Epilogue: Ever After

5.3K 108 14
  • Dedicated kay To all the His Forever readers
                                    

Author’s note:

Bago ang lahat, nilagay ko ang author’s note sa pinakataas para basahin niyo. Hahaha.

Hi friends! Salamat sa mga nagbasa at patuloy na nagbabasa ng His Forever. Ba, ang swerte ko naman. Hahahaha. Sa totoo lang, kahit alam kong puro kadramahan tong storya na to, at hindi ko ba alam kung anong matutunan dito, pinagtiyagaan niyo pa ding basahin. Nakakatuwa kayo, promise.

Yang mga votes and comments niyo ang fuel ko para ipagpatuloy ang pagsusulat. Diba, parang sasakyan lang? hahahaha.

Maraming maraming maraming (endless times) salamat talaga sa pagsuporta. Sana nandiyan pa din kayo sa mga susunod kong storya na maisusulat.

Ginagawa ko ang lahat para maimprove ang writing skills ko, para sainyo at sa akin na din siyempre.

Once again, salamat. Love you, dear readers! <3

------

3 years later…

“Bey, bili mo nga ako ng ganon.” Itinuro ko ang nagtitinda ng mango sa kalsada. Papunta kasi kami ngayon sa birthday party ni Trim – anak nina Francesca at Quen.

“Eh bii, kanina pa ako tinetext ng kapatid mo. Late na daw tayo, at hinahanap ka na ni Trim. Saka isa pa, hindi tayo pwedeng tumigil dito.” Pagpapaintindi sa akin ng asawa ko – si Daniel. Yes, kasal na kami. Last yearb lang.

“Naman eh!” pagmamaktol ko, “Gusto ko nga kasi nun. Kaasar naman!” pinagkrus ko pa ang mga braso ko para ipakita sa kanya ang pagkadismaya.

Napabuntong hininga naman siya, “Fine fine.”

“Yey! I love you bey!” as a reward, hinalikan ko siya sa pisngi niya.

He chuckled, “Oo na, I love you too bii.” Napangiti na lang ako. Ang sweet talaga ng asawa ko. Akalain niyo yun? Kami pa din talaga ang itinadhana.

Itinabi naman niya ang sasakyan malapit sa nagtitinda ng mga prutas. Siya na ang bumaba para bumili ng mga ito. Maya maya ay bumalik siya na madamibng dalang mangga.

“Here.” Iniabot niya sa akin ang mangga, kaya lang ay inilayo ko rin ulit ang mga ito sa akin. “Why?” takang tanong nito.

“Hindi maganda ang amoy niyan bey, ayoko na pala.” Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang kamay ko, “Tapon mo nga yan!” utos ko pa rito.

“Huh? Kanina lang gustong gusto mo nito, tapos ngayon ayaw mo na?” nakakunot noo itong tumingin sa akin, “Buntis ka ba?” buntis nga ba ako?

“Ba, malay ko.” Kibit balikat kong sagot, “Tara na bey. Tapon mo yan ha?” umayos ako sa pagkakaupo at natulog na muna sa biyahe.

Maya maya ay ginising na ako ni Daniel dahil nandito na kami sa bahay nina Francesca. Ang bruha, ang laki ng bahay.

“Hey there sister!” bati ko kay Francesca ng makapasok kami sa bahay nila.

“Maka-hey there sister ka naman diyan, eh late naman kayo!” ang sagot nitong may himig pagtatampo.

“Anong kinalaman nun sa pagbati ko?” nginisihan ko siya, “Pero joke lang, love you sis!” niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “Saan ang pamangkin ko?”

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon