KATHRYN'S POV:
"Okay ka na?" bungad sa akin ni Francesca pagkababa ko sa dining hall.
"Yeah." nginitian ko siya para mapanatag na ang loob niya. "Nga pala, aalis ako ngayon." inilapag ko yung gamit ko sa upuan at binuklat ang folder na hawak ko para tignan kung wala pa akong nakalimutang ilagay.
"Saan ka na naman pupunta?" tinignan ko siya at nakakunot na naman ang noo niya, "Don't tell me sa kanya na naman? My God Kathryn, hindi ka pa ba--"
Pinutol ko na ang pag sasalita niya, "Hindi yun, gaga." tumawa ako, "Tapos ko na kasi yung design nung gown ni Julia. Pero tingin ko ibibigay ko na lang sa mama ni Daniel, tutal kilala naman na ako nun. Ayoko munang makaharap kahit sino sa kanilang dalawa." ngumiti ko, "Sige ha? Punta na ako. Natext ko na si Tita eh." iniwan ko si Franceca na naka tulala dun. Hindi niya siguro inexpect to.
***
"Hi tita." bati ko sabay halik sa pisngi niya. "Kamusta na po?" nginitian ko siya. Matagal ko na ding hindi nakaka kwentuhan tong si tita eh.
"Okay naman ako iha, napa dalaw ka?" ang naka ngiting sagot sa akin ni tita. "Matagal ka ng di nagagawi dito ah. Halika, tuloy ka." binuksan niya ang pinto at pinapasok ako.
Iginala ko ang paningin ko. "Si Daniel po tita, andyan po ba?" dahil kung meron siya, ang malas ko naman.
"Wala e, kaka alis lang kanina." at dahil dun ay lumuwag na ang pag hinga ko. "May sasabihin ka ba dapat sa kanya?"
Tinignan ko si Tita at nginitian, "Ibibigay ko lang po sana sa kanya to eh, since wala naman siya, sayo ko na lang po ibibigay." pagpapa lusot ko. Sana naman kumagat si tita sa palusot ko.
"Ano ba yun?"
Inilabas ko yung laman ng folder na hawak ko, "Design po ng wedding gown ni Julia." naka kunot noong inabot ni tita yung folder na iniabot ko, na siyang ikinataka ko.
"Totoo ba yung kasalang yun?" ako naman ang kumunot ang noo. Ano namang ibig sabihin nun? "Akala ko naman joke lang yun. Sabi kasi ni Daniel--"
"Ma!" sabay kaming lumingon sa pumutol ng sinasabi ni tita -- si Daniel pala.
"O anak, akala ko ba umalis ka na?" takang tanong ni tita, "Oh, si Kath nga pala. Nandito para ibigay yung design ng gown ni Julia. Akala ko ba joke lang yung kasal na yun?" literal na hindi ako maka galaw. Ngayon ko lang kasi ulit nakita si Daniel simula nung mang yari yun.
"Ma, mag usap po muna kami pwede?" mag usap? Anong pag uusapan? Tungkol dun? The heck!
Tumingin si tita sa akin nang nag tataka, "Oh.. okay?" tumayo pa din si tita kahit na nag tataka siya.
"What are you doing here?" he asked coldly. At siya pa ngayon ang may ganang magalit ngayon? Ako yung nasaktan dito!
"Ibibigay ko lang sana to." tumayo ako at inabot sa kanya ang folder, "Yan lang naman yung rason, aalis na ako." pag papa-alam ko.
Nakaka inis na siya! Siya na nga tong naka sakit ng damdamin, siya pa tong may ganang magpaka cold sa akin. Lokohan ba?
"Sandali." natigilan ako. "May pag uusapan pa tayo."

BINABASA MO ANG
His Forever
Fanfiction[Book 2 of Fangirl] "Try to steal what's mine. And I promise, you'll get the chance to feel what is like to live in hell." - Kathryn Bernardo