"Pinang hahawakan mong kahapon? At bakit? Past is past na nga Kathryn eh! Kailan mo ba maiintindihan yun? Kelan ba papasok yan sa utak mo?!"
"Para sa akin, hindi pa past yun!" giit ko. "Kita ko sa mga mata niya. Nakita ko Cesca! Nakita ko kahapon..." yumuko ako at ngumiti sa sarili ko, "Kung paano niya ako tignan noon... ganun pa din. Walang pinag bago." itinaas ko ang ulo ko at tinignan siya sa mata, "Hindi kaya mahal pa din niya ako? At ayaw niya lang saktan si Julia kaya hindi niya ito iniiwan? O hindi kaya wala lang siyang lakasng loob para aminin sa akin yun?"
Nabigla ako nang umiwas siya ng tingin sa akin... na parang may itinatago ito sa akin.
"Akala mo lang yun. Umayos ka nga. Di ka na niya mahal. Tandaan mo yun." iniwan niya akong naka tulala.
Bakit ganun? Akala ko ba suportado niya ako sa lahat ng bagay? Bakit parang iniiwan na niya ako sa ere ngayon? Ano to, baliktad na ang mundo ngayon, ganon? Hindi na siya kumakampi sa akin kundi si mang aagaw na yun?
Parang ang sakit naman ata nun.
Napa upo ako sa nahawakan kong silya. Nanghihina yung tuhod ko. Nasasaktan ako. This time, dahil sa kapatid ko. Nawawala na din ba siya sa akin? Bumibitaw na din ba siya?
"Kath..." rinig kong may tumawag sa akin. "Kath..." may nakita akong pares ng paa sa harapan ko. Naka yuko kasi ako. Pero alam kong si Krane to. "Tama naman kasi si Cesca, Kath eh. Hindi na tama yang ginagawa mo sa sarili mo."
Tinignan ko siya sa mga mata niya, "Please... not now." tumayo ako at lumabas. Tinakbo ko hanggang maka dating ako sa park.
Sa park kung saan nag simula ang lahat.
Dahan dahan akong lumapit sa swing at umupo. Wala pang gaanong tao dito dahil maaga pa naman. Wala pang mga batang nag lalaro.
Doon ay ini-iyak ko ang lahat ng sama ng loob ko kina Francesca at Krane. Bakit ganon sila? Hindi na ba nila ako gusto? Bakit parang iniiwan na nila akong naka bitin sa ere?
"Umiiyak ka na naman." sabi ng isang boses na pakiramdam ko ay naka upo lang sa katabi kong swing.
"Wag mo nga akong pake alaman!" bulyaw ko dito. Sino siya para makealam? "Wala kang karapatan!"
"Sungit mo naman Ya." agad akong napa lingon sa kung sinoman ang tumawag sa akin ng Ya.
Iisa lang kasi ang kilala kong tumatawag sa akin nun. Si... "Dee..." bulong ko ngunit tila narinig niya ito dahil ngumiti siya sa akin.
Paano ko di makaka limutan ang tawagan naming yon?
"Akala ko naka limutan mo na pati boses ko." he chuckled. I missed him so much, "Kamusta ka na pala?" teka, nananaginip na naman ba ako? Kung oo, please lang... wag na sana akong magsing pa.
"O-okay lang." parang ang awkward naman ata nito. Teka, hindi na ba ako galit sa kanya? "Ikaw? Kayong dalawa?" pasimple kong tanong. Hindi kaya makikipag balikan na siya sa akin?
Ngumiti ito, "Ayos na ayos!" halata nga... kita ko sa mga mata mo. "Kayo ni Krane, kamusta?" Krane? Kailan pa nag karoon ng kami? Di ata ako na inform ah.
"Walang kami ni Krane no." natigilan ito. Teka ito na ba yung time na makikipag balikan siya sa akin dahil nalaman niyang wala talaga akong naging boyfriend? "At never naging kami." pahabol ko pa, hindi naman siguro masamang mag asume no?
"Talaga?" tumango ako. Tumataas na naman yung pag asa kong magigng kami ulit ngayong oras na to. "So... friends lang talaga kayong dalawa?"
"Oo naman no! We've been friends since college days. Nakilala ko siya sa New York. Kaya comfortable na ako sa kanya. Saka isa pa, may girlfriend ata yun ngayon." paliwanag ko pa. Malay ko ba kung babalikan niya ako diba? Hindi naman talaga masama ang mag assume eh.
Nilingon ko siya. Nagka tinginan kaming dalawa. Nakita kong gumuhit ng ngiti ang mga labi niya. Unti unting tumaas ang pag asa kong maging kami ulit.
"Kathryn..." lumakas ang tibok ng puso ko. Ito na ba yun? "May gusto sana akong sabihin sayo-"
***
Pasalampak akong umupo sa kama ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung dapat sasabihin sa akin ni Daniel. Ano kaya yun? Makikipag balikan na ba talaga siya sa akin?
Flashback
"Kathryn..." lumakas ang tibok ng puso ko. Ito na ba yun? "May gusto sana akong sabihin sayo-" biglang tumunog yung cellphone niya. Nakakatuwa diba? "Ay teka, sandali lang." hinugot na niya yung phone niya sa bulsa niya. Wrong timing!
Tinignan niya yung caller at kusang ngumiti ito, "Yes?" halatang hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi niya. "Oh, uuwi ka na?" nilingon niya ako, "Oo eh. Pero hindi, pupuntahan kita." bahagya akong nalungkot. Mukhang aalis na nga talaga siya. "Yeah yeah. I'll be there before you knew it. I'll pick you up. Papabayaan ba naman kitang mag commute ng mag isa?" tumingin ako sa iba, naasaktan lang ako sa mga naririnig ko eh. "Sure sure. Bye! Take care. Yeah, I love you so much more! Be there, immediately. I promise! Yeah yeah, bye! See you later." ibinaba naman na niya ung cellphone niya at inilagay sa bulsa.
"Sorry, una na ko ha? Sunduin ko pa si Julia eh." hinging paumanhin niya.
Tumango na lang ako. As if namang may magagawa pa ako diba?
"Ingat." nginitian ko na lang siya at pinanood na mag lakad palayo sa akin.
Ang gandang timing nga naman niyang si Julia. Shet! Sarap patayin. Letse.
End of Flashback
Huminga ako ng malalim. Naiinis talaga ako. Sayang yun eh. Sayang talaga. Mamaya magpo-propose pala dapat siya sa akin tapos hindi na natuloy dahil sa pagka wrong timing nung babaeng yun. Tsk tsk. Siguro naradar niya yun kaya biglang tumawag kay Daniel. Bwisit talaga siya kahit kailan. Asar
Third Person's POV:
"Nasabi mo na ba?" tanong ni Julia kay Daniel habang nasa sasakyan sila. "Kinakausap kita, nasabi mo na ba sa kanya? Nasabi mo na ba kay Kathryn?" ang pangungulit ni Julia dito.
Bahagyang nairita si Daniel sa kakulitan nito, "Hindi pa." hindi na siya nag abala pang lingunin ito para lang sa pag sagot.
"At kailan mo naman balak sabihin aber? Pag nag end of the world na?" mas lalong nairita si Daniel sa tono ng pananalita nito. Para kasing nanghahamak siya o kung ano.
"Pwede ba Julia, matuto ka namang mag hintay! Hindi naman madali yung pinapagawa niyo sa akin eh!" hindi na niya napigilan pang mag taas ng boses. Inihinto niya ang sasakyan sa tabi at hinarap ito. "Lahat naman ng gusto niyo, ginagawa ko ah! Time lang kailangan ko, hindi niyo pa maibigay?!" bulyaw niya sa nahintakutang si Julia.
Hindi niya ine-expect na sisigawan siya ng ganito ni Daniel. Sa lahat kasi ng pagkaka taon, mahinahon itong mag salita sa kanya. Kahit anong mangyari.
"Daniel naman..." ang halos pabulong na niyang sagot, "Wag ka namang ganyan. Alam mo namang--" naputol ang pagsasalita niya ng biglang sumabat si Daniel.
"Oo na! Yan naman parati mong sinasabi sa akin eh! Oo na nga diba?! Sasabihin ko na!
Gagawin ko na yung gusto niyong mangyari, manahimik lang kayo!"
----
Follow me on Twitter: @viancanonymous
BINABASA MO ANG
His Forever
Fanfiction[Book 2 of Fangirl] "Try to steal what's mine. And I promise, you'll get the chance to feel what is like to live in hell." - Kathryn Bernardo