14: The Invitation

3.3K 83 0
                                    

 "Bruha kong kapatid!" bungad sa akin ng kapatid kong hindi ko alam kung anong probblema sa utak, "May papakita ako sayo!!" bigla naman siyang nawala sa screen.

Kasalukuyan kasi kaming magka skype ngayon ng kapatid kong pinaglihi ata sa loka loka. Siguro nung pinag bubuntis to ng mama niya, parating nadalaw yun sa mental hospital.

Bumalik naman siya sa harapan ng computer niya at may itinapat sa camera, "Ano yan?" tinitigan ko naman ito ng mabuti, "Oh my God, no way!"

"Yes way!!" tapos nagtititili na naman siya dun, "You're coming, right? Sis, you're coming naman diba? Diba?" sunud-sunod ang pag iling ko. "Why not?! Everyone's coming to this event! Wag ka namang KJ, Kathryn!" 

Patuloy  pa din ang mariing pag iling ko sa kanya, "Well, hindi naman ako sila. Ibahin mo ako Francesca. You know I won't come back in the Philippines just for that effin' event." inirapan ko siya.

"But, why?!" pinili ko na lang hindi sumagot, "Kathryn naman eh! Ang bitter mo! Para alumni lang eh!" yeah, it's an alumni homecoming invitation. But that hell I care!

"Yeah right Francesca. You know my reason."

"Yeah yeah yeah. You don't wanna see them in person because you will just feel that effin' pain in your chest. Blah blah blah." inirapan ko naman ito. Bwisit na babaeng to.

"Whatever. Got to go." sinarado ko naman agad yung laptop ko without waiting for her answer.

I don't even want to waste my precious time just to go there and meet my ex with his girlfriend -- no other than my ex best friend.

Knock knock 

"Pasok!" pumasok naman si Krane na dala dala ang isang sobre. "What's that?" itinaas ko pa ang isang kilay ko habang naka tingin sa hawak niya.

Itinaas naman niya ito, "Invitation for Alumni Homecoming on this coming Saturday sent by... Francesca I think." that crazy!! Sinabi ng ayaw ko eh.

"I'm not coming." ibinalik ko yung tingin ko sa laptop kong naka sarado naman na. Lumapit naman siya sa akin at tinapik ang balikat ko, "No Krane. Ayaw ko, hindi pwede at kung ano pang term na pwede para sa pagtanggi."

"You need to go. It says that attendance is a must." duh? Ano kami, students?! "'Sige na, I'll go with you." 

Nilingon ko naman siya, "Pwede ba yun?" tanong ko habang naka taas ang kilay.

"Oo naman... siguro?" napa iling na lang ako. Tamo to, maka suggest na sasamahan ako e di pala alam kung pwede yun.

"Hindi naman na ako kailangan diyan eh. Hayaan mo na." tinitigan naman niya ako, "Ayoko Krane. Saan ba dun ang di mo maintindihan ha?" tanong ko ng pairap.

"Kung bakit ayaw mo." sasagot na sana ako pero, "Sabihin na nating ayaw mo silang makita, pero hindi naman pwedeng forever ka na lang nandito at nagtatago no. More than 2 years ka ng nagkukulong dito eh. Move on move on din pag may time." he smirked before leaving my room.

"Krane yung invitation!" sigaw ko kahit alam kong medyo malayo na siya sa pinto ng kwarto ko. Iniwan ba naman kasi yung invitation sa akin? "Kaasar naman eh! Sinabi ng ayaw ko tapos ipipilit pa. Asan ang hustisya?!" 

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon