30: Wake Me Up When It's All Over

3K 69 4
                                    

KATHRYN'S POV: 

"Sis, may bisita ka." hindi ko ito pinansin. Simula kasi ng manahimik ako at mamirmi dito sa bahay, parati na akong kinakausap ni Francesca. Ewan ko ba diyan. Narinig ko ang pag buntong hininga niya, "Ikaw na bahala sa kapatid ko ha? Medyo hindi yan maka usap ng matino eh." 

Maya maya ay narinig ko na ang mga yabag niya papalabas ng kwarto ko, ganun din ang pag pasok ng bagong panauhin.

Naramaman ko ang pag tabi nito sa akin, pero hindi ko na lang pinansin. Kilala ko to. At expected na ang pag punta niya dito, lalo na sa ganitong pagkaka taon.

"Ano na naman ba ang nangyari?" hindi ako umimik. Ayoko ng mag salita. Parang nawala na din yung dila ko dahil hindi ko na mahanap ito para sumagot. "Is this drama all about him again?" all about him, again? Oo nga no, parati na lang siya ang dahilan. Bakit kaya ganun?

Aakbayan niya sana ako pero umusod ako sa gilid, papalayo sa kanya. "W-wag..." pigil ko dito. Ayaw kong mahawakan ng kahit na sino. Baka umiyak na naman ako. Pagod na pagod na ako.

Bumuntong hininga ito, "Look at yourself, kung hindi ka pa aayusan ni Cesca, paniguradong mukha ka ng na rape ng ilang beses." pangangaral niya sa akin.

Sa halos isang linggong pag stay ko dito sa kwarto ko, wala na akong panahong mag ayos ng sarili. Si Francesca na nga ang halos nag papatakbo ng buhay ko. Siya ang nag aayos ng buhok ko. Siya ang nagpapa alala na kumain na ako.

I feel like a living dead. 

Halos nakabisado ko na nga ang mga insektong lumilipad lipad sa labas eh. Nasa veranda lang kasi ako madalas naka tambay.

"Kath naman, wag mo naman akong balewalain dito o.." rinig ko ang pag hina ng boses nito. "Kung nasasaktan ka, sabihin mo sa akin. Kasi alam mo? Gusto kong malaman kung anong dahilan. Kaibigan kita, at nasasaktan ako dahil nasasaktan ka. Lalo na ang kapatid mo." halata ang pagka lungkot sa boses nito. "Kath naman, parang pakiramdam ko balewala na ako sayo ngayon. Kami." 

Naiiyak ako, hindi dahil sa mga nalaman ko, kundi dahil sa nakakasakit na naman ako ng mga taong ayaw na ayaw kong saktan.

"Sorry..." na lang ang tangi kong nasabi. Masyadong mabigat yung dibdib ko. "Hindi ko sinasadya..." hindi talaga. Hindi ko naman ginustong madamay sila eh.

Sa hindi inaasahang pagkaka taon, sa isang linggong wala akong iniluha... biglang pumatak ang isang luha, na dumami ng dumami. Mariin ko itong pinunasan at nilingon siya.

"Kath..." ang tila nagulat na tugon ni Krane. Oo, si Kran na naman, siya na naman ang nandito para damayan ako. "Kung may gusto kang sabihin, kung masyado ng mabigat yang dinadala mo.. pwede mong sabihin sa akin. Pwede mong ilabas. Makikinig ako." nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

Ngumiti ako at tinignan siya, "Wala to no. Affected lang ako dun sa napanood kong movie. Alam mo ba kung ano yun?"

"Ano ba yun?" 

Ngumiti ulit ako at tumingin sa kawalan, "Drama yun eh. Kasi may isang girl na sobrang tanga at madaling maniwala lalo na pag yung guy na mahal niya yung nag sabi." pinilit kong matawa dahil sa katangahan ko. "Tapos yung guy naman dun, napaka paasa. Mahilig saktan yung girl... dahil ata mahal nung guy yung bestfriend ni girl." huminga ako ng malalim, "Tapos itong guy, sinaktan na naman niya si girl recently lang. Sinabi kasi niyang mahal pa daw niya yung girl na yun, kaya pinapili siya ni girl between her and her bestfriend. Eh pag iisipan daw nitong si guy kung anong sagot. At dahil tanga nga itong si girl, hinayaan naman niya." muli ay naaalala ko na naman yung masakit na pang yayari na yun. "Hindi naman nag tagal e naka tanggap ng message itong si girl, telling na mag kita daw sila ni guy sa location na sinabi ni guy. Si girl naman na excite, and at the same time, kinabahan. Yun na kasi yung araw na sasabihin ni guy yung kung sino man ang napili niya." ipinikit ko yung mga mata ko para hindi tuluyang mahulog ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. "Alam mo kung anong nang yari?" nag hintay ako ng sagot mula sa kanya.

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon