Kabanata XLI

32 3 0
                                    

The Connection



Marco is giving me a hard time. Kapag hindi siya mahanap, sa akin siya ipapahanap ng mga magulag niya. Kung saan saan ko na siya hinanap. Nagpunta akong condo niya peo wala siya, lock ang pintuan. Nagpunta din ako sa building ngunit sarado na iyon. Wala nang security sa baba kaya wala na siya dito. And God! It's almost twelve in the morning. Ilang beses ko na din siyang tinawagan pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko.

Last chance ko na ito. Kung hindi ko siya mahahanap ngayong gabi ay uuwi na ako. Ipapahanap ko na lang siya sa bodyguad ko dahil pagod na din ako. Hinanap ko sa aking contacts si Wilder. Kilala ko siya dahil kaibigan siya ni Marco. Naabutan ko silang naguusap sa opisina ni Marco kaya naipakilala siya sa akin.

"Wilder," Thank god! Sinagot din.

"Oh Dory, napatawag ka?" Tanong niya. Naririnig ko ang maingay na tugtog ng musika.

"Saan ka pupunta? Did you see Marco?" Nagbabakasakali ako na baka alam niya kung nasaan ang lalaking iyon. At hindi ko din naman kayang pabayaan na lamang siya. Lately kasi palagi siyang lasing. Minsan ay naaabutan ko siya sa mga bars o kaya naman ay kapag pupuntahan ko siya sa condo niya ay hindi na makadiretso ng kwarto dahil sa sahig na natutulog.

"Magkikita kami ngayon. Sa usual bar na pinupuntahan niya."Pagkasabi niya ng bar ay binaba ko na ang tawag. May hinuha na akong sa bar nga siya nagtungo pero hindi ko alam kung saang bar. Sa dami ng restobar dito sa Maynila ay ewan ko na lang kung saan siya hahanapin.

I drove my car to street where the bar should be located. At tama nga si Wilder, dahil nandito ang kanyang sasakyan. Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang mga nagwawalang tao habang sumasayaw sa hindi ko malamang dance form. Sinuyod ko ang buong kwarto para hanapin ang kinaroroonan ni Marco.

"Dorothy! Here!" Napalingon ako sa tumpukan ng mga babae na tumatawag sa akin. Kumakaway sila sa akin at niyayayang magpunta sa kanilang bilog. I need to find Marco, hindi ako pwedeng magpadistract sa kahit na sino ngayong may misyon ako.

"I'm sorry," I mouthed to them. Sinuyod kong muli ang buong kwarto para mahanap si Marco. Tinatabunan ako ng mga taong nagsasayaw kaya hindi ko makita ang kabuuan nito. Umakyat ako sa taas para duon ko masuyod ang lugar mula sa baba. Hawak ang barandilya ay naglilikot ang aking mga mata para hanapin ang kinaroroonan niya. Nang makita ko na siya ay sandali ko siyang pinagmasdan. Pero parang seryoso ang paguusap nilang magkakaibigan. Hawak ni Oliver ang kanyang panga habang pinipigilan naman ni Wilder si Marco dahil susugod ito. Hinintay ko munang umalis si Oliver bago ako bumaba at magpunta kung saan sila nakaupo.

"I was calling you all the time," Bungad ko sa kanya kaya natigil siya sa pagtawa. Binati pa ako ni Wilder pero hindi ko na iyon pinansin. Nakatuon lamang ang buong atensyon ko kay Marco. How can he let himself be this reckless?

"Ganito na lang ba lagi ang gagawin mo? Get a grip, Marco!" Naiinis ako sa kanya. Nagagalit ako sa kanya. Kaya lang naman siya nagkakaganito kapag naaalala niya ang ex-girlfriend niyang iniwan siya.

"Stop the preaching, please. I've had enough." He hisses. You've have enough? Then, why are you still like this? Nagmumukha kang kawawa!

"Kung ayaw mo ng nasasabihan. Umayos ka!" Tumataas pang lalo ang aking tono hindi dahil sa malakas na ugong ng tugtog, kundi dahil nakakainis na siya. Ayaw kong nakikita siyang ganito. I want him to be happy. I want to see his smile always. Pero kapag ganito siya, dalawa lang ang nararamdaman ko. Naaawa o kaya ay naiinis.

"You have no rights to yell at me," Yeah, I know that.

"Get up," Lumapit ako sa kanya at inagaw ang basong sinalinan niya ng alak. Enough for the drinking now. Hinila ko siya para mapatayo. Sa bigat ni Marco, hindi ko alam kung paano ko siya mailalabas dito. Nagtawag ako ng isang bouncer ng bar para tulungan nya akong maisakay sa aking sasakyan si Marco. Itinawag ko na din sa aming driver ang tungkol sa kotse ni Marco. Ipinahatid ko na din iyon sa parking lot ng condo niya.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon