KATHRYN'S POV:
"Breakfast in bed!" gulat akong tumingin sa pinto ng kwarto ko para lang makita ang kapatid ko na may bitbit na pagkain.
"Himala at naisipan mo yan?" ang tatawa tawa kong pambubuska sa kanya. Himala kasi talaga. Ngayon lang niya to ginawa.
"Siyempre naman no!" tumawa siya at nilapag ang tray sa side table ko. "Bango na at nang makakain ka na sis."
Ginawa ko naman ang utos niya at tinikman yung pagkain na hinain niya sa akin.
"Mmm... sarap ah! Siguradong di mo to luto sis." tumawa ako ng malakas. Di kasi siya marunong magluto! Hahahaha
"Ikaw na nga binigyan ng pagkain, ikaw pa tong mang aasar." nag crossed arms siya, "Si Mama nagluto niyan. Inakyat ko lang." then she winked.
"Si mama? Asan siya?" medyo matagal ko na kasi siyang di nakikita eh. Nag bakasyon sila ni tita Karla sa ibang bansa.
"Nandito ako." nilingon ko naman yung pinto.
"MAMA!" sigaw ko at ibinaba yung tray saka agad tumayo para yakapin siya, "Na miss kita ma!" totoo. Wala kasi siya para bigyan ako ng advice tulad ng dati.
Though meron naman diyan sina Francesca at Krane.
Pero kahit na, mas gusto ko pa din pag si mama ang katabi ko.
"Eh ako, di mo na miss?"
"PAPA!" agad ko din siyang niyakap, "Siyempre po pati ikaw!"
"I missed you too Kathryn." niyakap nila akong dalawa.
"Pasali naman!" sumali sa yakap si Francesca. Inggitera ever talaga to. Pero wag kayo, love ko to! Hahahaha
Bumitaw naman ako sa yakap at binalikan yung kinakain ko. Nandito kaming apat ngayon sa loob ng kwarto ko.
Malamang naman na naghihilik pa din ngayon si Krane sa kwarto niya.
"Kamusta naman kayong dalawa dito? Binantayan ba kayo ni Krane?" kilala nila si Krane dahil matagal ko din naman itong nakasama sa New York.
"Oo naman tito. Ako pa!" biglang sabat ng bagong gising na si Krane.
"Buti naman kung ganon." ang nakangiting sagot ni papa. "Osya, matutulog muna ako at pagod ako." galing kasi sa business trip si papa.
Umalis naman na siya at sa tingin ko eh papunta siya sa kwarto nila ni mama.
"Ay oo nga pala, may pasalubong ako sa inyong dalawa."
"Nasaan po?!" excited na tanong ni Francesca. Kahit kailan talaga o.
"Nasa baba iha. Kunin mo na lang doon." agad agad namang tumayo si Francesca at bumaba na, "Ikaw din Krane. Andun yung sayo."
"Talaga tita?" tumango si mama, "Akala mo nakalimutan mo yung akin eh! Hahaha. Thanks tita!" tulad ni Francesca, agad agad din siyang bumaba papunta sa sala.
Mga yun, excited sa pasalubong.
Nang matapos ko ang pagkain ko, inilapag ko muna ito sa side table at tingin ko ay kakausapin ako ni mama ngayon.
"Balita ko, dumating na daw si Julia ha?" ngumiti naman siya sa akin, "At wala na daw kayo ni Daniel?"
Ngumiti ako ng malungkot. Naaalala ko na naman yung mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
His Forever
Fiksi Penggemar[Book 2 of Fangirl] "Try to steal what's mine. And I promise, you'll get the chance to feel what is like to live in hell." - Kathryn Bernardo