Ngumiti ako at sumagot, “Hindi ate Yen.” I said while looking straight to her eyes. “I can’t love anymore.” I smiled painfully.
Kalian kaya mawawala ang sakit na nararamdaman ko?
“Bakit naman? Kusang tumitibok ang puso, tandaan mo yan. Kahit kanino, pwedeng tumibok yan. Di mapipigilan.” Ngumiti siya sa akin.
“Yun na nga ate eh. Hindi mapipigilan ang puso. Kaya nga mahal pa din nitong tangang to yung gagong yun eh.” Tinuro ko ang dibdib ko kung saan nandoon ang puso ko, “Ang tanga ko lang ate no? Hindi na natuto to.” Diniinan ko yung hintuturo ko sa dibdib ko. “Pagod na ako ate.” Pati nga ata mata ko, pagod ng mag palabas ng mga luha.
Niyakap niya ako, dahil na din siguro sa awa. “Okay lang yan Kathy. Mawawala din yan, mag tiwala ka lang.” sabi nito habang tinatapik ang balikat ko.
Maya maya ay bumitaw na ako, “Nako, ang drama natin ate. Nagugutom pa ako ate, ikaw ba?” pag iiba ko sa usapan. Hindi dahil naiiyak ako, kundi dahil pagod na ako sa mga drama ko sa buhay.
Ngumiti naman ito at tila nakuha ang ibig kong sabihin, “O sige, mag papahanda ako ng makakain. Dito ka na din mag tanghalian.” Aya nito at pumunta sa kusina. Para siguro mag pahanda ng pagkain sa mga kasambahay nila.
Mukhang wala si tita ah. Siguro may pinuntahan o di kaya pumunta sa trabaho. Sa pagkaka alam ko kasi ay nag tuturo pa din ito. Ewan ko lang kung nag retire na. Matanda na din naman kasi siya.
Maya maya ay bumalik din si ate Yen. Naupo lang siya sa tabi ko at nanahimik. Siguro nagpapakiramdaman kaming dalawa. Walang mabuksang topic, ganun.
“May balak ka pa bang bumalik sa Pinas?” basag nito sa nakaka binging katahimikan.
“Hindi ko alam ate. Hindi na siguro.” Sagot naman. Hindi ko naman talaga alam kung babalik pa ba ako dun. “Siguro kung kailangang kailangan talaga. But not for good.” Yun din yung iniisip ko. Babalik lang ako dun pag emergency or something important.
“Bakit naman? Ayaw mo bang mag stay kasama sina tita?” tukoy nito kina mama.
“Gusto naman. Pero kasi, I have my own life here.” Kimi akong ngumiti, “Ay ate Yen, kilala mo naman si Francesca diba?” pag iiba ko ulit ng usapan. Nahahalata kaya niya?
“Oo naman. Nabanggit siya sa akin ni mama dati. May contact ata kasi siya kay tita. Bakit pala?”
“Kasal kasi niya sa December. Want to come?” napag isipan kong sa kanya ko na lang ibibigay yung wedding invitation na dapat ay para sa akin. Hindi kasi pwedeng umattend ang walang invitation sa kasal. Arte no? Kung sabagay, sikat naman kasi.
“Hindi ka pupunta?” tila nahulaan nito ang nasa isip ko kaya tumango ako sa kanya bilang sagot. “Why? It’s your sister’s wedding.”
“Simply because he’s coming.” Napa yuko ako, “And I think, with her.” Bitter na kung bitter pero ayoko talaga silang makitang mag kasama. O kahit na sino sa kanilang dalawa.
Hindi naman maitatangging mahal ko pa din siya eh. At nasasaktan pa din ako.
“Oh…” siguro naisip niya ding suicide yun pag nakita ko silang dalawa. “But you need to conquer the pain. For you to finally move on, am I right?” napa taas agad ang tingin ko sa kanya. Bakit nga ba hindi ko naisipan yun before?
BINABASA MO ANG
His Forever
Fanfiction[Book 2 of Fangirl] "Try to steal what's mine. And I promise, you'll get the chance to feel what is like to live in hell." - Kathryn Bernardo