32: Should I Go?

2.8K 77 8
                                    

"Sino nag padala dito?" tanong ko kay Francesca ng i-abot sa akin ang isang envelope na sa tingin ko ay alam ko na kung ano ang laman.

"Ewan. Basta naka lagay yan sa harapan ng door natin." kibit balikat na sagot nito, "Ano ba yan? Sayo lang naka address eh. May party? Sama mo naman ako!"

"Hindi ko din alam eh..." binuksan ko yung envelope at inilabas ang isang invitation card.

 You are invited to Padilla - Montes Nuptial 

Invited pa pala ako dito? Wow. Sana ini abot na lang sa akin ng personal, di yung iiwan pa sa harapan ng pinto ng bahay namin. Nakaka bastos lang kasi.

"Ano yan?" ini abot ko naman kay Francesca yung invitation na natanggap ko, "The heck?! Ano naman ang gusto nilang mang yari dito?!" ramdam na ramdam ko ang pagka inis ni Francesca. Pareho lang naman kami, naiinis sa inaasal nila. Para silang mga bata.

"Hayaan mo na lang." sagot ko. Ayoko namang sobrang mag tanim siya ng sama ng loob para kina Daniel. Hindi naman kailangang damay siya dito. "Masaya sila dito eh. Suportahan na lang natin." nginitian ko siya.

Tutal, ako lang naman ang may problema sa kanila eh. Hindi na dapat siya damay dito. Saka alam kong may invitation din siya, nakita ko kasi sa kwarto niya. Malamang invited yan.

"Don't tell me.. pupunta ka?" tinitigan niya ako pero ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. "Pupunta ka talaga?"

"I don't know. Well, maybe? After all, Julia is my friend and Daniel is my idol turned to be my ex boyfriend." kibit balikat kong sagot, "Pag iisipan ko pa siguro." matapos nun ay tinalikuran ko na siya.

Hay... maka punta na nga lang sa mall. I need to shop.

***

"Kukunin niyo po lahat to ma'am?" bakit kaya may mga ganitong tao? Nakaka loko ata eh. Di kaya nagda- drugs tong mga sales lady? Naku ha!

"Di po, pina hawak ko lang." inis kong sagot. Bad trip ka na nga, mababad trip ka pa lalo. "Akin na nga po yan at ako na mag dadala hanggang cashier." inabot naman niya yung mga damit na kanina ay hawak niya. "Salamat na lang po." tinalikuran ko na yung tangang sales lady. Posible ka pala talagang mainis sa mga ganung tao kahit na halos araw araw mo na silang nae-encounter ano?

Pagka dating ko sa may cashier, ibinaba ko na yung mga hawak ko. Agad naman itong inasikaso nung nasa cashier.

"5, 500 po lahat ma'am." nagulat naman ako. Talaga? Eh isang pares pa lang yan ah. Hay nako, over pricing talaga ang mga nasa mall.

"Eto po." iniabot ko naman sa kanya yung 6, 000 ko at agad akong sinuklihan. Matapos ay inabot na din sa akin yung paper bag laman ang mga pinamili ko.

First stall ko pa lang to na napupuntahan, at balak kong puntahan lahat ng stall dito sa mall na to. I need to be stress free today.

After 3 hours. 

Napagod na din akong mag ikot ikot. Mainit na din ang credit card ko. Kawawa naman, baka masira to. Hay..

Nag hanap ako ng mauupuan na bench, pero punuan lahat. Ano bang meron dito at ang daming tao? May artista ba or something?

Habang nag hahanap ng mauupuan, may narinig akong boses at umalingawngaw sa buong paligid.

"Welcome to Daniel Padilla's mall tour!" biglang tumibok ng malakas ang puso ko. May mall tour pala siya ngayon? At ang malas ko lang dahil... dahil dito gaganapin yun! Letseng buhay naman o. Paano ako magiging stress free ngayon?

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon