11: Leaving Home

3.2K 77 4
                                    

"Pag iisipan ko." sagot ko at tuluyan ng umalis ng kwarto niya.

Pag pasok ko sa kwarto ko, agad akong umupo sa kama ko.

Gusto ko nga bang umalis na? Kakayanin ko kaya?

Habang tulala ako na naka upo sa kama ko, "Aalis kayo?" agad naman akong lumingon sa nag salita -- si Francesca pala.

"Uso kumatok sis, di siya nakaka matay pag ginawa mo. Bat di mo i-try?" inirapan ko siya ng pabiro, "Hindi ka din chismosa ano? Hmm.. pinag iisipan ko pa nga eh." 

Lumapit siya sa akin at tinabihan niya ako. Sa gulat ko ay ngumiti lang siya sa akin, "You need to go for a break, Kathryn. You deserve it though."

"You think?" ngumiti siya at tumango, "I'll think about it."

"If that's what you want." tumingin tingin siya sa paligid ng kwarto ko. "Buti naman at tinanggal mo na yung mga posters at pictures niyo dito?" ang tinutukoy niya ay yung mga posters at pictures namin ni Daniel na pinagdidikit ko kung saan saan sa loob ng kwarto ko. At oo, tinanggal ko na ito. May mga bakas pa nga dahil sa sobrang tagal na nung mga yun na nakadikit sa mga dingding ng kwarto ko eh.

"Kailangan kasi eh. Alam mo na." 

Sandali kaming natahimik dahil wala din naman kaming ibang mapag usapan. We can't keep conversing about them.. about him. Dahil alam niyang sa huli, I will just end up crying again. At alam kong yun ang pinaka iniiwasan niyang mangyari ngayon.

"Sana mapag isipan mong bumalik ng New York. Kailangan mo din kasi yun eh." nilingon ko naman siya, pero siya sa iba naka tingin. Para ngang ewan eh, kasi kinakausap niya ako pero di naman niya ako tinitignan. "Tutal naman, Fashion Designer ka na. Why don't you work abroad? Sayang naman ang tinapos mo kung nandito ka lang at nagtatambay." 

Ah, oo nga pala. Fashion Designer na ako. Pero dahil nga hindi siya -- Daniel -- pumayag dati na sa ibang bansa ako mag trabaho dahil di hamak naman na mas maganda kapag dun.

So I chose him over my job. 

"Tutal wala naman ng Daniel na pumipigil sayo eh. At isa pa, diba pinangarap mo din yun?" tumango ako, "Ito na ang pagkakataon o. Just try it, wala namang mawawala eh." 

"Tama ka nga siguro."

***

"Ready ka na ba?" tanong ni Krane sa akin.

Nilingon ko siya at nginitian, "Oo naman. Kanina pa. Ikaw ba?" tumango siya. "Oras ba tayo aalis?"

"Ngayon na. Para di tayo ma late sa flight natin mamaya. Ready na ang sasakyan, sa baba ka na lang namin hintayin." kinuha na niya yung maleta ko at binuhat pababa.

Today is our flight back to New York. Napag isipan ko na din kasi na kailangan kong ituloy yung buhay ko. Hindi naman kasi talaga porke wala na siya, hihinto na din yung buhay ko.

Oo mahal ko pa din siya, at walang nag bago dun. Pero kasi, kailangan ko nang ipagpatuloy yung buhay ko kahit wala siya.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Matagal tagal ulit bago ko to mapasok eh. Mamimiss ko to, sobra.

"KATHRYN, BABA KA NA! IKAW NA LANG HINIHINTAY DITO O!"

"YEAH RIGHT KRANE!" 

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon