang pinagpapalit palit ko. Sa umaga hanggang tanghali ay clinic hours ko at sa hapon hanggang gabi ay surgery hours naman. Maalin sa umaga o gabi bago ako umuwi ay nagrarounds ako. Kinakamusta ang aking mga pasyente na nakaadmit dito sa hospital.

"Doktora magandang umaga po," Bati sa akin ng ginang na may kasamang batang lalaki.

Ngumiti ako sa kanya at sa bata "Magandang umaga din po," Sambit ko. Sinarado ni Lexie ang pintuan at pinaupo sa aking harapan ang ginang at anak nito bago siya naupo malapit sa aking table.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon