8: Tired of Crying

3.7K 84 1
                                    

"Mukha ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa ah. Ano na namang problema mo?" bungad sa akin ni Krane. Siya kasi yung nagbukas ng pinto para sa akin eh. Mukhang talagang hinintay niyang dumating ako. 

I put all my effort just to smile. "Oo naman no! Ganito lang talaga mukha ko. Di na mababago yan." like I always do, I laughed.

Pero mukha ngang kambal kaming dalawa, "Magsinungaling ka sa taong ngayon ngayon mo lang nakasama. Alam mong alam kong di ka nag sasabi ng totoo." kumunot yung noo niya at hinila ako paakyat sa kwarto ko, "Umamin ka nga, ano na namang nangyari ngayon?" 

Umiling ako, "Wala nga kambal. Wag mo naman akong kulitin ng kulitin o. Pagod ako eh. Baka magkasakitan lang tayo ng loob eh." ayaw ko namang pati siya eh mawala pa sa akin.

"Halika nga dito." umupo siya sa kama ko kaya tumabi naman ako sa kanya, "Kung inaakala mong sa simpleng tampuhan lang eh iiwan kita, pwes, nagkakamali ka." inilagay niya yung ulo ko sa balikat niya, "Osya, magpahinga ka na nga lang at tatanggapin ko yang palusot mong pagod ka lang. Basta bukas, siguraduhin mong wag ka nang iiyak ha?" 

Tumayo na siya sa pagkakaupo at umayos naman na ako ng higa sa kama ko. Kinumutan niya ako at nag lakad na palabas ng pinto, pero bago yun ay pinatay na muna niya yung ilaw ng kwarto ko.

"Good night Kathryn." nginitian ko lang siya at nag good night din.

Matapos ay tuluyan na siyang lumabas ng pinto ng kwarto ko.

Naalala ko na naman yung mga pangyayari kanina... bago ako tuluyang maka layo sa kanya -- Julia.

*FLASHBACK 

"Kath... sorry." dahil sa isang simpleng sorry na yun... napahinto ulit ako.

"Sana nga sa isang sorry mong yan, mabubura lahat ng sakit." tumigil ako at pinigilang wag tumulo ang luha ko, "Pero hindi eh. Ang masakit pa dun, bestfriend kita. Bestfriend ko ang trumaydor sa akin. Yun... yun ang mahirap tanggapin." 

Tuluyan na akong umalis. Hindi ko na talaga kakayanin pang tumayo doon ng parang wala lang sa akin ang lahat.

END OF FLASHBACK* 

Hindi na ako makatulog. Kainis! Bwisit talaga! Ang hirap maging brokenhearted! Bwisit! Bwisit kang puso ka!

Please naman tumigil ka ng tumibok para sa kanya o. 

Tumayo ako at napag desisyonang mag stay na lang muna sa garden. Siguro dun, mapapanatag ako. Siyempre, fresh air ang nalalanghap ko. Baka naman umayos tong pakiramdam ko kahit papano.

KRANE'S POV: 

Naaawa ako kay Kath. Sobra na kasi yung paghihirap niya eh. Una yung kay Francesca na kapatid niya, tapos ngayon yung sa bestfriend niyang si Julia. Nakaka awa lang kasi. Parang sobra na eh.

Naalala ko tuloy yung nasa New York kami nun. Yung mga panahong hindi pa kami close, na ni mag usap eh hindi namin magawa.

Ang una naming pagkikita eh nung lumabas siya ng girl's comfort room na pulang pula yung mata. Para siyang naka drugs na ewan.

But she's still cute. 

Oo, naging crush ko siya nun. Pero pinilit kong pigilan yun, lalo na nung naging magkaibigan kami. Dahil ayaw kong masira yung pagkakaibigan namin.

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon