23: Best Wishes

3.2K 71 4
                                    

"Tahan na. It's not worth it." niyakap niya ako ng mahigpit. Pinilit kong tumahan na dahil nakakahiya na din naman at nasa public place kami. "Okay ka na?" tumango ako, "Then let's go. Wag ka nang lumingon dahil alam kong nakatingin sila dito." 

Sht! Oo nga pala. Ang tanga ko naman!

Tinignan niya ako at nginitian. Siguro napansin niya na nag panic ako bigla. Inakbayan naman niya ako hanggang makadating kami sa sasakyan niya na nakaparada lang din naman sa di kalayuan.

"Thank you." I said as soon as we're on his car. "Thanks for saving me there. Kung wala ka dun... hindi ko na siguro alam ang mangyayari." baka maka sampal ako, mapakulong pa ako sa salang animal abused.

"Mind if you tell me what really happened in that restroom?" tinitigan niya ako. Naba buntong hininga ako. Knowing Krane, hindi ako nito tatantanan hanggat hindi ko sinasabi ang totoo tungkol sa gusto niyang malaman.

"We argued... me and Julia, once again. She's very plastic way back in that table. Pero nung nandun na kami sa restroom? Ayon, kung ano ano na ang pinagsasabi." napa irap ako, unintentionally. Naalala ko na naman kasi yung nangyari.

"Yun lang?" tumango ako, "Eh bakit ka umiyak? Parang ang babaw naman ata." inirapan ko naman siya. Alin dun ang mababaw?

"Siguro kasi alam kong totoo yung sinabi niya." I smiled painfully, "Saka, first time kong makita ulit silang mag kasama. Baka naaalala ko lang yung mga panahong nasasaktan ako." ganun lang naman yun diba? Baka naman kasi akala ko lang na mahal ko pa din siya pero yun pala ay naaalala ko lang yun.

"So... okay ka na talaga?" okay na nga ba talaga ako? O nagpapaka okay lang ako para hindi ako kulitin nino man?

I smiled, this time a genuine one. "Oo naman no. I already moved on." I gave him assurance. Sana nga eh tama lang tong nararamdaman ko.

"Sigurado ka?"

"Oo naman!" ang mabilis kong sagot. "Weird mo Krane ah. Parang dati lang gustong gusto mong maka move on ako, tapos ngayong sinasabi kong naka move on na ako eh para kang disappointed diyan. Ano ba talaga?" ang naiirita kong saad.

"Hindi naman sa---"

"Let's go. I want to go home now. I'm tired." I'm sick and tired of everything. I just want a rest... even if it is only for a while.

He sighed in defeat and started the engine. Maya maya lang din ay naka dating na kami sa harapan ng bahay. Nag busina siya para malaman nilang andito na kami.

Hindi nag tagal ay binuksan yung gate at pinasok na niya sa garahe yung sasakyan niya. Bumaba agad ako pagka hinto ng sasakyan.

I need space. 

"What's up?" bati sa akin ni Francesca pero hindi ko ito pinansin. Pati na din ang ngumiting si Quen ay hindi ko na din pinansin o nag abala man lang na ngitian ito.

Galit ako.

FRANCESCA's POV: 

"Anong meron dun?" agad kong tanong pagka pasok ni Krane. Paniguradong may alam to. Tinignan niya ako saglit. Siguro pinag iisipan pa niya kung sasabihin ba ito o hindi. "Ano na nga? Don't you dare keep it as a secret to me!" ang mariin kong singit sa kanya.

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon