28: Just Choose

2.8K 71 4
                                    

Kathryn's POV: 

Kusa akong napa ngiti habang nag babalik tanaw sa napag usapan namin kanina ni Daniel. Kinakabahan ako, oo. Pero hindi naman siguro maiiwasang matuwa ako sa mga sinabi niya diba?

Hay... mukha nga atang hindi ko kayang magalit sa tarantadong yun. Pano ba yan? Wala na naman yung inis o irita na nararamdaman ko sa kanya. Ang gulo lang.

 

"Gusto ko lang malaman mo na..." itinaas ko yung kilay ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin, "Na.."

"Na.. ano? Langya naman Daniel o, ituloy mo na yung kung anong sasabihin mo, pwede? Nabibitin ako sa kaka sabi mo sa NA na yan eh." iritadong saad ko. Nakaka gago lang kasi yang NA na yan eh. Kanina pa siya diyan. Curious na nga yun tao eh!

"Gusto ko lang malaman mo na mahal pa din kita." 

Kumunot yung noo ko. Nag sisimula na namang umapaw yung galit na nararamdaman ko.

"Wag mo naman akong pag laruan Daniel." kasi baka bumigay ako sa mga pinag sasabi mo. Baka masaktan na naman ako dahil sa katangahan ko.

"Hindi kita pinag lalaruan Kath. Totoo yung sinasabi ko." 

"Hoy Kathryn!" bumalik ako sa realidad ng dahil sa tinig na sumira sa pag babalik tanaw ko sa nang yari kanina. "Bakit ba sa tuwing nakikita kita e mukha kang tanga?" untag sa akin ni Francesca. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Matapos mong sirain yung pagde day dream ko, aasarin mo pa ako?"

"Tamo, ang tanga mo talaga. Gabi na tapos day dream pa din? Nag lolokohan ba tayo dito?" inirapan ko naman siya, "Oo nga pala, si Krane tumawag kanina. Nangungumusta." tinanguan ko na lang siya. Umalis din naman ito.

Si Krane? Matagal ng bumalik yun sa New York. Madami daw siyang kailangang asikasuhin kaya napag desisyonan na lang niyang bumalik doon.

Tatapusin ko lang yung trabaho ko dito bago ako sumunod doon. Na miss ko na din kasi ang buhay ko dun sa New York.

Buti pa dun at walang Francesca na parating gumugulo sa akin. Ewan ko ba dun sa babaeng yun at ako pa ang naisipang guluhin parati, e may boyfriend naman siyang kayang mapag tiisan yung kagagahan niya sa buhay.

"Daniel naman eh! Wag mo naman akong pinapaniwala sa hindi totoo. Pagod na ako eh." sabi ko ng nanghihina. Nakaka inis na din kasi itong si Daniel. Hindi ko na alam kung anong papaniwalaan ko sa mga pinag sasabi niya.

"Hindi naman kasi talaga ako nag sisinungaling. Totoo yun, ikaw pa din." tinitigan ko siya sa mga mata niya at hinanap ang sinseridad dito.

"Kung totoo nga... bakit mo papakasalan si Julia?" saglit itong natigilan at tila nag iisip ng isasagot. "Tignan mo? Hindi ka maka sagot, ibig sabihin hindi ka nga nag sasabi ng totoo." tinalikuran ko na siya pero hinawakan na naman niya ako sa braso ko para pigilan.

"Pero ikaw ang mahal ko, sigurado ako dun." 

I shook my head. Hindi to pwede. Para ko na ding pinagpa planuhang i-salvage ang sarili ko sa pinag gagawa ko. Nakaka inis kasing lalaking yun, ginugulo ang isipan ko.

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon