6: Dreaming with a Broken Heart

3.9K 84 7
                                    

Nagising ako sa isang mahabang panaginip. Ang lungkot lungkot ko daw. Iniwan na daw kasi niya ako. Napaiyak ako.

Ang sakit naman sa puso nung panaginip ko.

"Okay ka lang ba bii?" nilingon ko ang nagsalita at ngumiti sa kanya. Hindi pala yun totoo. "May nangyari ba? Anong napaniginipan mo?" may pag aalalang tanong niya sa akin.

"Oo naman, okay ako. Andiyan ka na eh." niyakap ko siya ng mahigpit, "Wag mo akong iiwan ha? Sa panaginip ko kasi, umalis ka eh." 

Niyakap naman niya ako ng pabalik, at mas lalong mahigpit. "Never kong gagawin yun. Mahal kaya kita, bakit kita iiwan?" lihim akong napangiti.

"Sana nga..." I whispered.

Matapos naming magdrama ng umagang umaga, bumaba na kami at kumain ng umagahan. Medyo nagugutom na din kasi ako eh. Saka di ako mapakali sa napaniginipan ko.

Para kasing totoong totoo yun. Ayaw ko siyang mawala sa akin. Di ko kakayanin.

"Di mo naman ako iiwan diba?" I asked out of the blue. "Di mo naman siguro yun maiisipan diba?" nalulungkot ako.

Tinignan niya ako ng nagtataka, "Ikaw talaga bii. Alam mong yan ang huling bagay na gagawin ko at maiisipan kong gawin." ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Siguro nga panaginip lang talaga yun. 

***

Knock knock 

Ayaw ko ng gumising. Ayaw ko. Ayaw... parang totoo yung panaginip ko. 

"Hoy kambal, uso bumangon. Anong oras na o." naramdaman ko ang mahinang--I mean malakas na pagyugyog sa akin. "Kambal gising na!" 

Iritado akong bumangon at padabog na tumayo ng kama. "Bwisit ka naman kambal eh! Andun na o. Ang saya ko na sa panaginip ko. Bakit kailangan mo pang umepal?!" galit kong sinabi sa kanya.

Sa panaginip ko na nga lang nakakasama si Daniel eh. 

"Bakit, ano ba yung nasa panaginip mo?" ang nakakunot noong tanong niya sa akin.

Umupo ako sa kama, "Ah wala," hindi ko sasabihin dahil pagtatawanan lang niya ako, "pagkain lang. Nagugutom na kasi ako." 

Tumango naman siya. Buti na lang at pinalagpas niya. Ayaw ko kasi talagang malaman niya yung tungkol dun. Saka baka maalala na naman niya yung dapat gagawin niya kahapon. Mahirap na. Baka di ko na siya mapigilan at baka di na siya magpapigil.

"Hey guys!" bati ni Francesca. Nginitian lang namin siya. "Anong meron?" umiling ako, "Hay nako sis. Tama na nga yang drama. Umagang umaga eh. Move on!" sana nga madali lang yun. Yung tipong para ka lang nagrerecite ng alphabet at numbers up to 100. "Tara na nga sa baba at kain na tayo." 

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila palabas ng kwarto ko. Sumunod naman si Krane sa amin.

Ay oo nga pala. Sa amin muna tumitira si Krane dahil wala siyang bahay na matitirhan dito. Matagal na palang nabenta yun nung lumipat sila sa New York. Saka sinabi naman nina Papa na dito na daw siya mag stay since kaibigan naman namin siya.

Ang loko, di sinabi sa akin ang totoong dahilan ng pag uwi niya dito. Umuwi pala siya para sa akin. Tinawagan daw siya nung makulit kong kapatid na si Francesca at sinabi ang nangyari. Ayan tuloy, umuwi ng wala sa oras.

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon