Kabanata XXXVII

39 5 0
                                    

Baby Shower



I live because I have a purpose. Hindi ako basta humihinga, basta kumikilos at basta nagsasalita. Lahat ng gawin ko, kailangan dapat may purpose.

Nang makauwi ako sa condo ay wala akong ibang gustong gawin kundi ang magkubli sa malamig kong kwarto. I never thought of holding grudges to anyone. Ako lang din naman ang hindi matahimik kapag nagtanim ako ng galit sa ibang tao. But why it has to be me? Ano bang nagawa ko?

The cold sheet of my bed tells me that I'm alone. I'm fine alone. All along. Pero masarap din sa pakiramdam ang may kasama ka. You have company to be with. Lumandas sa aking pisngi ang mainit na luha mula sa aking mga mata. Why do I have to suffer like this? I just want to be love. I reach for my phone and dial my aunt's number.

"Hello, Chloe? How's work?" Kumawala ang aking hikbi nang marinig ko ang boses ni Tita. That reminds of Mommy. I can still remember my mother's voice. She used to sung lullaby songs for me to sleep. Si Tita Mercy ang tumayong magulang ko sa mahigit ilang taon. Siya ang naging katuwang ni Daddy sa pagpapaaral sa akin.

"Everything's fine, Tita." Garalgal ang aking boses at hindi ako makahanap ng tamang mga salita.

"Why do you call?" Naririnig ko sa background ang tunog ng mga papel at ilang salitaan ng mga tao. She's busy and I call just to asks some questions that keeps bugging in my head.

"I'm just checking on you, Tita." Hinaplos ko ang aking unan habang yakap yakap ito. Kung may buhay lang ito, siya ang makakasama ko ngayon. I don't have to interrupt someone just to have some company.

"You never forget about me, Chloe. I'm glad." I heard her chuckle on the other line. Kapatid ni Tita si Mommy, at kung tatanungin ko siya sa nangyari noon, baka naman may maisagot siya sa akin.

"Tita, I want to ask something." I said straight forwardly. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili.

"What is it? Is it important? You know, Tita's busy." She said. Hinintay ko siyang matapos sa pakikipag usap sa kanyang secretary bago ako magtanong.

"What happened with Mommy and Mr. Martin Gomez?" Sinigurado kong wala na siyang ibang kausap kundi ako lang. Narinig ko ang mabigat nyang buntong hininga sa tanong ko.

"Did you met Thalia?" She asked. Tinutukoy niya ang pangalan ng ina ni Marco. Ever since I met Marco, I made sure that I introduce him well to my family.

"Just a while ago. She mentioned about my mother." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. I want to know everything. Gusto kong malaman kung bakit galit na galit si Mrs. Thalia Gomez sa Mommy ko. And Tita will be my way to know the truth.

"She's gone mad just by seeing you?" Tanong niya. Pinilit kong huwag kumawala ang hikbi sa aking bibig.

"Please, Tita." I pleaded. I heard her sigh again tanda ng pagsuko.

"Martin and I were classmates in college. Were close friends back then dahil naging kaklase ko din siya noong grade four." Umayos ako ng upo sa aking kama at yapos yapos ang aking unan. Taimtim akong nakikinig sa kwento ni Tita tungkol kay Mommy. Unti unti ko nang nauunawaan ang lahat.

"I introduced Carmina to Martin but I didn't know na magkakilala na pala sila. They were in a relationship nang ipakilala ko sila sa isa't isa. Martin said that he's hiding Carmina to the public because of his family." Pagpapatuloy niya. I got more curious nang unti unti ko nang napapagtagpi ang lahat.

"Bakit kailangang itago ni Sir Martin si Mommy?" Hindi ko na napigilan ang magtanong.

"Martin's family were really fund of fixed marriage. Ginagawa nila iyon para mapalaki ang firm ng kanilang negosyo." Just like today. Hanggang ngayon ang buhay pa din ang tradisyong iyan sa pamilya ni Marco.

Reaching the Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon