"Bii, okay ka lang ba?" hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Daniel. Hindi kasi ako agad nakabalik sa kung saan niya ako hinihintay.
"Oo naman bey no," ngumiti ako, "bakit mo naman natanong? Mukha ba akong di okay?" I faked a laugh. Ito lang naman ang magagawa ko e.
Ang magkunwaring masaya.
"Sabi mo kasi may itetext ka lang e di ka na bumalik." tumahimik ako, "May problema ka ba?" umiling ako, "Then why do you look so... sad?"
Ngumiti ako ng malawak, "Eto ba ang malungkot?" ngumiti ulit ako, "Di naman ah! Ang saya ko o!" kinurot niya yung cheeks ko. Pero mahina lang naman.
"Lika na nga. Uwi na tayo. Maggagabi na din o." tumango ako, "Sakay na."
Sumakay na ako sa sasakyan niya at pagkatapos ay sinarado niya ang pinto. Sumunod naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan at nagmaneho na pabalik ng bahay.
Kanina pa siya nakaalis at kanina pa din ako nakahiga sa kama ko. Hindi ako makatulog. Kanina pa gumugulo sa isipan ko yung tanong na...
Papano kung bumalik nga siya?
Pero, sino nga ba siya? Siya lang naman ang taong nagpatibok sa puso ni Daniel habang wala ako. Oo, may niligawan siya bago ako. At alam kong sobra siyang nasaktan nung nabasted siya nito.
Pero alam ko ding nagsisi siyang binasted niya si Daniel.
At alam ko ding babalikan niya si Daniel. Hindi ko nga alam kung kailan siya babalik... at babawiin si Daniel sa akin.
***
Hmm.. Bumalikwas ako at niyakap ang unan na nasa tabi ko. Ang bango naman nito!
Niyakap ko ito ng mahigpit. Ang bango talaga!
"Abusado ka talaga no?" agad akong napadilat ng mata, "Good morning bii."
"Ano na namang ginagawa mo dito?!" lokong to. May balak atang angkinin ang kwarto ko.
"As usual," he winked, "to love you." he kissed me on the cheek.
"Bakit? Hindi mo ba ako kayang mahalin kapag di tayo magkasama?" I slightly smiled.
Siguro siya pa rin talaga.
"Ito namang baby ko o." niyakap niya ako.
Hindi niya masagot, bakit ganun?
Kumalas ako sa yakap niya, "Ligo na ako."
Tumalikod ako at pumunta na sa sarili kong banyo. Pero imbes na maligo ako agad, napaupo na lang ako.
Ang sakit pala kapag di mo nakuha yung sagot sa tanong mo.
Nagsimula na namang tumulo yung luha ko.
Matapos kong makaligo, lumabas na ako ng banyo. Tulad ng inaasahan ko, wala na siya.
Matapos kong makapag ayos ay bumaba ako. Pero tulad ng kanina, wala na din siya.
Ang sakit pala no? Kahit alam mo na ang mangyayari, kahit gaano ka kahanda.. masakit pa din pag nangyari na.
"Anak, pinapasabi pala ni Daniel pumunta ka daw sa dating lugar at dating oras." bungad sa akin ni mama. Tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
His Forever
Fanfiction[Book 2 of Fangirl] "Try to steal what's mine. And I promise, you'll get the chance to feel what is like to live in hell." - Kathryn Bernardo